Noli Me Tangere Kabanata 56: Ang Sabi-sabi

TALASALITAAN:
  • nakagigimbal – Malaking kaguluhan o ligalig dahil sa isang masamáng pangyayaring hindi inaasahan.
  • mandambong – Mangharang, pumatay, magnakaw, maminsala, mang-agaw, manulisan.
  • ani – Salitang binubuo ng unlaping a na may katuturang ang sabi at ng “ni.” Pantukoy na panao, nása kaukulang paari, isáhan, at ang ibig sabihin ay “sabi ni.”
  • kuwadrilyero – noong panahon ng Espanyol ito ang naatasang mangalaga ng katahimikan sa isang lugar kapag may pagtitipon.
  • dinakip – Pagkuha ng sinumang may kaugnayan sa paglilitis na alinsunod sa batas.
MGA PANGUNAHING TAUHAN SA KABANATA
  • Mga mamamayan ng San Diego

Buong paligid ay tahimik dahil takot pa rin ang buong San Diego dahil sa nangyari. Maya-maya’y may naglakas loob na isang bata na nagbukas ng kanilang bintana at siyang pinagbasihan ng mga kapitbahay upang buksan din ang kanila. Nakagigimbal daw ang nagdaang gabi gaya noong panahong mandambong si Balat. Nasama si Kapitan Pablo sa kanilang usapan na siya raw ang na nguna. Ani ng iba na ang mga kuwadrilyero ito kaya dinakip si Ibarra.

Napag-usapan ding tinangka umano ni Ibarra na itanan si Maria Clara upang hindi matuloy ang kasal nila ni Linares at kaya lang sinasala ng kapitan ang kanilang pagtatanan sa tulong ng sibil.

Samantala, nakausap ni Hermana Pute and isang lalaking mula sa tribunal at sinabing nagtapat si Bruno at pinatunayan ang tungkol sa mag kasintahang Ibarra at Maria. Aniya, nais din paghigantihan ni Ibarra ang simbahan at mabuti na lamang at nasa tahanan ng kapitan si Padre Salvi. Sinabi rin na ang mga sibil ang sumunog sa bahay ng binata.

Isang babae naman ang nagsabi na nakita niyang nakabitin sa ilalim ng puno ng santol si Lucas.

Mensahe at Implikasyon ng Kabanata:
  • Ang kabanatang ito ay naglalarawan ng mga naging reaksyon ng mga tao tungkol sa kaguluhang nangyari nung gabi. Iba’t iba ang nagging reaksyon ng mga tao ngunit nangibabaw ang kanilang takot at naiugnay ito sa paglusob ni Balat na isang tulisan at nuno ni Elias.
  • Sa wakas ng kwento ay may isang babaeng nakakita ng bangkay na nakabitin sa isang puno tila ito ay sinakal at saka ibinitin na lamang, ang bangkay ay kinilalang si Lucas. Kung matatandaan sa mga naunang kabanata siya ang nanghikayat sa iba pa upang sumali sa pag-aaklas.
  • Sa kasalukuyang panahon ay laganap pa rin ang mga ganitong usap-usapan o sabi-sabi hinggil sa isang pangyayari o isyu. Iba’t iba ang nagiging opinion at espikulasyon ng mga tao. May mga pagkakataon ring dahil sa pagkakaiba-iba ng interpretasyon sa pangyayari ay lalong lumalaki ang isyu o kaya naman ay nababago ang tunay na nangyari at mas maraming nadadamay na tao.
  • Sa ating panahon marapat lamang na hindi agad maniwala sa mga sabi-sabi at kung wala naman talagang kaalaman sa isyu, mas mainam na manahimik na lamang. Bilang mag-aaral o indibidwal kailangan mong matutunang suriin kung ano ang mga dapat paniwalaan at hindi.
BUONG SIPI NG Noli Me Tangere Buong Kabanata 56: Ang mga Sabi-sabi