Noli Me Tangere Kabanata 13: Hudyat ng Unos

Talasalitaan:

  • Lulan – sakay
  • Dinaklot –  dinakma
  • Lawa – isang anyong tubig na pinalilibutan ng lupa
  • Puluhan – hawakan o tatangnan
  • Garing – gawa sa sungay ng elepante

Pangunahing tauhan ng kabanata:

  • Pilosopong Tasyo, Crisostomo Ibarra, Supultorero, Padre Salvi

Buod ng Kabanata

Dumating sa libingan si Ibarra na lulan ng isang karwahe. Pumasok siya libingan kasunod ang kanyang matandang alila. 

Matandang alila: Si Kapitan Tiago po’y nangakong siya raw ang magpapagawa ng nitso kaya’t nilagyan ko po ng krus at tinamnan ng mga bulaklak.

Mindi makita ng matanda ang krus kaya’t lumapit sila sa tagapaglibing.

Matandang alila: Masasabi po ba ninyo kung alin ang libing na may tandang krus sa dako roon?

Supultorero: Sinunog ko ang krus. Ito ang utos ng kurang malaki, si Padre Garrote.

Matandang alila: Nasaan ang patay?

Supultorero: Ilang buwan na pong ipinahukay sa akin ng kurang malaki. Ilipat ko raw po sa libingan ng mga Tsino. Umuulan noon at totoong mabigat kaya…

Biglang dinakot ni Crisostomo ang lalaki sa magkabilang bisig.

Crisostomo Ibarra: At ikaw ay sumunod?

Supultorero: Ginoo, huwag kayong magalit. Hindi ko inilibing ang patay sa libingan ng mga Tsino. Iniisip kong napakababa ang mapasama sa libingan ng mga Tsino kaya’t inihagis ko sa lawa.

Umalis na parang baliw si Ibarra sa libingan. Lumakad siya kasunod ang matanda. Mabilis ang kanyang lakad na palabas ng bayan. Nakita niya si Padre Salvi na nakasumbrero at may hawak na bastong may puluhang garing. Dinaluhong ni Ibarra ang pari at diniinan ng  may dalawang mabibigat na kamay ang balikat.

Crisostomo: Ano ang ginawa mo sa aking ama?

Padre Salvi: Wala! Hindi ako ang may sala. Ang gumawa nito ay si Padre Damaso. Siya ang pinalitan ko.

Biglang binitawan ni Ibarra ang paring napaluhod at umuwi na siya sa kanyang tahanan.

Alam mo ba?
  • Ang garrote ay isang salitang Espanyol na ang ibigsabihin ay paraan ng pagbitay sa pamamagitan ng pagsakal o pagdurog sa leeg.
  • Ang INRI (lēsus Nazarēnus, Rēx ludaeōrum) na nakalagay sa mga puntod ng mga pumanaw ay mula sa salitang Latin. Noon, ang wikang ito ang pinakaginagamit na wika lalo na sa Inglatera. Ngunit sa kasalukuyan konti na lamang nakapagsasalita o nakapagbabasa nito.
Mensahe at Implikasyon ng Kabanata 13
  • Ang pagkapiit, pagkamatay, at pagkawala ng labi ni Don Rafael ay ilan lamang sa mga hudyat ng unos sa buhay ni Crisostomo. Mga bagyong agad niyang hinarap sa kanyang pagdating sa Pilipinas pagkatapos ng pitong taong pamamalagi niya sa Europa.