Noli Me Tangere: Kabanata 5 Tala sa Gabing Madilim

Talasalitaan

  • Kahambal-hambal – kasuklam-suklam
  • Nakakahambal – nakakaawa
  • Nakakalunos – nakapanghihinayang
  • Nimpa – diyosa
  • Pabiling-biling – palinga-linga

Pangunahing Tauhan sa Kabanata

  • Crisostomo Ibarra

Buod ng Kabanata

Nung araw ding iyon ay nagpunta si Ibarra sa Maynila at tumuloy sa Fonda de Lala at nag isip-isip tungkol sa sinapit ng kani yang ama.

Sa di kalayuan ay natatanaw nito ang nagliliwanag na tahanan ni Kapitan Tiyago na tila puno ng kasi yahan at dinig pa ang mga tugtugan ng orkestra at pag kalansing ng mga kubyertos sa mga pinggan.

Nung gabing iyon ay may kasiyahan muli sa bahay ni Kapitan Tiyago, dumating din ng gabing iyon ang anak ni Kapitan Tiyago na si Maria Clara. Na sinalubong naman ng mga bisita na kaniyang mga kaibigan, mga kababata, pati ng mga Kastila, Intsik mga pari, militar at mga malalapit na kaibigan ng kaniyang ama.

Siya ay nakasuot ng magarbong kasuotan na may palamuting mga alahas ng diyamante at ginto.

Madami ang nakatuon sa kaniyang kagandahan sa gabing iyon.

Mahilig sa magagandang dalaga si Padre Salvi kung kaya’t galak na galak siya nang makadaupang palad ang dilag ‘pagkat siya ay may lihim na pagtingin dito.

Si Padre Salvi ay di nakatulog kaagad ng gabing iyon sa kakaisip kay Maria Clara, habang si Ibarra naman gay nakatulog kaagad.

Sipi ng Buong Kabanata

Mensahe at Implikasyon ng Kabanata

  • Ang kabanata ay pinamagatang Tala sa Gabing Madilim ang sumisimbolo dito ay si Maria Clara.
  • Sa kabila ng kasiyang nagaganap sa bahay ni Kapitan Tiyago, si Ibarra ay nagluluksa pa rin sa pagkamatay ng kanyang ama. Lubos man ang kanyang kalungkutan dahil na rin sa pagod at mahabang biyahe siya’y mabilis na nakatulog at nakapaghinga.
  • Sa kasalukuyan, maging sa buhya ng kabataan ay may pagkakataon ding nagiging biktima sila ng kawalang katarungan sa lipunang kanilang ginagalawan o maging sa loob ng tahanan o paaralan.
  • Sa kabila ng mga pinagdaraanan sa buhay, laging mayroong isang bituin na sumisimbolo sa bagong pag- asa. Kahit may pagsubok na hinaharap, mayroon namang mga rason para maghanap ng kagandahan sa buhay.