Buong Sipi ng Kabanata 39: Si Donya Consolacion

          Bakit nasira ang mga bintana ng bahay ng komandante? Nang nagdaraan ang prusisyon ay nasaan ang mukha ng lalaki at nakapranelang si Donya Consolacion, ang musa ng guardia civil? Nalaman kaya niya sa wakas na nakapangit tingnan ang kanyang sentidong namimintog sa naglalakihang ugat sa waring hindi dugo ang dumadaloy kundi suka at apdo? Gayunnndin ang malaking tabakong nakasupalpal na lagi sa kanyang kulay ubeng labi? Ang kanyang tinging may kislap ng pagka-inggit, at sa biglang pag-iral ng nalalabing kabutihan ay minabuti niyang huwag nang manungaw nang hindi makasira sa naghaharing kasayahan ng madla.

          Gaya ng sinabi ni Sinang, malungkot ang buhay na iyon pagkat masaya ang bayan. Ni walang nakasabt na ilaw o palamuti. Kung hindi lamang sa bantay sa tarangkahan na walang tigil sa pagmamartsa ay mapagkakamalang walang tao sa bahay.

          Isang malamlam na sinag ng ilawan ang tumatanglaw sa magulong salas. Sala-salabat ang agiw at sapot sa bintana. Ang maybahay ng komandante, na nagging ugali na ang katamaran, ay nag-aantok na nakahilig sa isang silyon. Tulad ng dati ang kanyang suot ay pangit at nakakainis tingnan. May taling laso ang kanyang buhok ngunit naglawit din ang ilang maiikli at magulong hibla. Dlawang patong ang kanyang bulusa. Asul ang pang-ibabaw at ang pang-ilalim ay dating puti na ngayo’y mamula-mula na. Nakasaya siya ng kupasin. Magkapatong ang kanyang payat na mga hita at kukuya-kuyakoy ang dalawang paa. Walang tigil ang buga niya ng usok ng tabako. Nakatuon ang kanyang mga mata sa kawalan. Kung makikita siya ng isang reporter na Kastila, tiyak na mapagkakamalan siyang casique o mangkukulam.

          Nang umagang iyon ay hindi nagsimba si Donya Consolacion… Hindi dahil sa ayaw niyang magpakita sa mga tao o makinig sa sermon kundi sapagkat pinagbawalan siya ng komandate… pagbabawal na sinabayan ng dalawa o tatlong tungayaw, o pagmumura, at pagbabantang sisipain. Alam ng tenyente napagtatawanan ang bihis na kanyang asawa, at mapagkakamalang isang babaeng madaling kalabitin kaya’t hindi dapat Makita ng matataas na tao mula sa kabisera ng probinsiya o ng mga dayuhan.

          Pero para kay donya Consolacion ay maganda siya… kaakit-akit. May tipo ng isang reyna at nakahihigit siya, lalo sa pagbibihis, kaysa kay Maria Clara, “Tumigil ka kung ayaw mong sipain kitang pabalik sa buwisit mong bayan,” sigaw sa kanya ng tenyente.

          Nag-iisa noon si Donya consolacion. Ang kanyang asawa ay imbitado sa isang handaan, Nagkukukot ang kanyang loob. Nakadarama siya ng labis na pagkamuhi sa pag-iisa..

          Iniutos niya sa bantay na guardia civil na isara ang mga bintana upang hindi na niya marinig pa ang pagsasaya ng mga tao sa labas. Pinagbilinan niya ang sundalo na huwag magpapapasok ng sino man. Binalot niya ng bandana ang kanyang ulo upang pigilin ang wari’y pagsabog nito dahil sa ngitngit. Pinasindihan niya ang mga ilaw bagaman matindi ang sikat ng araw.

          Dinakip si Sisa dahil sa panggugulo nang araw ng kapistahan. Dinala siya sa kwartel. Dahil wala ang komandante ay magdamag na naditine ang babae. Kinabukasan, nang dumating ang tenyente ay iniutos sa mga sundalong huwag pakawalan si Sisa sa pangambang may masamang mangyari rito. Gayunman, ipinagbilin niyang tratuhin at bigyan ng pagkain. Kaya’t dalawang araw na namalagi sa kuwartel ang baliw.

