Noli Me Tangere Kabanata 40: Ang Karapatan at Lakas

TALASALITAAN

  •  hudyat – kilos, pangyayari, o bagay na napagkaisahan bílang pagkakataon para sa isang napagkaisahang gawain
  • nangangasiwa – tawag sa mga tao na nagpapatakbo ng kapi-sanan, negosyo, at katulad
  • tipanan
  • kuwaldrilyero
  • pagmamanman

PANGUNAHING TAUHAN SA KABANATA

  • Don Filipo
  • Pilosopong Tasyo
  • Padre Salvi
  • Maria Clara
  • Elias
  • Crisostomo Ibarra
  • Tiya Isabel

BUOD NG KABANATA 40: ANG KARAPATAN AT LAKAS

Sinimulan na ang pagsisindi ng kuwitis sa ika-sampu ng gabi at hudyat na ng pagsisimula ng dula. Si Don Filipo ang nangangasiwa nito.

Sa oras na iyon ay magkausap ang tinyente at Pilosopo Tasyo sa pag-ayaw ng Don sa kanyang tungkulin. Masama rin ang loob ng tinyente sa ‘di pagtanggap ng Heneral sa kanyang pagbibitiw.

Ilang saglit lamang ay nagsimula na ang palabas ng ‘Crispino dela Comare; na pinangunahan nina Cha nanay at Marianito.

Lahat ay nakatuon sa dula ngunit si Padre Salvi ay titig lamang kay Maria Clara. Sa ikalawang bahagi na ng dula nakarating si Ibarra.

Ang pagdating ay nakatawag sa pansin ng mga pari kaya hiniling ng mga ito kay Don Filipo na paalisin ang binata. Tinutulan naman ito ni Don Filipo dahil higit na mas mataas ang pwesto ng Heneral at malaki ang abuloy ni Ibarra.

Umalis ang mga pari sa inis ng ito. Sumunod naman si Ibarra dahil sa nakaligtaang tipanan. Sinabi nitong babalik bago matapos ang dula.

May lumapit na dalawang gwardya sibil kay Don Filipo sa ka lagitnaan ng dula at iniuutos na itigil ang palabas dahil hindi makatulog si Donya Consolacion at ang alperes. ‘Di ito sinunod ni Don Filipo kaya naman nagkaroon ng away.

Dahil sa pagtatangkang pagpapatigil sa mga musikero ay hinuli ng mga kuwadrilyero sa tribunal ang dalawang gwardya sibil. Paparating na si Ibarra sa mga sandaling iyon at dali-daling hinanap ang dalaga. Humapit ang dalaga sa bisig ng binata habang si Tiya Isabel naman ay nanalangin.

Pinagbabato ng mga lalaki ang mga gwardya. Huminahon lamang ang mga ito sa pakiusap ni Elias.

‘Di nakaligtas sa mga pangyayari sa pagmamanman ni Padre Salvi na ibinalita rin ng kanyang mga tauhan. Nawalan ng malay si Maria Clara at binuhat naman siya ni Ibarra.

Sa kaba ay dali-dali itong nag punta sa pamamahay ni Kapitan Tiyago upang makasiguro.

Nakahinga lamang siya ng maluwag nang makita niya ang anino nina Maria Clara at Tiya Isabel mula sa labas ng bahay ng Kapitan.

ALAM MO BA?

  • Si Don Filipo ay may malayang kaisipan, tinutulan niya ang mga pwersa sa kanyang lipunan: pagmamalabis ng mga kura at ng mga opisyal ng pamahalaan. Kinastigo niya ang masamang gawi at bisyo ng karaniwang mga tao at pumanig siya sa mabubuting gawaing kinakatawan ni Crisostomo Ibarra.
  • Crispino dela Comare – pamagat ng palabas na itinanghal sa kabanata. Ito ay tungkol kay Crispino na isang mahirap na sapatero. Ngunit sa tulong ng isang diwata, siya’y naging isang doktor kahit pa hindi s’ya sanay magbasa. Di nagloan ay umunlad ang kanilang buhay. Ngunit ang katagumpayang ito ay hindi niya napangasiwaan ng mabuting at minamaltrato niya ang kanyang asawa. Ipinabatid ng diwata ang kanyang kamalian at siya’y nagbago at muling namuhay nang masaya.

MENSAHE

  • Bawat isa ay may mga bagay na nais makamit o makuha sa ating buhay. Ngunit nakalulungkot nga lamang na minsan ay nakagagawa tayo ng mararahas o di mabubuting bagay makuha lamang ang mga ito.
  • Sa kabanatang binasa ay makikita ang ganitong pangyayari sa buhay ng mga sumusunod na tauhan.
  • Prayle: Pananakot kay Don Filipo na mananagot sa Diyos at sa makapangyarihan mapaalis lamang ang kinaiinisang si Ibarra.
  • Donya Consolacion, Alperes/Guardia Civil: Nanakot at nagsimula ng gulo sa patatanghal upang mapahinto ito dahil sa makasariling dahilan lamang.