MAHAHABA at malulungkot ang mga gabi sa tabi ng hihigan ni Maria Clara. Nabinat siya pagkataapos makapangumpisal, at sa kahibangan sa taas ng lagnat ay wala siyang tinatawag kundi ang kanyang inang hindi kinagisnan. Ngunit binantayan siya ng kanyang mga kaibigan, ng kanyang ama, at tiya. Nagpamisa at nag-abuloy sa mapaghimalang mga imahen. Si Kapitan Tiago ay nangakong mag-abuloy ng gintong baston sa Birhen sa Aantipolo, at sa wakas ay unti-unti ngunit patuloy nang bumaba ang lagnat ni Maria Clara.
Manghang-mangha si Dr. de Espadaña sa bisa ng arnibal ng marshmallow at sa sopas ng liquen: hindi niya binago ang kanyang reseta. Lubhang ipinagmamalaki ni Donya Victorina ang kanyang asawa kaya nang isang araw na matapakan niyon ang kola ng kanyang bata ay hindi niya binunutan iyon ng pustiso tulad ng dati niyang pagpaparusa. Pinagsabihan lamang niya ng: “kng hindi ka lamang oilay ay natakpan mo na rin pati paha ko.” Gayong hindi naman siya gumagamit ng paha.
Isang hapon, habang binabantayan nina Sinang at Victorina si Maria Clara, ay nag-usap sa komedor ang kura, si Kapitan Tiago, at ang pamilya ni Donya Victorina.
“Ikinalulungkot kong mabalitaan ‘yan”, saad ng doctor. “Hindi rin iyan maiibigan ni Padre Damaso.”
“Saan nga wika ninyo siya sila malilipat?” tanong ni Linares sa kura.
“Sa lalawigan ng Tayabas,” sagot ng kurang parang wala sa loob.
“Daramdaming Mabuti ito ni Maria Clara pag nalaman niya,” ani Kapitan Tiago. “Mahal niya siyang parang ama.”
Matalim siyang tiningnan ni Padre Salvi.
“May palagay ako, Padre,” patuloy na wika ni Kapitan Tiago, “na ang pagkakasakit ni Maria Clara ay nagsimula sa mga sama ng loob niya no’ng araw ng pista.”
“Oo nga, at mabuting hindi niyo pinayagang makipagkita si Ibarra sa kanya. Maaring maglubha siya.”
“Kundi lamang dahil sa amin,” sabad ni Donya Victorina, “ay nasa langit na si Clarita at umaawit ng Halleluya.”
“Amen!” naisip ni Kapitan Tiago na dapat niyang sabihin.
“Mabuti na lamang at walang pasyenteng mas mataas na tao ang aking asawa. Kundi’y mapipilitan kayong tumawag ng ibang doctor, at lahat ng mga doctor ditto ay ignorante. Ang asawako . . .”
“Sa palagay ko’y tama ako,” putol na wika ng kura. “Ang pagkakakumpisal ni Maria Clara ang nagligtas sa kanyang buhay. Ang malinis na konsiyensiya ay mas mahalaga kaysa gaano mang karaming gamut. Ngunit hindi ko itinatatwa ang kapangyarihan ng siyensa, higit sa lahat ay ang pag-oopera! Pero, ang isang malinis na konsiyensiya . . . Magbasa kayo ng mga aklat sa relihiyon at malalaman ninyo ang maraming napagaling ng isang mabuting pangungumpisal.”
“Ipagpaumanhin ninyo,” tutol ng naiinis na si Donya Victorina. “Sinasabi niyong mabisa ang pangungumpisal—tignan natin kung mapagagaling ng pangungumpisal ang asawa ng puno ng mga guardia civil!”
“Ang pasa sa mata, madam, ay hindi isang sakit na maiimpluwensiyahan ng konsiyensiya,” matabang na sagot ni Padre Salvi. “Bagama’t ang isang mabuting pangungumpisal ay maaring makpagligtas sa kanya sa hinaharap sa mga suntok na dumapo sa kanya kaninang umaga.”
“Mabuti nga sa kanya!” bulalas ni Donya Victorina na tila hindi naunawaan si Padre Salvi. “Mapag-insulto ang babaing iyon! Sa simbahan ay lagi siyang nakatitig sa akin. Kung sabagay ayy mababa ang kanyang uri. Noong nakraang lingo ay itatanong ko n asana sa kanya kung ano ang diperensiya, kung may bigote ako. Pero, bakit ko ba siya papatulan?”
Hindi pinansin ng kura ang lahat ng gayong satsatan at nagpatuloy siya: “Maniwala kayo sa akin, Don Santiago. Kailangang mangumonyon bukas ang inyong anak para lubusan siyang gumaling. Ako na ang paparito. Sa palagay ko’y hindi na niya kailangang pang mangumpisal na muli, pero kung may nakababalisa pa sa kanyang konsiyensiya ay paparito ako mamayang gabi.”
