Mga Talasalitaan
- kubyerta – bahagi o palapag ng barko
- kabesa – pinuno ng barangay
- karalitaan – kahirapan
- umpukan- kwentuhan
- lumigid- umikot/ nag-ikot
- beateryo – bahay na tinitirhan ng mga madre
- tulisan – taguri sa isang bandido
- buwis- bahagi o parte sa ani
- kulta- bahagi ng baril
Mga Pangunahing Tauhan
- Simoun
- Kapitan ng Barko
- DonyaVictorina
- Don Custodio
- Ben Zayb
Buod ng Kabanata
Isang araw ng Disyembre naglalakbay ang bapor tabo sa Ilog Pasig patungong Laguna. Nag-uusap sa kubyerta ang mga pasahero.
Donya Victorina: Kapitan bakit hindi pa natin tulinan ang barko?
Kapitan ng Barko: Sasadsad tayo sa bukiring iyan, Donya Victorina.
Habang pinagtatalunan ng mga sakay ang pagtutuwid sa paliku-likong ayos ng ilog ay biglang nagsalita si Simoun.
Simoun: Ang lunas ay napakadali. Humukay ng kanal sa Maynila. Magbukas ng bagong ilog at tabunan ang Ilog Pasig.
Don Custodio: Sa panukalang ito’y malaking pera ang magugugol, G. Simoun, at masisira ang mga kabayanan.
Puwes, sumiral Gamitin ang mga bilanggo at bihag upang walang perang gugugulin sa paggawa. Kung hindi sasapat, ang taong- bayan ang sapilitang pagawain. Sa ganyang paraan nayari ang malalaking piramide sa Ehipto, ang lawang Moeris, at ang Coliseo ng Roma.
Don Custodio: Ngunit maaaring magbunga iyan ng paghihimagsik.
Simoun: Nag-alsa na ba kahit minsan ang bayan ng Ehipto?
Don Custodio: Ngunit hindi na kayo kaharap ng mga taga-Ehipto.
Padre Salvi: Ang lupaing ito ay maraming beses nang naghimagsik dahil sa sapilitang paggawa.
Simoun: Ang mga pulong ito ay hindi na muling maghihimagsik. At kayo Padre Salvi, ano ang silbi ninyong mga prayle kung maghihimagsik ang bayan? At huwag kayong bumanggit ng mga pangangatwirang pawang katunggakan!
Don Custodio: Siya’y isang napakawalang utang na loob…at talakayin pa ang mga bagay na ito sa bapor pa naman. Nagharap na ako ng isang tunay na panukalang matipid at kapaki-pakinabang upang linisin ang mahabang wawa sa Laguna.
Ben Zayb: At maaari bang malaman kung ano iyan?
Don Custodio: Pilitin ang lahat ng bayang magkakatabi na mag-alaga ng pato, at ang mga hayop na ito, sa pamamagitan ng panginginain ng susong maliliit, ang magpapalalim ng wawa.
Ben Zayb: Maaari ko bang isulat ang tungkol sa bagay na iyan?
Donya Victorina: Pero, Don Custodio, kung lahat ay mag-aalaga ng mga pato, darami ang mga balot. Mabuti pa’y matabunan na ang wawa kaysa magkaroon ng maraming nakadidiring balot!