TALASALITAAN:
- Deliryo – ansamantalang pagkawala ng kaayusan o katinuan ng pag-iisip dalá ng malubhang sakít, kalasingan, at iba pang katulad
- Hinagpis – lipós ng pighating pagbuntonghininga
- Banas – yamót o nayayamót.
- Tagubilin – mga bagay o utos na iniwan upang gawin o sundin
- Pildoras – maliit na tabletas
- Tiim – nakaimpit ang labì, ngipin, o bagáng sa pagpipigil o pagtitimpi ng galit o sakít
MGA PANGUNAHING TAUHAN SA KABANATA:
- Don Tiburcio
- Donya Victorina
- Padre Salvi
- Sinang
- Tiya Isabel
- Kapitan Tiyago
BUOD NG KABANATA 44: PAGSUSURI NG BUDHI
Mataas pa rin ang lagnat ni Maria Clara at sa tuwing ito’y magdedeliryo ay binabanggit ng dalaga ang pangalan ng kanyang ina. Ang tiya nito at si Kapitan Tiyago naman ay patuloy sa pananalangin at pag-aalaga sa dalaga.
Ilang araw na ang lumipas at napagaling ng resetang gamot ni Don Tiburcio ang dalaga. Ikinatuwa ito ng mag-asawa.
Napag-usapan nina Padre Salvi, Kapitan Tiyago at mag-asawang Espadaña ang paglipat ni Padre Damaso. Sinabi ni Kapitan Tiyago na labis ang hinagpis ng dalaga sapagkat lilisan na ang tinuri niyang ama na si Padre Damaso.
Ang paggaling naman ni Maria Clara ay pinagtalunan ng mga tao. Sinabi ng Donya na ito ay dahil sa binigay na gamot ng Don ngunit sabi naman ng Padre ay dahil ito sa malinis na budhi ng dalaga.
Dahil sa pagkapikon ay iminungkahi ni Donya Victorina na gamuting ng kanyang kumpisal ang nakababanas na si Donya Consolacion. Dito’y wala nang naisagot ang pari kaya naman tinagubilinan na lamang niya si Kapitan Tiyago.
Oras na para uminom ng gamot si Maria. Ininom niya ang pildoras na mula sa bumbong ng Kristal na ititigil lamang ng dalaga kapag na karamdam na ng pagkabingi. Ipinaalm naman ni Sinang kay Maria ang dahilan ng ‘di pagsulat ng binata sa kaniya.
Nagsimula na ang pangungumpisal ng dalaga. Sa obserbasyon ng kanyang Tiya ay tila halata kay Padre Salvi na hindi ito nakikinig sa sinasabi ni Maria Clara bagkus ay matiim itong nakatitig sa dalaga na para bang inaalam ang nasa isip nito.
Nang matapos ang kumpisalan ay lumabas si Padre Salvi na parang may sakit na nakapangunot ang noo, namumutla, pawisan, at kagat-labi.
ALAM MO BA?
- Lubhang nangibabaw sa kabanatang ito ang impluwensya ng Katolisismo. Nagpamisa at nagdasal ang sambahayan ni Kapitan Tiago, kasama na ang pangakong magkakaloob ng gintong baston sa Birhen ng Antipolo. Pati ang paglilipat kay Padre Damaso sa ibang parokya ay nagkaroon ng reaksyon sa mga tauhan sa kabanatang ito.
- Gayundin ang pagluwas ni Crisostomo Ibarra sa Maynila upang lapitan ang arsobispo na ipawalang-bisa ang parusa sa kanya na ekskomunyon o pagpapatalsik sa Simbahan. Ngunit higit na nabigyang-diin dito ang papel ng pangungumpisal at pangungumunyon ng isang ipinalagay na nagkasala.
- Pansinin na mangumgumpisal at bibigyan ng komunyon ni Padre Salvi sa bahay, kaya tinutulan ito ni Linares sa mapagsuri nitong puna na “baka isipin ni Maria Clara na naglulubha na siya.” Nangyayari ang pangungumpisal sa bahay, pati ang pagbibigay ng komunyon dahil hindi na makapunta sa simbahan ang inaakalang nagkasala at nanganganib na maglubha at mamatay. Ipinagtataka rin ito ni Sinang dahil may isang linggo pa lamang nakapangungumpisal si Maria Clara.
- Ngunit sa mga tulad nina Kapitan Tiago at Tiya Isabel, ang ano mang inirekomenda ng kura ay kailangang sundin! Dito ipinakita ang bulag na pagsunod sa mga alagad ng Simbahan nang panahong iyon; gayunman, may mga kaisipang liberal na pumupuna sa “kalabisan” ng pananampalataya, tulad nina Sinang at Linares.
MENSAHE AT IMPLIKASYON NG KABANATA
- Ang kabanatang ito ay kakikitaan ng pagkakaroon ng pananampalatay ng mga tauhan. Si Tiya Isabel na taimtim na nanguna sa pananalangin para sa paggaling ni Maria.
- Si Kapitan Tiyago na lubos ang tiwala at pananampalatay sa kung ano ang sabihin ng mga prayle.
- Si Padre Salvi na naniniwalang ang pangungumpisal at pananampalataya ay nakagagaling ng anumang uri ng karamdaman.
- Si Donya Victorina na naniniwala at namampalataya sa kakayahang manggamot ng kanyang asawa na si Don Tiburcio.