“NANIRAHAN ang lolo ko sa Maynila noong animnapung taon na ang nakalipas. Namasukan siya bilang bookkeeper sa opisina ng isang mayamang negosyanteng kastila. Batang bata pa noon ang lolo ko ngunit may asawa na siya at may isang anak na lalaki.”
“Isang gabi ay nasunog ang bodega ng negosyante sa hindi malamang dahilan. Lumakas ang apoy at lumipat pa sa ibang lugar. Napakalaki ang napinsala. Kailangang may managot sa sunog na iyon, kaya’t pinagbintangan ng negosyante ang aking lolo. Sinabi ng lolo ko na wala siyang kinalaman ngunit hindi siya pinakiggan. Dukha siya at hindi nakakuha ng mahusay na abogado. Dahil dito ay kinondena siya at inilibot sa Maynila habang patuloy na nilalatigo. Ang kahiya-hiyang parusang ito na masahol pa sa kamatayan ay kailan lamang natigil. Ang aking lolong itinakwil ng lahat liban sa kanyang maybahay ipinahila ng kabayo at hinagupit ng latigo sa daan sa harap ng dati niyang mga kaibigan na malapit sa tahanan ng Diyos ng Pag-ibig.”
“Nang magsawa na ang malulupit na berdugo sa pagdanak ng kanyang dugo, sa nakakabinging mga sigaw at paghihirap ay kinalag siya sa pagkakatali sa kabayo pagkat nawalan na rin lamang siya ng malay-tao. Pinalaya siya. Ang kaniyang ginang na buntis noon ay dumulog sa bawat tahanan alang-alang sa may sakit niyang asawa at nagugutom na anak ngunit walang nagawang magbigay ng limos. Sino nga naman ang magtitiwala sa maybahay ng isang kondenadong manununog? Dahil dito ang babae ay naging isang puta!”
Naguluhan si Ibarra
“O…..huwag po kayong mabahala. Para sa kanyan at sa kanyang asawa, ang prostitusyon ay hindi na isang kasiraang-dangal. Wala nang halaga sa kastila ang karangalan at kahihiyan.”
“Gumaling ang mya sugat ng lalaki at nagatago sila ng kanyang maybahay at anak sa kabundukan ng lalawigang ito. Doon ipinanganak ng babae ang isang kulang sa buwan at may diperensyang sanggol na sa kabutihang palad ay namatay. Dito ay ilang mahahabang buwan silang nanirahan sa gitna ng paghihirap, umiwas sa namumuhing mga mamamayan. Nang hindi na matiis ng lolo ko ang mga kasawiang palad, sapagkat mas duwag siya kaysa sa kanyang maybahay ay nagbigti siya. Itinulak siya sa gayong desisyon nang hindi na niya matagalan ang paghihirap ng may sakit niyang ginang at ang labis na paghihikabos.”
“Naagnas at nabulok ang kanyang bangkay sa harap ng kanyan anak at ng kanyang may sakit na maybahay. Ang pangangamoy ng bangkay ay nakarating sa mga maykapangyarihan. Inusig ang aking lola dahil sa hindi pagbibigay-alam sa mga awtoridad. Nagharap ng mga sakdal laban sa kanya at siyang napatunayang may sala sa hindi pagpapalabas sa maykapangyarihan. Isinisi rin sa kanya ang pagkamatay ng lolo ko. Pinakawalan naman ang bintang sapagkat para sa kanila ang maybahay ng isang kondenado na naging isang puta ay may kakayahang gumawa ng krimen. Kapag nanumpa ang lola ko, lalo lamang niyag ididiin ang kanyang sarili at sinasabing nagsisinungalaning. Kapag umiyak siya, nagbubulaan. Pag binanggit niya ang pangalan ng Diyos, pinalilitaw na manlalait.”
“Gayon man, kinaawan din siya sapagkat buntis siya uli at hindi muna siya hinagupit hanggang sa makapanganak. Alam naman niyang pinalaganap ng mga pari ang paniniwalang dapat lamang pakitunguhan ang mga Indio sa pamamagitan ng latigo.” Basahin niyo ang sinabi ni Padre Gaspar de San Agustin tungkol doon.
