Talasalitaan:
- Nanganganib – Anumang maaaring magdulot ng kapahamakan, kapinsalaan, o sakuna.
- Kumbento – Gusali na pinaninirahan ng mga madre, mongha, atbp.
- Dako – Pook na tinutungo, tinitingnan, o itinuturo; direksiyon.
- Pakay – Ang kailangan ng isang dumating sa dinatnan.
- Masangkot – Mapadawit o mapasáma sa isang usapin o ligalig.
- Kasawian – Anumang bagay na nagdudulot ng tiísin o pagkabigo; kawalang-suwerte; kawalang-palad.
MGA PANGUNAHING TAUHAN SA KABANATA
- Padre Salvi
- Alperes
- Elias
- Crisostomo Ibarra
Buod ng Kabanata:
Pumunta ang kura sa bahay ng alperes. Malakas nitong tinatawag ang alperes habang pinapasok ang bahay nito. Nagpakita ang alperes kasama ang kaniyang asawa.
Sinabi ng kura na nanganganib ang buhay ng lahat dahil mayroon daw nagbabalak na pag-aalsa sa gabing iyon. Nalaman ito ng kura dahil sa babaeng nangumpisal na nagsabing sasalakayin ang kuwartel at kumbento.
Nagkasundo ang dalawa na paghandaan ang paglusob ng mga ito. Humingi ang kura ng apat na gwardya sibil upang italaga sa kumbento. Palihim namang kumilos ang mga kawal sa kwartel upang mahuli ang mga lulusob.
Isang lalaki sa kabilang dako ang tumatakbo sa daan patungo sa bahay ni Ibarra. Inakyat nito ng mabilis ang bahay at hinanap sa utusan ang amo. Itinuro ng utusan ang laboratoryo at agad na pinuntahan si Ibarra at sinabi ang kaniyang pakay.
Sinabi ni Elias ang magaganap na paglusob at base sa kaniyang alam, si Ibarra ang nanguna at nagbayad sa mga kalahok ng paglusob. Natitiyak ni Elias na si Ibarra ang isisigaw ng sinumang mahuhuli ng mga sibil kaya ipinasunog niya kay Ibarra ang lahat ng mga aklat at kasulatan nito sapagkat ‘di na maiiwasan na siya ay masangkot sa gulo.
Dahil dito’y tinulungan ni Elias sa pagpili ng mga kasulatan si Ibarra. Nabasa ni Elias sa isang kasulatan ang tungkol kay Don Pedro Eibarramendia at tinanong kung ano ang relasyon nito kay Ibarra.
Nagulantang si Elias nang malamang nuno ni Ibarra ang nasabing pangalan. Ito ang lahing lumikha ng kanilang kasawian sa buhay at kasawian ng kanyang angkan. Binunot niya ang kaniyang balaraw at naisip na gamitin ito laban kay Ibarra. Ilang sandali’y binitawan din niya ang kaniyang hawak, tumingin kay Ibarra at mabilis na umalis ng bahay.
Magulo man ang isipan ngunit ipinagpatuloy ni Ibarra ang pagsunog sa mga mahahalagang dokumento.
Mahalagang Mensahe
- Sa kabanatang ito tinapaglaruan ni Padre Salvi ang isa sa kanyang kaagaw sa kapangayarihan sa San Diego ang Alperes. S’ya ang nagbanggit dito tungkol sap ag-aaklas na magaganap. Ang impormasyong ito ay kanyang nakuha mula sa isang babaeng nangumpisal sa kanya. Agad naman itong pinaniwalaan ng Alperes.
- Ipinakira rin sa kabanatang ito na nais iligtas ni Padre Salvi ang kanyang sarili dahil sa paghingi ng apat na gwardiya sibil na magbabanatay sa kumbento.
- Kahinahinala rin ang kanyang mga ikinilos sa kabanatang ito na may kaugnayan na sa mga unang kabanata kung saan pinaplano na ang pagsalakay ang ang pangalan ni Crisostomo ang ididiin sa mangyayari.
- Kitang-kita rin sa kabanatang ito ang sabwatan upang maidiin at sirain ang pangalan ni Crisostomo. Sa kasalukuyan ay laganap pa rin ang mga ganitong Gawain kung saan pinagtutulungan ang isang tao upang siya’y pabagsakin sa kanyang posisyon o pwesto. Mapapolitika man ito o sa mga pribadong kompanya.
- Sa kabilang dako naman, tila alam na rin ni Elias ang mga magaganap sa gabing iyon kaya naman binalaan na n’ya si Crisostomo. Ngunit sa kanyang pagpunta sa tahanan nito ay isang masakit na katotohanan ang kanyang natuklasan na ang nuno pala ni Crisostomo ang naging dahilan ng kasawian ng kanilang pamilya.
- Ang pagkabalisa at toliro ni Elias sa kabanatang ito ay normal lamang sapagkat nagulantang siya sa lihim na kanyang natuklasan. At kahit na sino man ang mapunta sa ganoong sitwasyon ay makararamdam din nito.