          Nang gabi iyon, maaaring dahil sa narinig ni Sisa ang awit ni Maria Clara mula sa bahay ni Kapitan Tiago na kalapit lamang, o dahil sa iba pang himig ay nagunita niya ang mga awitin nang siya’y bata pa. Inawit nya sa malungkot at malambing na tinig ang isang kundiman. Tahimik na nnakinig sa kanya ang mga guardia civil.

          Narinig din ni Donya Consolacion  ang pag-awit ni Sisa. Ipinagtanong niya ang umaawit at iniutos na iharap sa kanya. Dumating si Sisa nang walang pangingimi, walang takot, o munti mang pagkabalisa. Labis iyong ikinayamot ng maybahay ng tenyente. Nasaktan ang kanyangg pride.

          Lumunok si Donya Consolacion. Pinaalis ang sundalo at kinuha ang nakasabit na latigo ng tenyente. Pagkatapos ay nag-utos sa matigas na tiniig.

          Kahit na pilipit na kastila ay hindi nakaiintindi kay Sisa, at ito ay labis na nagbigay-kasiyahan kay Donya Consolacion. Isa sa mga katangi-tanging ugali ng ginang  na ito ang sadyang sirain ang pananagalog, o dili kaya ay magpanggaap na hindi marunong ng salitang Tagalog, upang masabing isa siyang ganap na Oropea, ayon na rin sa kanya. Kung napakasama na niyang managalog… lalo naman ang mangastila. Dahil ditto, sa pamamagitan ng mga sipa ng bota at paghambalos ng siya ay sinikap ng asawa ng tenyente na matutuhan niya ang wastong balarila at pagbigkas ng Kastila.

          Ang isa sa mga salitaang nahihirapan siyang bigkasin, marahil ay mas mahirap pa kaysa paagsasalin ng hieroglyphics ng pinakamahusay na Egypyologist, ay mga asalitaang Filipinas.

          Sinasabing kinabukasan ng kanilang kasal, habang nag-uusap sila ng kanyang asawang noong Felipinas. Huwag mong kalimutang hango ang pangalan ng iyong bayan sa pangalan ng Haring felipe.”

          Ang babae  na nangangarap pa sa kanyang pulot-gata ay sumunod naman. “Pelepenas!” makailan muna siyang kinutusan ng kabob ago muling nagwika: “Felipinas. Sabihin mong Felipe at idagdag ang pantig na nas, na ang ibig sabihin sa Latin ay “Pulo ng mga Indio”

          Si Consolacion, na noon ay isa lamang labandera, ay nagtaas ng kamay. Hinaplus-haplos ang bukol sa ulo na likha ng mga kutos at saka nagwika: “Fe lipe. Felipe nas. Felipenas, asi ba?

          Napatunganga ang kabo. Bakit nagkagayon? Bakit nagging “Felipinas” sa halip na “Felipinas”? Alin ang tama: Felipenas o Felipinas?

          Minabuti niyang huwag munang kumibo. Tumayo siya at sumangguni sa mga kasulatan. Labis siyang nabigla sa kanyang natunghayan. Sa lahat ng kasulatan ay “Filipinas” ang nakasulat. Sila palang mag-asawa ay parehong mali.

          Hindi pa rin nasiyahan ay nagtanong siya kay Sarhento Gomez na noong bata pa ay pangarap na mag pari. “Susmaryosep na tao ka naman pala! Siyempre Filipinas… ayon sa kinagawian noong unang panahon!” aniya.

          Nagbalik siya sa kanilang bahay.

          “Consola, paano ang bigkas mo sa pangalan ng iyong bayan?” tanong niya sa asawa.

          “Paano pa. Gaya ng turo mo… Felipinas!”

          “Pasama nang pasama ang bigkas mo! Mabuti-buti na kahapon. Sige Sabihin mong Filipinas.”

          “Teka nga muna…. Ano’ng palagay mo sa akin?”

          “Hindi na bale… Basta sabihin mong Filipinas.”

          “Ayoko! Ano’ko? Mali-mali? Wala pa naman akong trenta anyos, a!” singhal ng babae na nalilis pa ng manggas at humandang makikipagsuntukan.