“Sa ilalim ng hatol na ito, susumpain ng isang ina ang araw ng pagsilang mg kanyang anak……. na hindi lamang nagpapaluha sa kanyang paghihirap kundi nagbibigay-dahas lamang sa pagmamahal ng isang ina. Sa kasamaang- palad, nagsilang siya ng isang malusog na sanggol na lalaki. Pagkaraan ng dalawang buwan ay ipinatupad ang parusa sa babae sa gitna ng kasiyahan ng mga tao na akala ay nakatupad sila sa kanilang tungkulin. Tumakas at umalis sa kabundukan ang ginang na kasama ang dalawa niyang anak na lalaki. Lumipat sila sa karatig-lalawigan at doon ay namuhay silang tulad ng mga hayop. Namumuhi at kinamumuhian. Ang nakakatanda na kapatid sa magkapatid na nakagunita sa matamis na panahon ng kabataan sa kabila ng paghihirap, ay naging isang tulisan at lumakas. Di naglaon at kumalat sa lahat ng lalawigan ang bansag na Balat; ang kilabot ng mga bayan, isang lalaking sa udyok ng paghihiganti ay nanunog at pumatay. Ang nakakabata niyang kapatid na likas na may mabuting kalooban ay nanatili sa piling ng kanilang ina. Kung ano ang inihandog ng kagubatan ay kanilang kinabubuhay. Ang isinusuot nila’y mga basahang itinapon sa kanila ng mga manlalakbay. Nakalimutan na ang pangalan ng babae. Kilala lamang siya bilang puta at isang babae na nahatulang hagupitin ng latigo sa publiko. Nakilala lamang siya bilang ina ng kanyang anak sapagkat dahil sa kabaitan ng bata ay nagduda tuloy ang lahat kung anak nga siya ng isang manununog at dahil din sa ang moral ng mga Indio ay laging pinangdadahilan. Sa wakas ay nahulog ang bantog sa si Balat sa kamah ng batas at sa katarungang pantaong wala namang naiturong mabuti sa kanya kundi mahigpit pang hiningi ang pagdurusa niya sa kaniyang kasalanan. Isang araw ay hinanap ng nakakabatang kapatid ang kanyang ina na nagtungi sa bukid upang manguha ng kabute ngunit hindi na ito umuwi. Natagpuan niya ang kanyang inang nakahiga sa may linsangan, sa ilalim ng punong kapok. Nakatingala ito sa langit, luwa ang mga mata, nakabalot ang kamay sa duguang bangkay. Sinundan ng anak ang tinitignan ng mga mata ng kanyang patay na ina at nakita niyang nakabitin sa sanga ng isang kahoy ang isang basket na kinaroroonan ng pugot at tigmak sa dugo ang ulo ng nakakatandang kapatid.”
“Diyos ko!” Bulalas ni Ibarra
“Iyon ang sabi ng ama ko”, malamig na pagpapatuloy ni Elias. “Pinagpuputol ng mga tao ang tangkay ng tulisan. Ang katawan ay ibinaon, ngunit ang mga kamay at paa ay hiwalay-hiwalay na ibinitin sa iba’t-ibang bayan. Kung madaraan sa pagitan ng Calamba at Santo Tomas ay makikita pa ninyo ang punong lomboy na pinagbitinan at kinabubukan ng isang sa mga paa ng amain ko. Sinumpa iyon ng kalikasan at ang nasabing punongkahoy ay hindi na lumaki at hindi na rin namunga. Ganoon din ang ginawa sa iba pang kamay at paa niya, ngunit ang ulo, ang pinakamahalagang bahagi ng isang tao at at siyang pinakamadaling pagkakilanlan ay ibinitn sa malapt sa bahay ng kanyang ina”.
Napayuok ng ulo si Ibarra.
“Buong panghihilakbot na tumakbong palayo ang nakakabatang kapatid.” Patuloy ni Elias. “Nagpalipat-lipat siya sa iba’t-ibang bayan, sa mga bundok at kapatagan. At nang inaakalang wala nang makakakilala sa kanya ay namasukan sa bahay ng isang mayaman sa probinsiya ng Tayabas. Dahil sa kanyang sipag at kabutian ay napamahal siya sa lahat ng tao hindi nakakaalam ng kanyang kahapon.”
“Bunga ng pagiging dumog sa trabaho at katipiran ay nakaipon siya ng malaking halaga. At yamang nakalipas na ang malungkot na kahapon at bata pa naman siya kaya’t nangarap siya ng kaligayahan. Makisig siya, bata at may naimpok kaya’t madali niya napaibig ang isang dalaga noon. Gayon man ay hindi niya mapangahasang hingin ang kamay nito para pakasalan sa takot na baka matuklasan ang kanyang nakaraan. Ngunit higit na makapangyarihan ang pag-ibig. Nakalimot sila sa sarili. At upang maibangon ang kapurihan ng dalaga ay hinamak niya ang panganib at lakas-loob na hiningibang kamay nito. Nabunyag ang kanyang kahapon nang halungkatin ang kinakailangan mga kasulatan. Mayaman ang ama ng dalaga. Nagtagumpay ito na makagawa ng paratang sa binata. Isinakdal niyo ito at hindi man lamang pinagtanggol ng binata ang kanyang sarili. Inamin niya ang lahat hanggang sa siya ay makulong.”
“Nagsilang ng kambal na babae’t lalaki ang dalaga. Nagsilaki na ang paniwala ay patay na ang kanilang ama. Bata pa sila nang namatay ang kanilang ina at hindi na nagsiyasat pa kung sinong talaga ang ama nila. At sapagkat mayaman ang aming lolo kaya’t maligaya ang ang aming kabataan. Sabay kaming nagaral ng kapatid kong babae. Nagmahalan kami ng kakambal ko bilang ulirang magkapatid. Pumasok ako sa paaralan ng mga Heswita. Ang kapatid kong babae ay ipinasok naman sa La Concordia upang hindi kami ganoong magkalayo. Sandali lamang halos kaming nag-aral. Ang nais lamang naming magkapatid ay maging magsasaka kaya’t umuwi kami upang pamahalaan ang lupain ng aming lolo. Maligaya kami. May ngiti ang aming kinabukasan. Marami kaming utusan. Sagana ang ani ng aming bukid. At ang kapatid kong babae ay umibig at handang magpakasal sa isang naibigang binata.”
“Dahil sa ilang usapin sa pananalapi at gawa rin ng aking pagmamataas ay nagalit sa akin ang isa naming malayong kamag-anak. Isang araw ay ibinunyag niya ang pagiging iho de bastardo ko gayon din ang pagiging kriminal ng aking angkan. Akala ko’y sinisraan lamang ako. Humihingi ako ng paliwanag hanngang sa matuklasan ang karumal-dumal na kahapon ng aking angkan. Ang lalong masakit, may usapan kaming matandang lalaking nagtitiis ng pagmamalupit ko ngunit hindi niya kami iniwan. Lumuluha na lamang siya’t nagbubuntong-hininga sa gitna ng pangungutya ng kapwa niya utusan. Hindi ko alam kung paano natuklasan ng napagalit kong kamag-anak, pero naipatawag at naimbestiga sa hukuman ang matandang lalaking ito.”
“Ang matandang yaon ay siya ko palang ama. Nagtiis na mamasukang utusan mapalapit lamang sa kanyang mga anak. At madalas ko pa naman siyang saktan! Gumuhi ang kaligayahan namin. Itinakwil ko ang aming kayamanan. Hindi natuloy ang kasal ng kapatid kong babae. At kasama ng aming ama, kaming magkakambal ay lumayas. Bunga ng labis ng sama ng loob dahil sa inaakala niyang paghahatid ng kasawiang-palad sa aming magkapatid ay nagkasakit ang matanda. Ipinagtapat niya bago namatay ang napakasaklap naming kahapon. Naulila kaming magkapatid.”
