Kaligirang Kasaysayan ng El Filibusterismo

“Ang Pilibusterismo” o “Ang Paghahari ng Kasakiman” 

Pilibustero – taong kritiko, taksil, lumaban o tumuligsa sa mga prayle at Simbahang Katolika 

Timeline sa Pagkakasulat ng Nobela 

1885:  

  • Binalangkas ni Rizal ang El Filibustrismo habang isinusulat niya rin ang Noli Me Tangere 

1887:  

  • Matagumpay na lumabas noong Marso 1887 ang Noli Me Tangere 
  • Agosto 1887 muli niyang nakasama ni Rizal ang kaniyang pamilya. Ginamot ang mata ng kaniyang ina, nakipag-usap kay Leonor Rivera, at inalam ang pagtanggap ng mga Pilipino sa nobelang Noli Me Tangere 

1888:  

  • Pebrero 1888, nilisan ni Rizal ang Pilipinas dahil na rin sa udyok ni Gob-Hen. Emilio Terrero. Nagtungo siya sa iba’t ibang bansa sa Asya, sa Amerika, at sa Europa. 

1890:  

  • Sinimulan ni Rizal isulat ang El Filibusterismo sa London.  

1891:  

  • Nang matapos ni Rizal ang nobela noong Marso 29, 1891 at makahanap ng palimbagan sa Ghent, Belgium ay ipinadala niya ang manuskrito sa kaibigang si Jose Alejandrino 
  • Ika-6 ng Agosto, 1891: Tinigilan ang pagpapalimbag; inisip ni Rizal na sunugin nalang ang libro subalit dumating ang tulong ni Valentin Ventura 
  • Sa tulong ni Valentin Ventura, naipalimbag ang nobela noong Setyembre 1891 
  • Pinalimbag ni Rizal ito kaso kinulang sa pera kaya’t binawasan ang mga kabanata mula sa 44 naging 38 na lamang  
  • Ipinalimbag niya ito sa F. Meyer Van Loo Press at naging hulugan ang bayad  
  • Ipinadala ni Rizal ang kopya ng El Fili sa Hong Kong ngunit ito ay nasamsam ng mga Kastila. 
  • Sa Pilipinas, ipinuslit at naipasira ng pamahalaan ang mga nakumpiskang nobela  

1896 

  • Malaki ang naging tulong ng El Fili kina Andres Bonifacio at sa Katipunan upang maiwaksi ang mga balakid sa paghihimagsik noong 1896 

1872 

  • Ang El Fili ay inialay ni Rizal bilang pagpupugay sa tatlong paring martir na binitay sa Bagumbayan noong Pebrero 1872 

Kondisyon ni Rizal habang sinusulat ang El Filibusterismo 

  • Nagdanas ng mga paghihirap 
  • Nagtipid nang mabuti (2 beses kumain 
  • Nagsanla ng mga alahas 
  • Nilayuan ng mga kasamahan sa La Solidaridad 
  • Pinag-uusig ang kanyang mga magulang at mga kapatid 
  • Pagpapakasal sa iba ni Leonor Rivera na dahilan ng pagbabago sa mga tauhang Paulita Gomez at Juanito Pelaez 

Mga Taong Tumulong Kay Rizal 

Jose Alejandro 

  • Kahati niya sa upa sa Ghent; kahati din siya sa pagkain 

Valentin Ventura 

  • Nagpadala ng pera kay Rizal 
  • Unang may hawak ng orihinal na manuskrito ng El Fili 

Jose Maria Basa 

  • Nagpadala si Rizal ng sulat kay Jose Maria Basa (na nasa Hongkong noon) upang makakuha ng kaunting pera mula sa Messagevies Maritimes  

Rodriguez Arias 

  • nagbigay ng dalawang-daang piso kay Rizal 
  • Isang Nangangalang Valentin Viola na isa niyang kaibigan ang nagpahiram ng pera sa kanya upang maipalimbag ang aklat noong Setyembre 22, 1891. 

PINAG-UGATAN NG TEMA NG NOBELA 

  1. Pangyayari sa Calamba: Pinahihirapan ang kanyang pamilya Calamba; hinuli ang kanyang ina at hinihigpitan ang kanyang pamilya sa Kinukumpiska ng mga prayle dahil mataba at mayaman ang lupa 
  1. Dahil Kay Leonor Rivera:  Dating niyang kasintahan, ayaw ng ina ni Leonor pakasalan ng anak si Rizal dahil sila’y magpinsan at erehe si Rizal kaya’t pinakasalan na lamang ni Leonor si Henry Kipping subalit namatay rin si Leonor matapos ang dalawang taon 
  1. Dahil sa kawalan ng Pagkakaisa ng mga Pilipino 

Pagkakaiba ng Noli at Elfili 

Noli 

  • Nailimbag sa Alemanya  
  • Maximo Viola ang kaibigang nagpahiram ng pera kay Rizal upang mapalimbag ang nobela  
  • Nobelang panlipunan 
  • Alay sa Inang Bayan 
  • Nobelang Panlipunan Dahil ito’y tumatalakay sa pamumuhay, pag uugali at mga sakit ng mga mamamayan noon 
  • Isang nobelang romansa na isinulat ni Rizal para sa Inang Bayan na nagpapakita ng  pagmamahal sa Pilipinas tungo sa pag-iibigan nina Maria Clara at Crisostomo Ibarra 
  • May pangarap, damdamin ng pag-ibig at awa 

EL FILIBUSTERISMO

  • Nalimbag sa Ghent Belgium, Belhika Valentin Ventura ang kaibigang nagpahiram ng pera kay Rizal upang mapalimbag ang nobela 
  • Nobelang pampulitika  
  • Isang nobelang pampulitika na isinulat para sa GOMBURZA at nagpakita ng planong paghihimagsik ni Simoun 
  • Mararamdaman ang poot, kapaitan na tumitigid sa bawat bahagi ng aklat 
  • Nobelang Politikal Dahil ito’y tumatalakay sa pamamahala ng Kastila (sibil at simbahan) 
  • Ang nasabing nobela ay pampulitika na nagpapadama, nagpapahiwatig at nagpapagising pang lalo sa maalab na hangaring makapagtamo ng tunay na kalayaan at karapatan ang bayan. 

Gomburza pinag-alayan ni Rizal ng El Filibusterismo 

  • Pinaratangan silang kasama sa aklasan sa Cavite noong 1872 
  • Ang paratang ay bunga ng pagsasangkot ng mga prayleng regular na nagpanggap na Padre Burgos 
  • Isinangkot sila sapagkat sila ay mga paring maka- Pilipino 
  • Ang inspirasyon idinulot ng tatlong paring martir sa buhay ni Rizal ay mula sa kwentong ibinahagi sa kanya ng kapatid na si Paciano