Noli Me Tangere Buong Kabanata 54: Lahat ng Lihim ay Nabubunyag

Tinutugtog ang orasyon. Lahat ay tumigil sa paggawa at nagdasal ng Angelus. Nang mga sandaling iyon, humahangos naman ang kura patungo sa bahay ng Alperes. Matulin itong pumanhik sa bahay ng Alperes at makailang tumawag nang malakas. Lumabas ang Alperes na nakakunot ang noo.

“Nagkakangkakahog ako sa pagtungo rito dahil natuklasan ko ang isang malaking pag-aalsa ngayong gabi,” pabulong na wika ng Kura nang sila’y magkasarilinan ng Alperes. Sinabi ng Kura na nabatid niya ito sa isang babaeng nangumpisal. Kailangang ipaglihim ito dahil hindi niya maaaring ibunyag ang lihim ng kumpisalan.

“Ihanda ninyo ang inyong mga guardia civil sa kuwartel at padalhan ninyo ako ng apat na kawal sa kumbento. Pagsabihan din ninyo ang mganangasadaong.”

Ipinayo niya sa Alperes na huwag magpahalatang may nalalaman siya upang mapasigaw ang mga nag-aalsa. Tiyak na uulan ng mga krus at bituin.

Samantalang nangyayari ito, isang tao ang mabilis na bumabagtas sa lansangan patungo sa bahay ni Ibarra. Mabilis itong pumanhik at hinanap sa utusan si Ibarra. Itinuro sya sa laboratory.

“Kayo pala, Elias!” pamanghang sabi ni Ibarra. “Nakalimutan kong itanong sa inyo ang pangalan ng Espanol na tinirhan ng inyong ninuno.”

“Ang sadya ko po’y hindi para sa akin kundi… Ang kailangan po ay itago ninyo ang inyong mga kasulatan at kayo’y tumakas ngayon din. Sunugin ninyong lahat ang mga kasulatang makapipinsala sa inyo at magtungo kayo sa isang pook na malayo sa panganib.”

“Bakit?”

“Nabatid ko ang isang pag-aalsa at kayo ang pinagbibintangang namumuno sap ag-aalsang iyon,” paliwanag ni Elias.

“Isang pag-aalsa? Sino ang nag-balak?” pamanghang tanong ni Ibarra.

“hindi ko po masabi sapagkat ayaw ipagtapat ng binayaran.”

“sinabi niya ba sa’yo kung sino ang umupa sa kanya?”

“Opo. Matapos niyang pilitn akong ililihim ko ang bagay na ito ay sinabing kayo raw ang nagbayad.”

“Diyos ko!” ang bulalas ni Ibarra.

“Kumilos na kayo ngayon din sapagkat ang pag-aalsa’y nakatakda ngayong ikawalong gabi. Umiwas kayo! Ilayo ninyo ang inyong sarili sa panganib alang-alang sa Inang-bayan,” pakiusap ni Elias.

Tumulong si Elias sa pagbasa ng mga kasulatang makapipinsala kay Ibarra. Bigla itong napatigil, nandilat ang mga mata, at biniling-biling sa kamayang isang kasulatan at tinanong si Ibarra.

“Nakikilala ninyo si Ginoong Pedro Eibarramendia?”

“Opo, siya ang aking nuno sa tuhod. Pinaikli lamang naming ang kanyang apelyido dahil may kahabaan.”

“Kilala ba ninyo kung sino si Pedro Eibarramendia? Siya ang tampalasang nagbintang sa aking nunong lalaki at nagging sanhi ng lahat ng aming kasawian,” ang nangingitngit na wika ni Elias. “Matagal ko nang pinaghahanap ang apelyidong iyan at kayo ang inilapit sa akin ng Diyos. Pagbabayaran niyong lahat ang aming mga kasawian!”

Nagugulumihanang tinitigan siya ni Ibarra. Sinunggaban ni Elias ang bisig ng binate at nagwika: “Masdan ninyo ang nagtiis ng maraming hirap! Kayo’y mayaman, umiibig, may karangalan, at nabubuhay… Nabubuhay!”

Tinakbo ni Elias ang sisidlan ng mga sandata, subalit ilang saglit lamang ay nabitawan ang dalawang balaraw na kinuha na gagamitin sana. Parang baliw na tumingin ito kay Ibarra.

“Ano ang gagawin ko?” ang naibulong nito at nagdudumaling nanaog at nilisan ang bahay.