“Labis na lumuha ang kapatid kong babae. Sa kabila ng patong-patong na kalungkutan at kasawiang-palad na dumating sa buhay namin ay hindi pa rin niya malimot ang lalaking kaniyang minamahal. Sinarili niya ang kapighatian nang magpakasal sa ibang babae ang kanyang kasintahan. Nahulog nang nahulog ang kanyang kalusugan sa bawat araw na nagdaan. Wala naman akong nagawa upang maaliw siya.”
“Isang araw ay bigla na lamang siyang nawala. Hinanaap ko na siya kung saan-saan ay hindi ko pa rin matagpuan. Nagtanong-tanong ako. Ngunit pagkaraan lamang ng anim na buwan mula noon, pagkaraan ng isang malaking baha, tsaka ko nalaman na may isang bangkay ng babaing natagpuan sa dalampasigan ng Calamba. Nalunod o pinatay. May nagsasabing isang patalim ang nakabaon sa kanyang katawan. Pinatalastasan ng mga maykapangyarihan ang bayan tungkol sa pagkakatagpong ito sa bangkay. Ngunit wala isa mang kumuha rito. Wala raw nawawalang babae. Ngunit sa paglalarawan sa kanyang kaanyuan, sa kangang suot, sa kanyang mga alahas, sa kanyang malaging buhok, at sa kanyang magandang mukha ay nakilala kong siya nga ang kapatid ko.”
“Mula noon ay nagpalipat-lipat ako sa mga lalawigan. Maraming nakakaalam sa pangalan at kasaysayan ko. Sinasabi nilang marami akong nalalamang gawin at kung minsan ay hindi na totoo. Ngunit hindi ko papansin ang mga tao. Nagsasarili ako ng lakad. Sa madaling sabi ay iyan ang kasaysayan ng buhay ko at kasaysayan ng isa sa mga katrungan ng lipunan.”
Tumigil sa pagsasalaysay si Elias at saka sumagwan.
“Nagsimula na akong maniwala na hindi ka nagkamali nang sabihin mong dapat gantimpalaan ng batas ang mabubuti at repormahin ang kriminal.” Usal ni Crisostomo. “Ang hirap lamang ay imposible ang gayong Utopia. Saan manggagaling ang gayong karaming salapi at mga pinuno?”
“Kung gayon ay ano ang halaga ng mga paring nagpapanggal na ang misyon nila ay kapayapaan at pag-ibig? Higit bang mabuti ang magbuhos ng tubig sa ulo ng sanggol at magpakain ng asin sa pagbibiyag kaysa gisingin sa nadirimlang konsiyensya ng kriminal ang nagtatagong kislap na kaloob ng Diyos sa bawat tao upang mapatnubay siya sa landas ng kabuguhan? Mas makatao pa bang ihatid sa bibitayin ang isang nilikha kaysa akayin siyang manalunton sa tuwid na landas? Hindi ba ginugugulan ng salapi ang mga espiya, ang berdugo, at mga sundalo? Hindi lamang nagpapasama ang mga ito kundi magugugol pa!”
“Kaibigan gustuhin man nating gawin iyan ay kapwa tayo hindi magtatagumpay”
“Totoong kung tayo lamang ay hindi nga. Ngunit taglayin natin ang karaingan ng mamamayan. Sumanib tayo sa kanila. Huwag tayong magbingi-bingihan sa daing nila. Bigyan ninyo ng halimbawa ang iba. Bigyan ninyo kami ng ideya sa kahalagahan ng pagkakaroon ng isang bayan.”
“Imposible ang hinihingi ng mamamayan. Kailangang maghintay.”
“Maghintay? Ang maghintay ay pagdurusa.”
“Kung ako ang hihingi ng mga repormang ito ay pagtatawanan lamang ako.”
“Kung nasa likod ninyo ang mamamayan.”
“Hindi! Kailanman ay hindi ko pangugunahan ang pangkat ng mga taong ibig kunim sa dahas ang mga bagayna ipinalalagay ng gobyernon na hindi pa napapanahon. Kapag nakita ko na ang sandatahan ang mararahas na ito, papanig pa ako sa gobyerno at sasagupain sila sapagkat hindi ko kikilalanin ang aking bansa na may mga gayong uri ng mamamayan. Ang hangad ko ay kabutihan ng aking bayan, kaya naman itinatayo ko ang paaralan. Hinahangad ko ito sa pamamagitan ng edukasyon….ng pagunald. Hindi natin makikita ang ating landas kung walang tanglaw ng karunungan.”
