Noli Me Tangere Kabanata 52: Ang mapalad na Baraha

TALASALITAAN 

  • Kuwartel – base militar
  • Bakod – Kumukulong sa paligid ng lupang kinatitirikan ng bahay at maaaring yarì sa kahoy at iba pa.
  • Sinusubaybayan – lihim na pagmamatyag
  • Sumilong – Tumigil, mamahinga o magpalipas ng oras sa lilim, silong, atbp.
  • Kura  – Punò o pangunahing pari sa isang simbahan ng purok o paroko at kilalá sa tawag na kúra paroko.

PANGUNAHING TAUHAN SA KABANATA 

  • Elias 
  • Lucas 

BUOD NG KABANATA 51:  

May tatlong anino na paanas na nag-uusap sa ilalim ng pinto ng libingan. Naitanong ng isang anino sa kausap kung nakaharap na daw nito si Elias. Hindi ang sagot ng kausap ngunit sigurado itong kasama siya sapagkat nailigtas na ni Ibarra dati ang buhay nito. 

Sumagot ang unang anino na ito nga ay pumayag na sumama sapagkat ipapadala ni Ibarra sa Maynila ang misis upang ipagamot. Siya rin ang susugod sa kumbento upang makaganti sa kura. 

Sinabi naman ng ikatlo na lulusob sila sa kwartel kasama ang lima upang ipakita na ang ama nila’y may mga anak na lalaki. Sinabi ng alila ni Ibarra na sila ay magiging dalawampung katao na. Napahinto ang mga anino nang makita nila ang isa pang aninong parating mula sa bakod

Pagdating sa lugar ng tatlo ay nagkakilala sila. Ipinaliwanag ng bagong dating na sinusubaybayan siya kaya’t naghiwa-hiwalay na sila at sinabihan ang mga dinatnan na kinabukasan na ng gabi nila tatanggapin ang mga sandata. 

Nawala ang tatlong anino habang ang bagong dating ay naghintay sa sulok ng pintuan nang dumating ang ikalawang anino habang nagmamasid sa paligid. Umaambon noon kaya sumilong siya sa pintuan. 

Sila ay nagsugal at kung sino ang manalo ay maiiwan upang makipagsugal naman sa mga patay. Pumasok sila sa loob at magkaharap na umupo sa ibabaw ng puntod. Ang dalawa ay si Elias at si Lucas at sa kanilang sugal, natalo si Elias. 

Walang  kibong umalis si Elias at naglaho sa dilim. 

Pagkaraan ng ilang minuto ay inihudyat ng kampana ang alas-otso ng gabi para sa mga banal na kaluluwa. Gayon man, ni hindi tinangka ni Lucas na makipagsugal sa mga patay o tawagan ang mga kaluluwa ayon sa pamahiin. Sa halip ay nag-alis ng sombrero at umusal ng ilang panalangin, paulit-ulit na nagkrus at nag-antanda.  

Madilim na sa daan at may dalawang gwardiya sibil ang palakad-lakad. Nakasalubong nila ang isang binatang may peklat sa mukha at tinanong kung nakita nito si Elias tumugon ang lalaki na hindi nito nakita si Elias.  At lumisan na ito patungong simbahan.  

Nakasalubong nila ang ikalawang anino, muli nila itong tinanong kung nakita ba nila si Elias at tumugon ito na tutungo siya taong nang-insulto at nanggulpi sa kapatid niyang lalaki. May peklat ito sa mukha at ang pangalan ay Elias.  

Kapwa nagkatinginan ang dalawang gwardiya at napanganga. Pagkatapos ay mabilis na nagsisugod sa simbahan na tinunguhan ni Lucas.  

Ang unang aninong nakasalubong ay si Lucas ang ikalawang anino naman ay si Elias.  

ALAM MO BA?

  • Isang paniniwala na kapag naglatag ng mga baraha sa sementeryo pagtugtog ng kampana sa ikawalo ng gabi, ang gagalaw na baraha ay maswerte dahil pinili ng patay. Ang sino man na may hawak ng barahang iyon na makikipagsugal ay suswertehin o mananalo sa sugal.
  • Ngunit gaya ng nangyari sa sementeryo, hindi “pipili” ng baraha ang patay kapag dalawang tao ang naroroon. Kailangan ay isa lamang, kaya naglaro ng mga baraha ang dalawa (sina Lucas at Elias) hanggang sa matalo si Elias.
  • Pansinin na pagkaalis ni Elias, hindi naman naglatag ng mga baraha si Lucas upang piliin ng patay-nanalangin lamang siya nang taimtim.

MENSAHE AT IMPLIKASYON NG KABANATA: 

  • Mayroong mga anino na nagtipon sa sementeryo upang pag-usapan ang isang balak. Hindi nila alam na nakamasid sa kanila si Elias upang alamin ang kanilang mga balak. Nagkaharap si Elias at Lucas na hindi magkakilala at sila’y naglaro ng baraha. Nang matalo si Elias ay pinili niyang lumisan na.
  • Ang kabanatang ito ay pinamagatang Ang Mapalad na Baraha, ito’y maaaring tungkol sa sugal ng buhay kung saan hindi mo alam kung ikaw ay magtatagumpay sa lahat ng balak at tunguhin.
  • Sa kabanatang ito ay may balak sila Lucas na idawit ang pangalan ni Crisostomo sa isang pag-atake sa kwartel. Mahirap madawit sa ganitong uri ng gawain kung saan gagamitin ang iyong pangalan sa isang masamang balak na maaaring ikasira ng iyong pagkatao at reputasyon.