          “Sabihin mo, walanghiya ka! Kundi ay dudurugin ko sa ulo moa ng silyang ito!”

          Nakita ni Consolacion na binuhat ng asawa ang silya kaya’t minabuti na niyang sundin ang utos nito, “Fili Fili Fili”

          Biglang inihambalos sa kanya ng lalaki ang silya. Gumanti ang babae at nagpanuntukan sila, nagsampalan, at nagkalmutan. Sinabunutan ng kabo ang babae. Hindi naman makagat ni Consolacion ang asawa sapagkat nag-uugaan na ang kanyang mga ngipin kaya’t ang ginawa na lamang niya ay sinunggaban ang balbas nito sa baba at pagkatapos ay dinaklot ang ibaba ng puson. Napasigaw sa sakit ang kabo. Binitawan ang pagkakasabunot sa babae at nagmamakaawangg humingi ng tawad habang nanlalaki at halos umusil ang mata sa hirap. Nagkapunit-punit ang kanyang damit. Naglitawan ang maseselang parte ng lalaki… pero hindi nakagitaw nang sanaling iyon ang tunay na bigkas ng Filipinas.

          Masuwerte si Sisa at hindi niya naiintindihan si Donya Consiolacion. Nagliwanag ang mukha ng donya at buong kasiyahan napangiti. Ang totoo ay nakalimutan na ni Donya Consolacion ang Tagalog. Isa na siyang Oropea

          “Sabihin mo sa tagalog sa babaeng ito na kumanta” Utos niya sa isang sundalo. “hindi niya ako naiintindihan. Hindi siya marunong ng kahit isang salitang kastila.”

          Naintindihan ni Sisa ang sundalo kaya’t kinanta niya ang Awit ng Gabi,

          Sa simula ay nakangisi at parang nang-iinis lamang na nakikiniig si donya consolacion. Ngunit unti-unti itong naglaho at nakinig na mabuti… naging seryoso at nag-isip. Ang tinig, ang kahulugan ng mga salita, ang himig ay nag-iiwan ng impresyon sa kanya; marahil, ang kanyang tuyot at lantang puso ay nangangailangan madilig.

                    Ang lumbay ng naninigid na lamig

                    Na isinasaboy ng langit ng karimlan

                    Ay lumalatag na balabal

          -Ang mga kataga ng kundiman- ay waring naninigid sa kanyang puso.

                    Ang laing at tuyot na bulaklak

                    Nanilanta at liwanag

                    Ay may kariktang ipinamamalas…

                    At naniniwalang ang lahat

                    Ay dapat mag-ukol ng palakpak!

                    Ang wasak at pusong kitil,

                    Ngayong ang gabi’y dumating

                    Ay mga talulot na namuklad mandin,

                    Tumingala sa papawirin

                    Na habag ang panalangin!

                    Hiniling sa dilim na siya’y bakuran

                    Upang di tuksuhin ng araw,

                    Supling siya ng mapagpanggap na yabang

                    Ngunit hamog ang kailangan

                    Upang diligin ng luha

                    Ang kanyang libingan!

          “Tama na!” sigaw ni Donya Consolacion sa matatas na tagalog at sinabayan ng tayo. “Itigil moa ng pagkanta! Naiinis ako sa kanta mo!”

          Sumunod naman ang baliw, at ang sundalo na buong paghangang nakatingin sa kanyang senyora ay napasigaw:

          “Marunong din pala siya ng Tagalog!”

          Natuklasan ni Donya Consolacion na naipagkanulo niya ang kanyang sarili. Napahiya siya. Pinaalis niya ang sundalo. Ang kanyang pagkapahiya ay nauwi sag alit at poot. Nagpalakad-lakad sa bulwagan. Mahigpit na hawak ang latigo. Pagkatapos ay pumihit at humarap sa baliw. Sa salitang Kastila ay iniutos niya:

          “Sayaw!”

          Hindi kumilos si Sisa.

          “Sayaw! Sayaw! Paulit ulit na sigaw ni Donya Consolacion sa may poot na tinig.

          Tiningnan lamang siya ng baliw. Hindi siya nauunawaan ni Sisa.

