Simoun
Siya si Juan Crisostomo Ibarra sa nobelang Noli Me Tangere. Nagpanggap siyang mag-aalahas na nakasalaming may kulay upang hindi makilala ng mga nais niyang paghigantihan. Naging kaibigan at taga-payo din siya ng Kapitan Heneral.
Basilio
Ang mag-aaral ng medisina at kasintahan ni Juli. Kalaunan ay naging kakampi siya ni Simoun.
Isagani
Ang makatang pamangkin ni Padre Florentino at kasintahan ni Paulita Gomez. Isa rin siya sa mga mag-aaral na sumusuporta sa hangarin na magkaroon ng eskwelahan para sa wikang Kastila ang Pilipinas.
Kabesang Tales
Naghangad ng karapatan sa lupang sinasaka na inaangkin ng mga pari. Siya’y kasama sa mga naghimagsik na tinugis noon ng pamahalaan.
Tandang Selo
Ama ni Kabesang Tales na nabaril ng kanyang sariling apo.
Juli
Anak ni Kabesang Tales at apo ni Tandang Selo. Siya ang nobya ni Basilio na hinalay ng paring matagal nang may pagnanasa sa kanya.
Kapitan Heneral
Pinakamataas na pinuno ng pamahalaan. Siya din ay naging kaibigan ni Simoun.
Placido Penitente
Ang mag-aaral na nawalan ng ganang magtapos ng pag-aaral dahil sa mga suliraning pampaaralan.
Juanito Pelaez
Ang kubang mag-aaral na may kayabangan ngunit kinagigiliwan ng mga propesor at nabibilang sa kilalang angkang may dugong Kastila. Siya ang nakatuluyan ni Paulita Gomez sa bandang huli ng storya.
Donya Victorina
Tiyahin ni Paulita Gomez na mapagpanggap na isang Europea ngunit isa namang Pilipina.
Paulita Gomez
Kasintahan ni Isagani ngunit nagpakasal kay Juanito Pelaez.
Don Tiburcio de Espadaña
Pinagtataguan ang asawang si Donya Victorina.
Ben Zayb
Isang mamamahayag na nagsusulat para sa pahayagan ngunit hindi totoo sa kanyang mga salita. Ginagawan niya ng sariling bersyon ang mga pangyayari o balita at laging iniisip ang pansariling kagustuhan at hindi ang katotohanan.
Makaraig
Ang mayamang mag-aaral na masigasig na nakikipaglaban para sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila ngunit biglang nawala sa oras ng kagipitan.
Pecson
Isa sa mga mag-aaral na nagtalumpati sa Panciteria Macanista de Buen Gusto kung saan kanyang tinuligsa ang mga pari.
Sandoval
Ang kawaning Kastila na sang-ayon o panig sa ipinaglalaban ng mga mag-aaral.
Padre Camorra
Ang mukhang artilyerong pari na gumahasa kay Juli. Nagkaroon siya ng sugat sa kamay at bukol sa ulo dahil sa panloloob sa bahay liwaliwan.