“Aywan ko,” biglang sabad ni Donya Victorina nang saglit na makapatlang ang pag-uusap. “Hindi ko maintindihan kung bakit may mga lalaking nag-aasawa sa gayong katawa-tawang mga babae. Malayo kapa sa kanya’y masasabi mon a kung anong klase siyang babae. Sinuman ay makapgsasabing masyado siyang inggitera. Maliwang na maliwanag. Ano’ng nangyari r’yan sa komandante?’
“Kung gayon ay ayos na ang tungkol d’on, Don Santiago. Ipakisabi sa inyong pinsan na ihanda ang ating pasyente para sa kumonyon bukas. Paparito ako mamayang gabi para sa maliliit niyang pagkukulang.”
Kinausap niya sa Tagalog si Tiya Isabel na noo’y papalabas sa silid.
“Ihanda niyo ang inyong pamangkin para sa panungumpisal ngayong gabi. Bukas ay bibigyan ko siya ng komunyon. Sa gayon ay mas madali siyang gagaling.”
“Pero Padre,” nahihiyang tutol ni Linares, “baka akalain niyang mamamatay na siya.”
“Huwag kang mag-alala tungkol d’on,” sagot ng kura nang di man lamang tinitignan si Linares. “Alam ko ang aking ginagawa. Marami na akong dinalaw na mga maysakit. Kung sabagay ay siya naman ang magpapasiya kung mangungumunyon siya o hindi. Makikita mo’t papayag siya sa lahat.”
Samantala ay si Kapitan Tiago muna ang kailangang sumang-ayon sa lahat.
Pumasok sa silid ng maysakit si Tiya Isabel. Nakahiga pa si Maria Clara, maputla, napakaputla. Nasa tabi niya ang dalawang kaibigan.
“Uminom ka pa ng isa,” bulong ni Sinang at binigyan siya ng isang putting pildoras na kinuha sa isang kristal na tubo. “Sabi niya’y ihinto mo lamang ang pag-inom nito kapag humihiging na ang iyong tainga.”
“Hindi paba siya sumusulat sa iyo?” bulong din ng maysakit.
“Hindi pa. Masyado siguro siyang abala.”
“Wala ba siyang pasabi sa aakin?”
“Sisikapin daw niyang makausap ang arsobispo para siya mapatawad sa kanyang ekskomunyon upang . . .”
Siyang pagpasok ni Tiya Isabel kaya’t nahinto ang kanilang pag-uusap.
“Sabi ni Padre Salvi ay ihanda mo ang iyong sarili, Anak, para sa isang mabuting pangungumpisal. Kaya, iwan na muna ninyo siya para makpagdili-dili.”
“Ngunit kpangungumpisal lamang niya noong isang Linggo!” reklamo ni Sinang. “Kung akong walang sakit ay hindi nagkakasala nang gayong kadalas!”
“Naku, hindi ba ninyo natatandaan ang sinabi ng kura na kahit na ang banal na tao ay nagkakasala ng pitong beses isang araw? O, ibibigay ko ba sa iyo ang Patnubay sa Kaligtasan, Punpon ng Kabanalan, o ang Matuwid at Makitid na Landas?”
Hindi sumagot si Maria Clara.
“O, mabuti pa’y,” patuloy ng butihing si Tiya Isabel, “para hindi ka mapagod ay babasahin ko sa iyo ang paglilinis ng konsiyensiya at alalahanin mo na lang ang mga kasalanan mo.”
Nang lumabas na muli ang kanyang tiya upang kunin ang mga aklat ng kabanalan ay binulungan ni Maria Clara si Sinang habang sila’y nagpapaalaman:
“Sumulat ka sa kanya at sabihin mong kalimutan na niya ako.”
“Ano!”
Siyang pagpasok na muli sa silid ni Tiya Isabel kaya’t kinailanngan nang umalis ni Sinang nang hindi nauunawaan ang sinasabi ng kaibigan. Inilagay ni Tiya Isabel ang kanyang silya nang malapit sa liwanag, iniayos ang salamin sa tungki ng ilong, binuklat ang maliit na aklat, at sinabing:
“Makinig kang mabuti, Anak. Sisimulan ko ang pagbasa sa Sampung Utos. Babasahin ko nang madalang para ka makapag-isip-isip. Kung hindi mo narinig ay ipaulit mo sa akin. Alam mo namang hindi ako napapagod sa paggawa ng para sa ikabubuti mo.”
Nagsimula na siyang magbasa sa nakababagot na tinig na lumalabas sa ilong ng mga sitwasyong maaring maging dahilan ng pagkakasala ng isang tao. Huminto siya tuwing matatapos ang isang matatapos ang isang talata para bigyan ng pagkakataon ang dalagang maalala ang kanyang mga kasalanan at makpagsisi.
Malabo ang pagkatitig ni Maria Clara sa kawalan. Palihim siyang minasdan ni Tiya Isabel matapos basahin ang Unang Utos na mahalin ang DIyos nang higit sa lahat. Nasiyahan siya sa nakitang malungkot na pagmumuni-muni ng dalaga. Bahagya siyang umubo at nagpatuloy sa pagbasa ng Ikalawang Utos. Buong kabanalang nagbasa ang matandang babae, at nang matapos basahin ang pagsusuri ay minas an muli ang pamangkin na unti-unting tumalikod.
