Noli Me Tangere Kabanata 28: Sulatan

TALASALITAAN

  • pahayagan – publikasyon na naglalamán ng balita, tampok na kuwento, komentaryo, anunsiyo, at iba pa na inilalathala araw-araw 
  • litaw – tahas at bukás, taimtim, lalo na sa pakikitúngo sa ibang tao
  • hinandugan – bagay na ibinibigay nang walang kapalit bílang regalo o ambag 
  • ilustrado – matalino ; maraming nalalaman ; nakapag-aral.
  • bukang-bibig – sabi-sabi, balita
  • saliw – tunog ng instrumentong pangmusika na isinasabay sa pagkanta 
  • maringal – kataim-timan at kadakilaan ng isang okasyon

PANGUNAHING TAUHAN SA KABANATA 28

  • Maria Clara
  • Crisostomo Ibarra
  • Mga Mamamayan ng San Diego

BUOD NG KABANATA 28

Isang malaganap na pahayagan sa Maynila ang naglathala tungkol sa pista ng San Diego. Ganito ang pinakahalaw na balita sa pahayagan:

San Diego, 11 Nobyembre

Walang makatutulad sa karingalan ng pista ng San Diego, na pinamamahalaan ng mga paring Pransiskano. Nakaragdag pa ang pagdalo nina Padre Hernando de la Sibyla, ng mga mayayamang Kastilang naninirahan sa lalawigan, at ang mga kilala at litaw na mga kaginoohan sa Maynila.

Itinayo sa liwasan ng bayan ang isang malaking entablado, at nagpalabas ng dulang ginampanan ng mga Kastilang artista. Ang mga prayle at mga Kastilang nasa kumbento ay hinandugan ng Hermana Mayor ng isang masaganang hapunan.

Nang matapos ito, si Kapitan Tiago naman ang naghandog ng pagkain at pampalamig. Kabilang sa kanyang mga panauhin sina Padre Bernardo Salvi, Padre Damaso Verdolagas, Padre Sibyla, ang banal na kura sa Tanauan, at mga kilalang Kastila. Napakaringal ng handa. Sagana sa alak na kaugalian ng bantog na masalapi.

Nagkapalad din kaming humanga sa napakaganda at mayamang anak na may angking talino sa sining ng musika at mahusay sa pagtugtog ng piyano. Tinugtog niya ang musikang Aleman at Italyano.

Nakapanghihinayang ang dakilang binibini sapagkat hindi nalalaman ng lipunan ang angking talino niya sa pagtugtog.

Nagsipanood din ang mga Kastila at ilustrado ng dula at hinangaan nila ang mga bantog na artistang sina Ratia, Carvajal, at Fernandez, ngunit ang mga marunong lamang ng Kastila ang nakaunawa. Ang mga Indio lalo na ang Kapitan na hindi nakauunawa ng Kastila ay nasiyahan na lang sa komedyang Tagalog.

Kinabukasan, nang ika-11 ng umaga ay sinimulan ang prusisyon ng Birhen de la Paz. Iniligid sa simbahan ang prusisyon. Kasama rito ang karong pilak nina Sto. Domingo, San Diego, at Birhen de la Paz. Sinimulan ang misa cantada nang matapos ang prusisyon sa saliw ng orkestra at awit ng mga artista. Ang nagsermon ay si Padre Manuel Martin, isang Agustinong mahusay manalita.

Kapansin-pansin ang hindi pagdalo ng tanyag na binatang si G. Ibarra na alam ng lahat na mangunguna bukas sa pagbasbas sa unang batong bahay-paaralan na kanyang ipinatayo. Sa buong maghapo’y hindi namataan si G. Ibarra dahil daw may kaunting karamdaman. Bukang-bibig ng mga tao ang kanyang pangalan at may kasama pang papuri na tiyak na ipagmamalaki ng mga tunay na Kastila na hindi maaaring ipagkaila kahit na ang ating dugo ay maging magkahalo.

