Vietnam


Ating tuklasin ang ilang mga impormasyon tungkol sa bansang Vietnam.

  1. Ito ang ikalawang bansang may pinakamaraming bigas at kasoy na inilalabas upang ibenta sa ibang bansa.
  2. Sa halip na kampanilya, ang ginagamit sa mga paaralan upang makuha ang atensyon ng mga mag-aaral ay kanilang tradisyunal na gong.
  3. Kahit na ang Vietnam ay napabibilang sa mga papaunlad na bansa pa lamang tinatayang mayroon itong 94% literarcy rate.
  4. Ang bansang ito ay may mababang bilang ng mga mamamayang walang trabaho.
  5. Ang mga bansang sumakop sa Vietnam ay China, France, Japan, America at Russia.
  6. Tinatayang sampung milyong motorsiklo ang bumabaybay araw-araw sa mga pangunahing kalsada ng Vietnam.
  7. Ang Ruou ran o snake wine ay isang uri ng alak ay pinaniniwalaang nakagagamot sa kahit na anong uri ng sakit.
  8. Ang pinakapopular na apelyido sa Vietnam ay Nguyen.
  9. Ang wika sa Vietnam ay mayroong anim na tono kapag naiba ang tono ng salita ay maaari na ring maiba ang kahulugan nito.
  10. Sa bansang ito ang mga potbelly pigs ay ginagawang alaga sa kanilang tahanan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *