Noli Me Tangere Kabanata 27: Takipsilim

TALASALITAAN

  • Relikya – naiwang alaala ng isang bagay mula sa nakaraan 
  • Inanyayahan – paghiling na pumunta sa isang pook, dumalo sa isang okasyon, o lumahok sa isang gawain 
  • Agnos – banal na anting-anting o relikya
  • Dinampot – pagkuha sa pamamagitan ng dulo ng mga daliri ng anumang nása sahig o ibabâ
  • Bakol – malaking basket na maluwang ang bibíg, masinsin ang pagkakalála, at may apat na sulok na puwit 

PANGUNAHING TAUHAN SA KABANATA

  • Crisostomo Ibarra
  • Maria Clara
  • Sisa
  • Lalaking Ketongin
  • Mga Kaibigan ni Maria Clara

BUOD NG KABANATA 27

Ang mga kahon ng pagkain, alak at iba pang inuming mula sa Europa ay ilang araw nang dumating sa bahay ni Kapitan Tiago. Kasama nitong dumating ang mga malalaking salamin, mga kuwadro at isang piyano para kay Maria Clara. May pasalubong din siyang relikaryong gintong may mga brilyante at esmeralda sa loob ng hiyas.

Kalugud-lugod ang pagkikita nina Ibarra at Kapitan Tiago. Dumating ang mga kaibigan ni Maria Clara. Inanyayahan siyang mamasyal at kaagad pinayagan naman ng ama. Inanyayahan ni Kapitan Tiago si Ibarra na doon na maghapunan, at tuloy magkaunawaan sila ni Padre Damaso, ngunit nagdahilan si Ibarra na may panauhin siyang darating.

Naawa si Maria Clara. Mabilis na lumapit at inihulog sa bakol ng ketongin ang agnos na kahahandog lamang sa kanya ng kanyang ama.

Kaibigan ni Maria Clara: Bakit mo ibinigay iyon?

Maria Clara: Wala akong maibigay na iba.

Kaibigan ni Maria Clara: Hindi niya magagamit iyon. Hindi tatanggapin ng kahit sino sapagkat siya’y pinangingilagan.

Lumapit ang ketongin sa bakol, kinuha ang agnos at hinagkan ito. Pagkatapos ay hinagkan naman ang mga bakas ng yapak ni Maria Clara. Nang mga oras na iyon ay lumapit si Sisa at tinanganan sa bisig ang ketongin.

Sisa: Tayo’y manalangin. Araw ng mga Patay ngayon. Nakikita mo ba yaong mga ilaw sa kampanaryo? Naroroon sina Basilio at Crispin ngunit di ko dinadalaw si Crispin dahil sa may sakit ang kura. Mawawala ang maraming onsang ginto.

Binitawan ni Sisa ang ketongin at umalis na umaawit.

Maria Clara: Ano ang nagawa mo ukol sa babaeng iyon?

Wala pa, ngunit nangako ang kurang tutulungan, ngunit pinag-iingat dahil tila kinalaman guwardiya sibil bagay ito.

Makaraan ang ilang sandali’y nakita nilang ang baliw ay kinaladkad ng guwardiya sibil. Mabilis na dinampot ng ketongin ang kanyang bakol at umalis. Nagyaya nang umuwi si Maria Clara dahil nawala na ang kanyang kasayahan.

ALAM MO BA?

  • Noon ang taong may ketong ay itinataboy, iniiwasan at itinuturing na salot dahil na rin sa taglay nitong sakit. Sa kasalukuyan dinadala sa Tala Leprosarium sa Caloocan o Culion Sanitarium sa Palawan ang mga may sakit na ketong. At dala na rin ng makabagong teknolohiya ay may paraan na upang gamutin ito.
  • Sa pamamagitan ng multi-drug-therapy ay hindi na ito nakakahawa maliban na lamang kung may sariwang sugat ang may sakit. Ang Culion sa ay nahahati sa dalawa ang leper at non-leper colony.

MENSAHE AT IMPLIKASYON KABANATA 27

  • Ilan sa mga pangyayari sa kabanata ay nagpapakita ng negatibong katangian ng ating mga lider sa pamahalann at maging sa mga lider ng simbahan. Ipinakita sa kabanata ang kanilang pagsusugal at mga luho.
  • Pinalutang din sa kabanata ang isyu tungkol sa karangyaan. Maingat niyang ipinakita ang iba’t ibang mukha ng karangyaan sa bayan ng San Diego habang may mga taong katulad ni Sisa at matandang ketongin na dahil sa kaapihan ay patuloy na naghihirap.