TALASALITAAN
- nakadalo – pagtungo o pagpunta
- arsobispo – pinakamataas na ranggo ng obispo at namumunò sa isang diyosesis ; punòng obispo ng isang lalawigan
- balisa – hindi mapalagay ; ligalíg ang kalooban
- iminungkahi –
akto o halimbawa ng pagbibigay ng panukalà
MGA PANGUNAHING TAUHAN
- Maria Clara
- Tiya Isabel
- Crisostomo Ibarra
- Kapitan Tiyago
- Mga Prayle
- Kapitan Heneral
BUOD NG KABANATA 37 ANG KAPITAN HENERAL
Ipinahanap agad ng Kapitan Heneral ang binatang si Ibarra pagkarating niya. Kinausap niya ang binata sa naturang paglabas nito sa oras ng sermon ni Padre Damaso.
Buong akala ng binata ay ikakagalit ito ng Kapitan Heneral ngunit ng kausapin niya ito ay lumabas itong may ngiti sa kanyang mukha. Kilalang ang Kapitan Heneral na may oras lagi sa katarungan.
Sumunod na kinausap ng Kapitan Heneral ang mga prayle. Gumalang ito sa pamamagitan ng pagyuko liban kay Padre Sibyla samantalang si Padre Salvi naman ay halos mabali na ung baywang sa pagkakayuko. Nagkaroon ng karamdaman si Padre Damaso kaya’t hindi ito nakadalo.
Sumunod na nagbigay galang sina Kapitan Tiyago at Maria Clara. Pinuri ng Heneral ang dalaga dahil sa katapangan at inalok ng gatimpla dahil sa ginawa. Tinanggihan naman ito ng dalaga.
Dumating na si Ibarra sa ilang saglit. Bago pa lamang kausapin ng Heneral ang binata ay pinaalalahanan na siya ni Padre Salvi na ekskomunikado ang binata. Sinawalang bahala ito ng Heneral. Umalis na ang mga pari at ‘di nagustuhan ang asal ng Kapitan Heneral.
Nagustuhan ng Heneral ang pagtatanggol ng binata sa kanyang ama. Sabi ng Heneral ay kakausapin niya ang Arsobispo.
Napansin naman ng Heneral ang pagiging balisa ni Maria kaya binanggit nitong nais niyang makaharap ito bago umaalis patungong Espanya. Ipinaabot naman nito sa alkalde na samahan siya sa paglilibot.
Base sa pag-uusap ng binata at ng Heneral ay mapapansin na kilala ni Ibarra pati ang pamilya ng Kapitan Heneral sa Espanya.
Iminungkahi ng Heneral na ibenta na ang ari-arian ng binata sa Pilipinas at mamuhat nalamang sa Espanya. Bagay na ‘di sinang-ayunan ni Ibarra dahil ayon sa kanya ay higit na matamis ang mamuhay sa sariling bayan. Binanggit ng Heneral kay Ibarra na kausapin si Maria at pinaalalang papuntahin sa kanya si Kapitan Tiyago.
Umalis na si Ibarra upang puntahan si Maria. Samantala, sinabi ng Heneral sa Alkalde Mayor na protektahan ang binata.
Saglit lamang ay dumating na si Kapitan Tiyago. Sinabi rin ng Heneral ang kagustuhan nitong maging ninong sa kasal.
Kaagad namang hinanap ni Ibarra si Maria at nagtungo sa silid ng dalaga. Kumatok siya sa pintuan ng silid ngunit ang sumagot sa kanya ay si Sinang at sinabing isulat na lamang ang mensahe nito sa dalaga.
ALAM MO BA ?
- Tao ang pangunahing paksa ng kabanatang ito. Nang sabihin ni Crisostomo Ibarra sa Kapitan Heneral na hindi nito nabisita ang mga dukhang tirahan sa bayan, malinaw ang layunin ng binata na ipakilala sa Kapitan Heneral ang “mga totoong tao.” Ipinakita rito ni Rizal ang iba’t ibang tauhan ng kanyang nobela at ang mga katangian nila: si Ibarra na matapat, mapagmahal sa kanyang bayan dahil sa mga taong may simpleng pag-uugali at may ginintuang puso.
- Ang Kapitan Heneral na matalas ang isip at pakiramdam, makatarungan at mapagpasya; si Maria Clara na mahiyain ngunit magalang at tampok ng paghanga ngunit may mababang-loob; ang binatang taga-Maynila na mapangatwiran at may pananalig sa katarungan (ng Kapitan Heneral). Silang lahat ay tunay na tao, kabaligtaran ng iba pang tauhan sa kabanatang ito.
Mensahe
- Sa kabanatang binasa ay ipinakita kung gaano kalapit sa puso ng mga tao ang gobernador-heneral. Maraming tao ang pumunta sa kanyang tanggapan upang magsabi ng kanilang mga hinaing na lumabas mula rito nang masaya gaya ng Manilenyong sinaktan ni Padre Damaso. Hindi niya gaanong binigyang pansin ang mga kurang sa kanyang kaalaman ay nagiging abusado sa kanilang tungkulin. Kaya naman maging si Ibarra na itinuring na ekskomulgado ng simbahan ay kanya pang ipinahanap upang makausap nang masinsinan.