Tag: el filibusterismo

  • El Filibusterismo Kabanata 8: Maligayang Pasko

    Nang magising si Juli ay madilim pa at nagtitilaukan ang mga tandang. Naisip niyang ginawa nang Birhen ang himala. Bumangon siya, nag-antanda, umusal ng pang-umagang panalangin, at walang ingay na lumabas ng kanyang silid. Walang nangyaring himala! Ang tangi niyang nakita sa paanan ng Birhen ay ang sulat ng kanyang ama na humihinging limandaang pisong…

  • El Filibusterismo Kabanata 7: Si Simoun

    Pabalik na sa bayan si Basilio nang marinig niya ang lagitik ng mga sanga’t kaluskos ng mga dahon sa gubat. Palakas nang palakas ang mga yabag na papalapit sa kanyang kinaroroonan. Kumabog ang kanyang dibdib nang magunita ang matandang alamat tungkol sa lugar na iyon, pinatindi pa iyon ng oras at dilim, ng sipol ng…

  • El Filibusterismo Kabanata 6: Si Basilio

    Inihudyat ng mga kampana ang misa sa hatinggabi nang palihim na nagtungo si Basilio sa gubat ng mga Ibarra na ngayo’y pag-aari na ni Kapitan Tiago. Paliit na ang buwan, ngunit hindi nakahadlang ang dilim upang marating niya ang luma’t sira-sirang moog na may isang malaking balete sa gitna nito. Huminto siya sa tapat ng…

  • El Filibusterismo Kabanata 5: Noche Buena ng Isang Kutsero

    Lumilibot na ang prusisyong pang-Noche Buena nang dumating si Basilio sa San Diego. Naantala siya nang maraming oras dahil pinigil ng mga gwardya sibil ang kutsero na walang dalang sedula, kinulata pa ito at iniharap sa komandante sa kwartel. Huminto na naman ang karomata, nag-alis ng sumbrero ang kutsero bilang paggalang, saka nagdasal ng isang…

  • El Filibusterismo: Kabanata 4 Si Kabesang Tales

    Si Tandang Selo ay isang mangangahoy na nakatira sa pusod ng gubat. Puti na ang kanyang buhok, ngunit napanatiling malusog ang pangangatawan. Hindi na siya nangangaso o namumutol ng mga kahoy dahil sa bumuti na ang kanyang kabuhayan. Gumagawa na lamang siya ngayon ng walis. Kasamá sa lupain ng kapitalista ang anak niyang si Telesforo,…

  • El Filibusterismo Kabanata 3: Mga Alamat

    Nang batiin ni Padre Florentino ang mga nagtitipon sa kubyerta, tapos na ang inisang bunga ng mainitang pagtatalo. Nagtatawanan at nagbibiruan na ang mga ito, kasama pati ang payat na Pransiskanong si Padre Salvi. Inusal ni Padre Sibyla ang kasamaan ng panahon ngunit kinantyawan ang Bise-Rektor ng kanonigong si Padre Irene dahil sa mabuting pangangalakal…

  • El Filibusterismo Kabanata 2: Sa Ilalim ng Kubyerta

    Iba naman ang kalagayan sa ilalim ng kubyerta. Higit na maraming tao ang sakay doon, nangakaupo sa mahaba’t bilog na mga bangko sa pagitan ng mga maleta, bakol, at tampipi habang nadadarang ng init ng makina at ng mabahong singaw ng langis at katawan ng tao. May ilang tahimik na tinatanaw ang mga pampang, may…

  • El Filibusterismo Kabanata 1: Sa Kubyerta

    Mga Talasalitaan Mga Pangunahing Tauhan Buod ng Kabanata Isang araw  ng Disyembre naglalakbay ang bapor tabo sa Ilog Pasig patungong Laguna. Nag-uusap sa kubyerta ang mga pasahero. Donya Victorina: Kapitan bakit hindi pa natin tulinan ang barko? Kapitan ng Barko: Sasadsad tayo sa bukiring iyan, Donya Victorina. Habang pinagtatalunan ng mga sakay ang pagtutuwid sa…

  • Mga Tauhan sa El Filibusterismo

    Simoun  Siya si Juan Crisostomo Ibarra sa nobelang Noli Me Tangere. Nagpanggap siyang mag-aalahas na nakasalaming may kulay upang hindi makilala ng mga nais niyang paghigantihan. Naging kaibigan at taga-payo din siya ng Kapitan Heneral.  Basilio  Ang mag-aaral ng medisina at kasintahan ni Juli. Kalaunan ay naging kakampi siya ni Simoun.  Isagani  Ang makatang pamangkin…

  • Kaligirang Kasaysayan ng El Filibusterismo

    “Ang Pilibusterismo” o “Ang Paghahari ng Kasakiman”  Pilibustero – taong kritiko, taksil, lumaban o tumuligsa sa mga prayle at Simbahang Katolika  Timeline sa Pagkakasulat ng Nobela  1885:   1887:   1888:   1890:   1891:   1896  1872  Kondisyon ni Rizal habang sinusulat ang El Filibusterismo  Mga Taong Tumulong Kay Rizal  Jose Alejandro  Valentin Ventura  Jose Maria Basa  Rodriguez Arias …