TALASALITAAN:
- Makipot – makitid
- Masukal – madamo o magubat
- Nahihimlay – matahimik o mapayapang kalagayan
- Sepulurero – tagapaglibing ng patay
PANGUNAHING TAUHAN:
- Pilosopong Tasyo
- Mga Sepulturero
BUOD NG KABANATA:
Sa dulo ng isang makipot na landas sa dakong kanluran ng San Diego ay naroon ang libingan ng mga patay. Masukal ang buong libingan at pinaggugubatan ng mga damo at halamang gumagapang na tanging palamuti ng mga bangkay na nahihimlay roon. Makikita sa gitna ng libingan ang malaking krus na nakatuntong sa bato. Sa paanan ng krus ay nakatambak ang maraming buto at bungo ng mga patay.
Dalawang tao ang humuhukay ng paglilibingan sa tabi ng pader na waring babagsak na. Ang isa’y datihan nang sepulturero at ang isa nama’y baguhan kaya’t sunud-sunod ang kanyang paglura at paghithit ng sigarilyo.
Napakaselan mo naman! Kung ikaw ang nakasama ko sa paghuhukay ng isang bangkay na may 20 araw pa lamang nalilibing, lalo kang mandidiri. Malakas ang ulan noon at madilim ang gabi. Nang pasan ko ang kabaong ay bigla na lamang natanggal ang pako ng ataul. Nalaglag na halos ang bangkay… ang baho pasan ko at…. bakit mo hinukay? Bakit anong malay ko? Utos lang sa akin. Ano ang ginawa mo sa bangkay?
Kung hindi lamang kita kilala ay hindi ko sasabihin sa iyo. Iniutos sa akin ng malaking kura na ilibing ko sa libingan ng mga Tsino, ngunit sa kabigatan at kalayuan ng libingan ng Tsino ay…
Isang matandang waring may hinahanap ang lumapit sa tagapaglibing at nagtanong. Hinahanap niya ang maputing bungong may buong ngipin na inilagay niya sa paanan ng krus. Dumukot ang matanda ng isang salapi sa kanyang bulsa. “Ibibigay ko ito sa iyo at daragdagan kapag sinabi mo sa akin kung saan ito naroroon.” “Wala po ba roon? Kung wala roon ay talagang wala. Kung ibibigay ninyo’y bibigyan ko kayo ng iba.”
Katulad ka ng hinuhukay mo. Hindi mo alam ang iyong itinatapon at hindi mo rin alam ang iyong nilalamon. Lumbas ng libingan ang matanda na bumubulong-bulong.
Mensahe at Implikasyon ng Kabanata 12
- Mataasa ang pagpapahalaga ng mga Pilipino sa labi ng isang taong pumanaw na.
- Kaya naman ang ginawa sa labi ni Don Rafael Ibarra ay isang maling gawain sa harap ng tao at maging sa paningin ng Diyos.
- Maging sa kasalukuyan ay nangyayari pa rin sa ating lipunan ang paglalapastangan sa mga yumao. Mga bangkay na pinagsasamantalahan at ninanakawan.