Ang salitang “etimolohiya” ay mula sa salitang Griyego na etumologia na binubuo ng dalawang salita, etumon at logos.
- etumon: “may ibig-sabihin” o “may kahulugan”
- logia o logos: “pag-aaral ng”, “pagsasalita, orasyon, salita”
Ito ay pag-aaral ng pinagmulan ng mga salita at kasaysayan ng mga salita kung paano nag-iba ang kanilang anyo at kahulugan sa paglipas ng panahon.
Mga Halimbawa
Ang salitang estatwa o sa Ingles ay statue ay mula sa salitang Latin na satua o hinulamang imahe. Ito ay rebultong nakatayo at maaring gawa sa bato o metal.
Ang salitang babae o sa Ingleswomanay hango sa sinaunang Ingles nawīfmann. Ang wīf na mula sa salitang wife o asawa. Ang mann naman ay nangangahulugang tao o indibidwal.
Ang salitang bulaklak o sa Ingles ay flower ay mula sa sinaunang Pranses na Flor o flour na natuklasang mula rin sa salitang Latin na Flos o flor. Unang naitalang ginamit ito sa prologo ng libro ni Geoffrey Chaucer na “The Canterbury Tales” noong 1300s.
Ang salitang pag-ibig o sa Ingles ay love na nasa anyong pandiwa ay mula sa Proto-Indo-European na salitang leubh na nangangahulugang pag-iingat, pag-aalaga at pagnanais. At kalaunan nagbagong anyo ito sa wikang Latin na lubet na naging libet.
Ang salitang templo o temple sa Ingles ay mula sa salitang Latin na templum na ang ibigsabihin ay sagradong lugar para sa mga diyos-diyosan.
Mga salitang umusbong sa makabagong henerasyon
Pagbabaliktad
- bente – etneb
- bata – atab
- loob – oblo
- mismo – omsim
- malupit – petmalu
- tayo na, tara – arat
- pogi – igop
- talo – olats
- wala – alaws
Pagbabago ng Ispeling
- ako – acoe
- ano ba – enebe
- cool – kewl
- ganoon – ganern
- hala – luh
- hayun – ayown
- okay – okey, keri
- kumadre – mare, mars
- mama – momshie
Akronim
- all right – AYT
- as far as I know – AFAIK
- at the moment – ATM
- be right back – BRB
- good game – GG
- good game, well played – GGWP
- I don’t care – IDK
- I don’t know – IDK
- just got home – JGH
- laugh out loud – LOL
Pagpapalit ng Salita
- as in – salt
- awit – sagwa
- gulat – shookt
- hindi nga – weh
- ka-lovelife – sparks
- kaibigang lalaki – paps, papi
- lakad, alis – gora
- burger – bugrits
- galit – triggered
Pagbabago ng Kahulugan
- asin; salt – pinagsamang as at in
- Potassium; POTS – mula sa kemikal na simbolo ng Potassium
- saging; sags – pagbabalat ng saging o sa Ingles peel it.
- tingin; sharks – pating + in (to look)
Pagbuo ng Ekspresyon
- beast mode – galit
- eme-eme – hindi masabi o maalala
- hanash – maraming sinasabi o komento
- lamnadis (alam na this) – tanging magkakai
Pag-uugnay sa Pangalan ng Tao o Politika
- Carmi Martin – karma
- Grado Versoza – haggard, pagod
- Gelli de Belen – nagseselos
- Luz Valdez – talunan
- Tom Jones – gutom
- Ka-DDS – kabarkada, kagrupo
- Dutertards – tagapagtanggol ni dating Pang. Duterte