          Naglulundag si Donya Consolacion. Ikinembot-kembot ang katawan na waring iniuutos na gayahin siya ni Sisa. Mula sa malayo ay maririnig ang malambing at seryosong musika ng banda na sumasaliw sa prusisyon. Nguni tang lundag at imbay ni Donya Consolacion ay maharot.

          Walang kakilos kilos sa panonood sa kanya si Sisa. Nagningning ang mga mata at may bahagyang ngiting nakasungaw sa labi. Aliw na aliw siya sa pagsayaw ng donya.

          Napahiya si Donya Consolacion. Tumigil sa paglundag. Itinaas ang latigo na labis na kinasisindakan maging ng mga tulisan at dundalo.

          “Ngayon, ikaw naman! Sayaw!

At sinimulan niyang latiguhin si Sisa. Sa simula ay mahina. Napangiwi sa sakit ang baliw nang tamaan ng latigo ang kanyang paa. Nagtangka siyang salagin ang hagupit ng kanyang kamay.

          “Aha! Nagsimula ka na ring sumayaw, ha?” bulalas ni Donya Consolacion at sinabayan ng sunod-sunod na hagupit ng latigo.

          Napasigaw sa sa kit si Sisa at napataas ang isang paa.

          “Sasayaw k aba o hindi? India!” sigaw ng donya at muling inasbaran ng sunod-sunod na palo ang baliiw. Nabuwal si Sisa na hinahaplos ang binti. Dalawang matiinding hagupit sa likod ang muling nagpatindig kay sisa. Dalawang beses nagpahagulgol. Napunit sa hagupit ang manipis na damit. Nabakbak ang balat at dumaloy ang dugo!”

“Baila! Baila! Condenada! P……!” anya. “Sumayaw ka at kung hindi ay papatayin kita sa hagupit!”

          At habang hinahagupit ng isang kamay ay hinahawakan naman ang isa pang kamay ng balw. Naglulundag ang donya. Sa wakas ay nauunawaan din ni Sisa ang iniuuutos nito at sinabayan niya ang paglundag-lundag ni Donya Consolacion.

          Siyang-siya si Donya Consolacion sa gayong panoorin kaya’t hindi niya namalayan ang pagdating ng asawa kahit patadyak na binuksan ang pinto.

          Namutla at nanghilakbot ang tenyente nang masaksihann ang nangyayri. Mabalasik ang mukhang itinuon ang tingin sa asawa. Hindi iyon kumikilos at ngumiti nang nakatutuya.

          Marahan niyang inakbayan ang kakatawang manananyaw att pinahinto sa pagsasayaw. Nagbuntong hininga ang baliw at unti-unting napalugmok sa sahig na may bahid ng sarili niyang dugo.

          Nagpatuloy ang kastahimikan. Humihingal ang tenyente. Minamasdan siya ng nagtatanong na mga mata ng asawa. Dinampot niyon ang latigo at metatag na nagtanong:

          “Ano ang nangyayari sa iyo?? Ni hindi mo man lamang ako binate ng magandang gabi?”

          Hindi sumasagot ang tenyente at tumawag ng isang sundalo.

          “Ilabas moa ng babaeng ito,” utis niya. “Sabihin mo kay martang bihisan ng iba at gamutin ang mga sugat. Pakainin siya ng mabuti. Bigyan ng maayos na higaan. Alagaan ninyo siyang mabuti. Bukas ay ihahatid ko siya sa bahay ni Ginoong Ibarra.”

          Pagkatapos ay maingat niyang isinara ang pinto, isinusi, at nilapitan ang asawa.

          “Talagang hinahanapp mong masaktang mabuti,” sabi niyang kinukuyom ang palad.

          “Ano’ng nangyayari sa akin? Sigaw niyang nagmumura, at iwinawasiawas ag isang putol na papek na kinahigan ng sulat-kamay. Nagpatuloy siya: “Ikaw, hindi ba ikaw, p……. ka ang sumulat sa gobernador-probinsyal at nagsumbog na tumatanggap ako ng suhol para mapahintulutan ang pagsusugal ditto? Hindi ko maintindihan kung bakit hindi ko pa sinipa ang laman ng ulo mo?”