Dumating kinahapunan ang alkalde ng lalawigan. Naanyayahan siya upang maging panauhin sa paglalagay ng unang bato ng bahay-paaralan.

“Magkakaroon ng maringal na prusisyon sa gabi. Nakabibingi ang mga putok ng bomba. Antok na antok na ako.”

Si Luis Chiquito’y tumanggap ng sulat sa kanyang kaibigang si Martin Aristorenas. Inaanyayahan siyang makipamista sa San Diego upang makaharap ang mga batikang tahur. Kabilang dito sina Kapitan Tiago, Kapitan Joaquin, Kabesang Manuel, Padre Damaso, at ang Konsul.

Minamahal Kong Choy,

Parito ka agad. Masaya ang Hamakin mong sayad Kapitan Joaquin. Makaitlo siyang nadoblado Kapitan Tiago at lahat ay pinto kaya nanliit na lalo si Kabesang ang bahay. Sa Padre Damaso, ni minsan ay di pa tumatama, binasag sa isang suntok ang isang lampara. Naipatalo na ng Konsul sa sabong at pagbangka ang tinalo sa atin sa Binyang at sa Del Pilar sa Santa Cruz.

Hinihintay naming dalhin ni Kapitan Tiago ang kanyang magiging manugang na tagapagmana ni Don Rafael. Pero parang ugali ng ama. Di man nagpakita. Parang di pakikinabangan kailanman.

Ang Tsinong si Carlos ay nanalo nang malaki sa liam-po! Palagay ko’y may anting-anting. Palaging dumaraing masakit ang ulo kaya may tali. Pag ang bumbong ng liam-po ay bumabagal ng galaw, yumuyuko siyang halos madikit sa bumbong na inaaninaw nang maigi. Dalâ na ako. May alam akong ganito rin.

Paalam, Choy. Mabuti naman ang manok ko. Ang aking asawa ay nawiwili sa masayang paglilibang.

Ang iyong kaibigan, Martin Aristorenas

Crisostomo,

Ilang araw nang hindi tayo nagkikita. Ikaw raw ay may sakit, kaya ipinagdarasal kita at ipinagtulos ng dalawang kandila, kahit na sinabi ni Itay na hindi ka naman malubha. Kagabi, pinilit nila akong tumugtog at sumayaw kaya ako’y nayamot. May mga ganyan palang tao. Kung hindi lang ako kinuwentuhan ni Padre Damaso ay talagang iiwanan ko sila.

Ipaabot mo sa akin ang iyong kalagayan at ipadadalaw kita kay Itay. Ipaubaya mo na kay Andeng ang paglalaga ng iyong tsaa, mahusay siya kaysa iyong mga katulong.

Maria Clara

Pahabol:

Pag hindi ka pumarito bukas, hindi ako dadalo sa seremonya. Paalam.

ALAM MO BA?

  • Ang sulatan ay ang pangunahing paraan ng mga Pilipino noon upang makipag-ugnayan sa kanilang mga minamahal sa buhay. Ang pinakamatandang postal office sa buong mundo ay matatagpuan sa Hinsdale, New Hampshire na nagbukas noong 1861. Ang ibigsabihin ng ZIP sa ay Zone Improvement Plan ginagamit ang mga code na ito upang mahanap agad ng kartero ang lokasyon ng taong padadalhan ng sulat.

MENSAHE AT IMPLIKASYON NG KABANATA

  • Ilan sa mga nilalaman ng sulat ay naglalarawan na ang ilan sa mga pinuno ng simbahan at pamahalaan ay nagsusugal o gumagawa ng iba pang katulad na gawain. Sa kasalukuyan ay hindi pa rin naman mapasusubaliang buhay pa rin ang mga ganitong pangyayari.
  • Kung saan ilang opisyal na sa ating bansa ang nasangkot sa ganitong uri ng suliranin. Mga lider na dapat ehemplo ng kabutihan ay gumagawa ng mga bagay na hindi kaaya-aya.