May iba’t ibang paraang ginagam it upang maipahayag ang emosyon damdamin ng mga tao. Ilan sa mga ito ay sa pamamagitan ng:
1. Padamdam at maikling sambitla. Ito’y isang uri ng pangungusap na walang paksang nagpapahayag ng matinding damdamin. Ginagamitan ito ng bantas na tandang padamdam (!).
Halimbawa: Galing! Aray! Ay! Yehey! Sakit! Sarap! Grabe! Wow!
Maaari ring isama ang mga padamdam at maikling sambitlang ito sa parirala o sugnay upang maging higit na tiyak ang damdamin o emosyong nais ipahayag.
Halimbawa: Yehey, maganda ang tingin sa akin ng mga tao!
2. Mga pangungusap na nagsasaad ng tiyak damdamin o emosyon ng isang tao. Padamdam ang tawag sa ganitong uri ng pangungusap. Nagpapahayag ito ng damdamin gaya ng galit, tuwa, lungkot, inis, o gigil. Nagtatapos ito sa tandang padamdam.
Bagaman may mga pagkakataong ang damdamin ng nagpapahayag ay hindi gaanong matindi ngunit mahihinuha pa rin ang damdamin. Ang ganitong pahayag ay nasa anyong pasalaysay paturol na pangungusap
Halimbawa:
- Kasiyahan: Natutuwa ako at isa akóng babaeng Pilipina.
- Pag-ayaw: Pasensiya na, pero hindi ko gusto ang pagtrato ninyo sa inyong kababaihan.
- Pagkainis: Nakakainis talaga ang mga laláking walang respeto sa mga babae.domani sono
- Pagtataka: Bakit ganoon kababa ang inyong tingin sa akin?
- Pagmamalaki: Ako’y isang babaeng malaya!
3. Mga pangungusap na nagpapahiwatig ng damdamin sa hindi diretsahang paraan.
Halimbawa:
- Mas maganda sigurong hindi ka na magsalita (kahulugan: manahimik na lámang)
- Sana kunin ka na ni Lord! (kahulugan: mamatay ka na sana.)
- Isa kang anghel sa langit. (kahulugan: mabait at mabuti ang tao)