“Hindi matatamo ang kalayaan nang walang pakikipaglaban!” Agaw ni Elias.
“Ngunit ayoko ng ganyong kalayaan”
“Kung walang kalayaan ay walang liwanag,” ganting tungon ng bangkero.
“Ang sabi ninyo ay kakaunti ang nalalaman ninyo tungkol sa inyong bayan. Naniniwala ako roon. Hindi niyo nakikita ang inihandang pakikibaka, ni ang ang mga ulao sa langit. Ang pagbabalikwas ay nagsimula sa larangan ng kaisipan ngunit magwawakas sa duguang arena ng sagupaan. Naririnig ko ang tinig ng Diyos. Kahabag-habag ang mga tatalikod sa kanya. Hindi sinulat ang kasaysayan para sa kanila.”
Ibang-iba ang anyo ni Elias. Tumayo siya sa bangka. At ang mabalasik niyang mukha, walang takip at natatanglawan ng sinag ng buwan, ay may hindi pangkaraniwang tigas. Ipinilig niya ang mahahabanv buhok at nagpatuloy.
“Hindi pa ba ninyo nakikita kung paano nagising ang lahat? Daan-daang taong nakatulog ang mamamayan. Ngunit isang araw ay namilantik ang kidlat….at kahit napatay ninyo sa Burgos, Gomez, Zamora ay binuhay naman ang ating bansa. Mula noon, may mga bagong pagnanasang nagsisupling sa aming mga isipan. At ang mga pagnanasang ito sa nakakalat na ngayon ay mabubuklod pagdating ng araw sa ilalim ng pamamatnubay ng Diyos. Hindi pinabayaan ng Diyos ang mga mamamayan ng ibang bansa. Hindi rin niya papabayaan ang ating mamamayan. Ang ipinakikipaglaban nila at simulain para sa kalayaan.”
Namagitan ang banal na katahimikan. Samantala, ang bangka na inaanod ng agos ay napalapit sa pampang. Si Elias ang unang bumasag sa katahimikan.
“Ano po ang sasabihin ko sa mga nagsugo sa akin?” Tanong niya sa ibang himig.
“Sinabi ko na …… Labis kong dinaramdam ang kanilang kalagayan…..ngunit kailagan nilang maghintay, sapagkat ang kamalian ay hindi maiituwid ng panibagong kamalian, at sa ating mga kasawiang-palad ay pare-pareho tayong dapat sisihin.”
Hindi tumugon si Elias. Nagyuko siya ng uli, nagpatuloy sa pagsagwan, at nang sumapit sa pampang ay nagpaalam kay Ibarra.
“Salamat po ginoo, sa pakikitungo ninyo sa akin. Para sa inyong kabutihan. Hinhiling kong kalimutan na ninyo ako ako mula ngayon at ni huwag ninyong babatiin kahit saan tayo magkita.”
Pagkasabi nito ay lumisan na siya. Sumagwang papalayo. Habang naglalayag ang bangka ay wala siyang imik. Parang wala siyang nakikita liban sa tila mga butil ng brilyanteng tubig na likha sa kankyan pagsagwan. Tumaas-bumabang nga butil ng tubig na muling nagbabalik at mahimalang nawawala sa pisngi ng mangasul-ngasul na alon.
Sinipat niya ang patutunguhan. Isang lalaki sa kadawagan ang sumulpot at lumapit.
“Ano ang sasabihin ko aa komander? Tanong niti kay Elias.”
“Sabihin mong papanindigan ni Elias ang kanyang salit.” Malungkiy na tugon ni Elias. “Kung hindi pa siya mamatay agad”
“Kailan kayo sasanib sa amin kung gayon?”
“Kung kailan inaakala ng komander ninyo na dumating na ang panahon ng panganib.”
“Sasabihin ko. Paalam!”