Ang dulang ito ay isinulat ng isang Pilipinong manunulat. Ipinapakita rito na mayroong mahalagang bahagi sa isang tao ang pagkakaroon ng pananampalataya at paniniwala sa Panginoong may likha. Makikita rin dito ang isang pamilyang Pilipino na may panahong inilalaan sa panahon ng pangingilin. Halina’t sabay-sabay nating basahin ang nilalaman ng dulang ito.
Mga Talasalitaan
- Pangilin: Pagsamba o pagsimba
- Hindi nakapag-Hesus: hindi na bendisyunan
- Sumakabilang-buhay: pumanaw o namatay
- Naulinigan: narinig
- Pananalig: pananampalataya
- Lukbutan: bulsa, lalagyan, sisidlan
- Ateista: isang taong walang paniniwala sa Diyos
- Pomada: pampahid sa buhok, mabango, at karaniwang ginagamit ng lalaki
- Toniko: gamot pampalakas
- Lapastangan: hindi nagpapakita ng paggalang sa dapat igálang
Mga Tauhan
- Tiyo Simon-isang taong nasa katanghalian ang gulang, may kapansanan ang isang paa at may mga paniniwala na hindi maunawaan ng kanyang hipag na relihiyosa.
- Boy – pamangkin ni Tiyo Simon. Pipituhing taong gulang
- Ina – nanay ni Boy, relihiyosang hipag ni Simon.
Tanghal
Oras – umaga, halos hindi pa sumusikat ang araw.
Tagpo: Sa loob ng silid ni Boy. Makikita ang isang tokador na kinapapatungan ng mga langis at pomada sa buhok, toniko, suklay, at iba pang gamit sa pag-aayos. Sa itaas ng tokador, nakadikit sa dingding ang isang malaking larawan ng birheng nakalabas ang puso at may tarak ng isang punyal. Sa tabi ng nakabukas na bintana sa gawing kanan ay ang katreng higaan ng bata. Sa kabuuan, ang silid ay larawan ng kariwasaan.
Sa pagtaas ng tabing, maikikita si Boy na binibihisan ng kanyang ina. Nakabakas sa mukha ng bata ang pagkainip samanatalang sinusuklay ang kanyang buhok. (Biglang uunat ang babae, saglit na sisipatin ang ayos ng anak, saka ngingiti.)
Ating basahin ang sipi ng akda
Mahalagang Aral at Mensahe ng Akda
- Melodrama ang uri ng dula sapagkat sa simula ng dula ay mayroong mga tunggalian sa pagitan ni Boy at kanyang Ina, Tiyo Simon at kanyang hipag. Ngunit sa wakas ng akda ay nagkaroon nang kasiyahan sapagkat nagkasundo ang lahat ng tauhan.
- Sa dula makikita natin na may malaking impluwensya si Simon sa kanyang pamangkin na si Boy marahil itunutiring siyang ama ng kanyang pamangkin.
- Sa simula ng dula hindi maganda ang pagtingin ng hipag ni Simon sa kanya sapagkat iniisip nitong siya ay isang ateista ngunit nagbago ito nang marinig ng hipag niya na siya ay sasama sa pagsisimba.
- Nagkaroon ng bagong pag-asa at dahilang mabuhay si Simon nang magbalik loob siya sa Panginoon. Itinakwil niya ang dati niyang papanaw tungkol sa kanyang pananampalataya nang masaksihan niya ang pagkamatay ng isang bata. Naisip niya na mahalaga ang pananampalataya ng isang tao sa Diyos sapagkat ito ang maaaring makatulong sa kanya sa mga panahong mayroong kalungkutan, sakuna, pagkabigo at kasawian. Na hindi dapat sisihin ang Panginoon sa mga pagsubok na ating nararanasan bagkus patuloy na manalig at manampalataya sa kanyang kakayahan. Na ang pagsubok ay kayang malagpasan.
- Ang kulturang Pilipino na ipinakita sa akda ay ang pagkakaroon ng pananampalataya. Na ang mga Pilipino ay may pananalig sa Panginoon ano mang sitwasyon ang pagdaanan. Mahalaga para sa mga Pilipino na manginlin tuwing araw ng pangilin. Ipinakita rin dito ang samahan ng isang pamilyang Pilipino.