“Talagang walang kinalaman ang batang ito sa panunumpa sa ngalan ng Diyos,” wika ni Tiya Isabel sa sarili. “Isunod na natin ang Ikatlong Utos.”
Matapos ang pagsusuri at pamumuna sa Ikatlong Utos ay binalingang muli ng tingin ni Tiya Isabel ang nasa kama at Nakita niya ang pamangkin nagpapahid ng panyolito sa mata.
“Hmm,” naisip niya, “aha! Marahil ay nakatulugan ng kaawa- awang bata ang ilang sermon.” Matapos iayos ang salamin sa ilong ay nagpatuloy sa pagbulong: “Tingnan natin ngayon kung mas iginalang niya ang kanyang ama at ina kaysa araw ng pangiliin.”
Binasa ni Tiya Isabel ang mga pagdidili-dili para sa Ikaapat na Utos nang mas mabagal at sa tinig na lumalabas sa ilong. Nakita niyang gayon ang ginagawa ng maraming prayle at inakala niyang kataimtiman iyon. Kung nakarinig si Tiya Isabel ng sermon ng isang pastor ng Quaker ay tiyak na gagayahin din niya ang banal na panginginig niyon.
Samantala’y ilang ulit nang itinaas ng dalaga ang panyolito sa kanyang mga mata at lumakas ang kanyang pahinga.
“Anong buting kaluluwa!” naisip ng matandang babae. “Napakamasunurin niya at mapagkumbaba sa lahat! Higit akong makasalanan ngunit hindi pa ao nakaiyak nang gayong kataimtim.”
Sinimulan niyang basahin ang Ikalimang Utos nang higit na pahinto-hinto at nang buong kasigasigan kaya’t hindi niya napuna ang iniimpit na paghikbi ng kanyang pamangkin. Nang huminto siya sa pagmumuni-muni ng tungkol sa pagpapatiwakal ay saka lamang niya napansin ang pagbubuntung-hininga ng makasalanan. Buong kabanalang tumaas ang tono ng kanyang tinig. Binasa niya ang ilan pang pagsusuri sa utos nang may pagbabanta. Yumuko siya sa kama nang makitang umiiyak parin ang pamangkin:
“Tama ‘yan, Anak, umiyak ka, umiyak ka pa nang madali kang mapatawad ng diyos. Pagsisihan mo ang iyong mga kasalanan dahil sa pagmamahal mo sa Diyos at hindi dahil sa takot sa impiyerno. Umiyak ka, Anak, umiyak ka. Hindi mo lang alam kung gaano ako kaligaya kapag Nakita kitang umiiyak. Puwede mo ring dagukan ang iyong dibdib, pero huwag mong masyadong ilalakas at hindi ka pa lubusang magaling.”
Subalit, tila kailangang maging mahiwaga at lihim ang kalungkutan ni Maria Clara. Nagulat siya nang mapuna ang kanyang ayos. Unti-unti siyang pumayapa at tahimik na nagpahid ng mga mata nang hindi sinasagot ang kanyang tiya.
Nagpatuloy sa pagbabasa ang matanda, ngunit Nawala anng kanyang kasigasigan pagkat hindi na umiiyak ang kasama. Nakabagot sa kanya ang mga huling utos kaya’t nagsimula siyang maghikab na ikinasira ng kanyang pahintu-hintong pagbabasa.
“Hindi ako makapaniwala kundi nakita ng sarili kong mga mata,” naalala niya. “Totoong nagkasala ang batang ito sa mga unang limang utos, pero wala siyang kasalanan sa ikaanim hanggang ikasampu, siyang kabaliktaran naming lahat. Nagbabago nga naman ang mundo!”
Nagsindi ng malaking kandila si Tiya Isabel para sa Birhen ng Antipolo, at ng maliit para sa Birhen ng Kabanal-banalang Rosaryo at sa mahal na Birhen ng Pillar. Maingat niyang isinaisantabi ang krusipihong ivory para ipaunawa na hindi para rito ang sinindihang mga kandila. Gayon din ang kanyang ginawa sa Birhen ng Delaroche. Hindi pa ito kilala ni Tiya Isabel at kailangan makarating muna siya ng mga himala ng nasabing Birhen.
Ang mga lihim ng kumpisal ay dapat na igalang nang gabing iyon. Mahaba ang nasabing pangungumpisal. Mula sa malayo ay napuna ng nagbabantay na si Tiya Isabel na sa halip na manainga sa sinabi ng maysakit na dalaga ay hinarap iyon ng kura na waring ibig hulaan o basahin ang iniisip niyon sa kahali-halinang mga mata.
Maputla si Padre Salvi, nakapaniim ang mga labi nang lisanin ang silid. Ang pangungunot at pamimigta sa pawis ng kanyang noo ay tila nagsasabing siya ang nangumpisal at hindi napatawad.
“Jesus, Maria, Josef!” bulalas ng tiya at nag antanda upang itaboy ang masasamang isipin. “sino ang makauunawa sa kabataan ngayon?”