Ikasampu ng gabi. Aliw na aliwang mga tao sa panonood ng mga sinusuhang kuwitis na nagpapaning-ning sa kadiliman ng gabi. Patungo sa liwasan ang karamihan upang manood ng dula. Kausap noon ni Don Filipo si Pilosopo Tasyo. Si Don Filipo ang nangangasiwa sa pagpapalabas ng dula.
“Ano ang gagawin ko? Hindi tinanggap ng Alkalde ang aking pag-bibitiw. ‘Bakit, hindi ba kayo nanini-walang kaya ninyong gampanan anginyong tungkulin?’ tanong niya saakin.”
“Ano ang isinagot ninyo?” “Ang lakas ng isang Tinyente Mayor kahit walang kakabu-kabulu-han ay kamukha rin ng sa kahit sinong makapangyarihan. Ito’y nanggagalingsa itaas. Ang haring-hari ay tumanggap ng lakas sa bayan at ang bayan naman ay sa Diyos. Ang bagay pa namang ito ang wala sa akin,” ani Don Filipo.
“Ayaw niyang makinig sa akin…pag-usapan na lang daw namin iyonpagkatapos ng piyesta.” “Gayon ba? Tulungan sana kayo ng Diyos,” sabi ni Pilosopo Tasyo.
“Hindi kayo nanonood ng palabas?”
“Salamat. Upang mangarap at gumawa ng kaululan ay sukat na ako sa aking sarili.”
Naputol ang pag-uusap ng dalawasa pagdating nina Maria Clara at ng kaniyang mga kaibigan. Inihatid sila ni Don Filipo sa kanilang upuan. Sumunod namang dumating si Padre Salvi, isang Pransiskano, at ilang Español. Sisimulan na ang palabas. Naka-tuon ang pansin ng lahat sa tanghalan maliban kay Padre Salvi. Ang mga mata ng prayle ay nakapako kay Maria Clara na sa taglay na lungkot ay lalong tumingkad ang kagandahan.
Magtatapos na ang unang bahagi ng pagtatanghal nang dumaying si Ibarra. Umugong ang bulong-bulungan at nabaling ang kanilang paningin kay Padre Salvi at Ibarra. Hindi ito pinansin ng binata. Malugod na bumati si Ibarra kina Maria Clara at panatag na naupo sa kanilang piling. Tumindig si Padre Salvi at lumapit kay Don Filipo upang hilingin sa Tinyente Mayor na paalisin si Ibarra sapagkat ito’y excomulgado.
“Dinaramdam ko pong di ko kayo mapauunlakan,” tugon ni Don Filipo.
“Isa sa nagbigay ng malaking abuloy si Ginoong Ibarra.” Ipinagpilitan ni Padre Salvi nananganganib ang mga tao bagay na hindi naman sinang-ayunan ni Don Filipo.
“Kailanman ay pinanagutan koang ano mang bagay na galing sa sarili kong kapasyahan… Ngunit ang muntikong kapangyarihan ay hindi mag-papahintulot sa aking manghimasok sa mga bagay-bagay ng pananam-palataya. Ang mga ayaw makasama si Ginoong Ibarra ay huwag siyang kausapin, hindi naman siya namimilit,”ani Don Filipo.
“Kung hindi aalis si Ibarra, ako ang aalis,” pagbabanta ng Kura.
Gayon nalamang ang pagsisisi niya dahil hindi siya pinigil ng kausap. Napilitang umalis si Padre Salvi kasama ng paring Pransiskano. Takang-taka si Ibarra lalo na nangsabihing kaya nagsialis ang mga pari ay dahil sa ayaw nilang makalapit ang isang excomulgado.
“Bakit? Nabubuhay pa ba naman tayo sa Edad Media?”may pagtatakang tanong ni Ibarra.
Tumindig at nagpaalam si Ibarra sa mga dalaga. Pinipigil siya ni Sinang ngunit nangako na lamang na siya’y babalik. Nag-ibayo ang bulungan nang umalis ang binata. Hindi pa natatagalang nakaalis si Ibarra nang dumating ang dalawang guardia civil na hinihiling na itigil na ang palabas sapagkat hindi makatulog ang Alperes at si Doña Consolacion. Hindi pumayag si Don Filipo sapagkat ang pagtatanghal ay may pahintulot ng Alkalde. Tinalikuran ni Don Filipo ang mga guardia civil na nagsialis naman. Matapos itanghal ang bahagi ng sarsuwela na totoong kinalugdan ng mga tao, lumabas sa entablado si Prinsipe Villardo na naghahamon sa mga Morong nagpiit sa kaniyang ama. Dito nagsimulang magkagulo ang mga tao. Nahinto ang pagtugtog ng musiko.
Anupa’t laking kaguluhan ang nangyari. Nagkataon namang pabalik si Ibarra at hinahanap si Maria Clara. Nagsikapit kay Ibarra ang mga takot na dalaga samantalang panay namanang pagdarasal ni Tiya Isabel. Nakita ng Tinyente si Ibarra at humingi ng tulong sa binata. Nagulumihanan ang binata at hindi mala-man ang gagawin. Tatanggi sana siya ngunit malayo na ang Tinyente upang sumundo ng kuwadrilyero. Namataan ni Ibarra si Elias nanoo’y nanonood sa nangyayari at waring hindi natitigatig.
Nakiusap siya sa piloto. Nawala si Elias sa gitna ng maraming tao. Nagkaroon ng pag-tatalo ngunit pagkuwa’y humupa ang ingay at unti-unting naghiwa-hiwalay ang mga tao at naghari ang katahimikan. Sa kabilang dako, hindi mapakalisi Padre Salvi. Sising-sisi siya sa pag-kakaalis sa dulaan. Pasilip-silip siyasa bintana at laging nakatanaw saliwasan. Nang marinig niya ang kaguluhan at mabatid ang sanhi nito mula sa isang utusan, lumikot ang kaniyang guniguni.
Nakikini-kinita niyang si Maria Clara’y walang malay sa mga bisig ni Ibarra at nawala sa dilim ang dalawa.Nagmamadaling nanaog si Padre Salvi na walang sombrero o baston. Wala nang tao sa dulaan. Patakbo niyang tinungo ang bahay ni Kapitan Tiyago. Para siyang nabunutan ng tinik nang mabanaagan niya sa nakapinid na bintana ang anino ni Maria Clara at ng Tiya Isabel nito. Dali-daling nag-balik sa kumbento si Padre Salvi na hindi pansin ang mga nakakasalubong.