          “Sige, subukan mo,” nangunguya ang kanyang tawa. “Kailangang maging lalaki ka para magawa mo iyon.”

          Napakislot siya sa narinig, ngunit nakita niyang hawak ng babae ang latigo. Sinunggaban niya ang isa sa mga plato sa mesa at ibinato sa ulo niyon. Sanay na ang babae sa ganitong labanan kaya mabilis siyang nakaailag. Tumama sa dingding ang pinggan at nabasag. Sinundan iyon ng isang puswelo at isang kutsilyo.

          “Duwag!” sigaw ng donya. “takot na takot kanag lumapit.”

          Nandura siya upang pagalitin ang asawa. Sa matinding galit ng lalaki ay sumisigaw na sinunggaban ang babae. Subalit mabilis niyang hinagupit ng latigo sa mukha ang tenyente at nagtatakbo siya sa kanyang silid. Pabalibag na isinara ang pinto at sinusian. Hinabol siya ng tenyenteng namimilipit sag alit aat sa sakit, ngunit wala iyong nagawa kundi kalabugin ang pinto at magmura.

          “Tinamaan ng lintik ang buo n’yong lahi, p…..! Buksan moa ng pinto, p….. ka, o babalian kita ng leeg!” malakas niyang banta habang pinupukpok ang pinto ng kanyang kamao at paa.

          Hindi sumagot si Donya Consolacion. Maririnig ang ingay ng kinakaladkad na mga silya at baul na pinagpatong-patong para ibarikada sa pinto. Kumalog ang buong bahay sa mga sipa at pagmumura ng kanyang asawa.

          “Lumayas ka!” matapang na pagbabanta ng donya. “Subukin mo lang sumilip ditto at babarilin kita!”

          Wari’y unti-unti siyang pumayapa at nagkasiya na lamang sa pagpapalakad-lakad na tila ibilanggong hayop.

          “Lumabas ka’t magpahangin,”patuloy na wika ng nanunuyang babae. Tila nanalo na siya sa labanan.

          “Isinusumpa kong kapag nahagip kita ay ni hindi ka maililigtas ng Diyos, lintik ka!”

          “Puwede mong ulitin iyan! Ayaw mo akong pasimbahin upang magawa ko ang tungkulin ko sa Diyos,” pakli niyang may pang-iinsulto na ang estilo’y sariling-sarili niya.

          Sinunggaban ng tenyente ang kanyang helmet, inayos ang sarili, at padabog na lumabas sa salas. Makaraan ang ilang minute ay nakatiyad at tahimik siyang bumalik: inalis niya ang kanyang bota. Ang mga katulong na nasanay na sa ganitong mga palabras ay karaniwang nababagot, ngunit nakatawag ng kanilang interes ang bagong taktika ng kanilang komandante. Nagkindatan sila.

          Naupo siya sa tabi ng “Pinto ng Langit” at matiyagang naghintay ng mahigit kalahating oras.

          “Umalis ka ng bang talaga o naririyan kappa, matandang kambing?” maya’t maya’y hiyaw ni Donya Consolacion na binabago-bago ang pagtawag niya nang patili.

          Sa wakas ay ipinasiya niyang isa-isang alisin ang barikada. Narinig ito ng tenyente at napangiti.

          “Kabo, umalis baa ng komandante?” sigaw niya.

          Ang kabong sinenyasan ng tenyente ay sumagot: “opo, umalis po sila.”

          Humalakhak ang babaae at inalis ang kandado sa pinto.

          Dahan-dahanng tumayo ang asawa; nakaawang ang pinto

          Isang hiyaw, kalabog ng bumagsak na katawan sa sahig, panunumpa, mga daing at malalaswang salita, mga suntok at atungal paano mailalarawan ang mga pangyayaring naganap sa isang madilim na silid-tulugan?

          Lumabas sa kusina ang kabo at makahulugang kinindatan ang kusinera.

          ‘Pagbabayaran mo ‘yan,” anang kusinera.

          ‘Ako? Siguro’y ang kaawa-awang mga sibilyan, pero hindi ako. Itinanong niya kung umalis, hindi kung bumalik na.”