Nagkakainan ang mga dakilang tao ng probinsiya sa isa sa mga nahihiyasang pabilyon. Nasa isang dulo ng mesa ang gobernador. Nasa kabilang dulo naman si Ibarra. Nasa gawing kanan niya si Maria Clara at nasa gawing kaliwa naman ang notary. Si Kapitan Tiyago, ang komandante, ang alkalde, at ang mga pari, mga kawani at ilang dalaga ay nangakaupo nang hindi ayon sa kanilang mga katayuan o tungkulin, kundi dahil sa napili nilang lugar.
Masaya at masigla ang pagtitipon. Nang nangangahalati na ang kainan ay isang mensahero ang dumating na may dalang telegram para kay Kapitan Tiago. Nagpaalam ang matanda upang basahin ang telegrama. Napasimangot siya. Napataas ang kilay at nag-iba ang kulay nang mabasa ang nilalaman. Nagmamadali siya itong itiklop.
“Mga ginoo”, wika niya. “Ang Kanyang Kamahalan, ang Gobernador Heneral, ay darating at sa aking bahay siya tutuloy ngayong hapon”.
Pagkasabi niyon ay nagmamadaling umalis na tangay ang serbilyeta at telegram ngunit hindi nakapagsumbrero. Nagtatakang nagtanong ang marami. Kung ang sinabi lamang sa telegrama na may darating na isang pangkat ng mga tulisan ay hindi sana gayon ang nagging reaksiyon ng lahat.
“Kailan siya darating?”
“Sagutin mo naman kami!”
“Ang Kanyang Kamahalan!”
Malayo na si Kapitan Tiago at hindi na sila maririnig.
“Siyanga? Darating ang Kanyang Kamahalan… at sa bahay ni Kapitan Tiago tutuloy!” may pagtutol na wika ng isa na hindi na inisip na naroroon ang anak na dalaga nito at ang mamanugangin.
“Wala na siyang mapipiling mas mabuti”, sagot naman ng binate.
Nagtinginan ang mga pari namalinaw ang ibig sabihin. Isa na naman itong palabras ng gobernador-heneral. Isang insulto sa atin. Dapat ay nasa kumbento siya tumuloy. Ngunit dahil sa pare-pareho sila ng iniisip kaya’t walang nangahas na bigkasin ito ng malakas.
“Sinabi niya iyon sa akin kahapon. Pero hindi pa yari ang pasiya ng Kanyang Kamahalan”, wika naman ng gobernador.
“Alam ba inyo, Ginoong Gobernador”, tanong ng komadante, “kung hanggang kalian titigil dito ang gobernador-heneral?”
“Hindi ako nakatitiyak. Mahilig kasi sa sorpresa ang Kanyang Kamahalan”.
“May dumating pang ilang telegrama!”
Ang mga telegramang iyon ay para sa gobernador, sa alkalde, at sa komandante. Magkakatulad ang pahayag. Ukol sa pagdalaw. Pinuna ng mga pari kung bakit walang ipinadala sa kura paroko.
“Ngayong alas-kuwatro pa ng hapon ang dating ng Kanyang Kamahalan, mga ginoo”, wika ng gobernador. “May panahon pa para ipagpatuloy natin ang pagkain”.
Mas masining ang pagkakabigkas noon kaysa sa ginawang pagpapahayag ng sawimpalad na hari ng Sparta, si Leonidas, sa Thermopylae: Ngayong gabi ay kasalo natin si Kamatayan!”
Nabalik sa dating sigla ang usapan.
“Napansin kong hindi natin kasalo ang batikang tagapagsermon”, nakikiming wika ng isang empleyado. Isa siyang tahimik na taong kaya lamang makapagbubuka ng bibig ay kung may isusubong pagkain at buong umaga halos na hindi nagsasalita.
Ang ibang nakaaalam ng tungkol sa Amani Crisostomo ay napakindat, na parang ang ibig sabihin ay: “Naku, ha! Nakapagsalita rin!” Ngunit ang titigay naging mapagbigay.
“Pagod siguro!” wika ng tenyente. “Nasagad sa haba ng sermon!”
“Napakahusay! Napakagandang sermon!” agaw naman ng notary.
“Kahanga-hanga! Makinis!” dagdag pa ng reporter.
“Para makapagsermon ng ganoon ay kailangang magtaglay ka ng mga baga na tulad ng baga niya”, dugtong naman ni Padre Martin.
Walang sinag-ayunan ang Agustino sa mga sinabing iyon tungkol sa kanyang karibal kundiang isang pares na baga.
“At ang kakayahan sa pagpapahayag!” ani Padre Salvi.
“Alam ba ninyo”, paibang wika naman ng gobernador para maputol na ang usapan tungkol doon. “Naniniwala akong ang kusinero ni Ginoong Ibarra ang pinakamahusay sa buong probinsya”.
“Iyon din sana ang sasabihin ko”, salo ng isang empleyado. “Pero ang magandang binibining katabini Ginoong Ibarra ay bahagya nang nakakain”.
Namula si Maria Clara.
“Napakabuti ninyo, ginoo”, pakiming tugon ng dalaga. “Ngunit…”
“Ngunit ang pagdalo rito ni Binibining Maria Clara ay sapat na”, pagdudugtong ng gobernador sa sasabihin ng dalaga. Binalingan ng gobernador si Padre Salvi, at saka malakas na winika:”
“Napansin ko, Reberensiya, na tahimik kayo at parang maghapong abala sa pag-iisip”.
“Maraming napapansin ang gobernador”, makahulugang sagot ni Padre Sibyla.
“Naging ugali ko na”, wika ng Pransiskano. “Mas gusto ko pang making kaysa magsalita”.
“Siguristang talaga ang Reberensiya”, biro ng tinyente.
Ngunit hindi itinuring ni Padre Salvi na biro iyon. Matalim ang kanyang tingin nang tumugon.
“Alam na alam ng tenyente na kung mayroon mang mananalo o matatalosa mga araw na ito tiyak na hindi ako!”
Tinangkang ipagwalang-bahala ng komandante ang tugon ng pari sa pamamagitan ng isang pilit na ngiti, at tinangkang huwag itong iugnay sa kinunsinting sugalan noong pistang-bayan.
“Mga ginoo”, salo ng gobernador na biglang namagitan. “Hindi komaubos-maisip kung bakit panalo at pagkatalo ang pinag-uusapan natin ditto. Ano na ang masasabi sa atin ng mabuti at mabait na dalagang itong nagbigay ng karangalan sa atin sa kanyang pagdalo? Para sa akin, isang babae ay tulad ng alpang Aeolian sa hatinggabi… na dapat uliniging mabuti upang ang himig ay mag-angat sa ating kaluluwa sa walang hanggang kaligayahan at pangarapin…”
“Makata pala ang kanyang kamahalan!” natatawang wika ng notary at sabay nilang tinungga ang laman ng kopitang hawak.
“Hindi ko maiiwasan”, tugon ng gobernador na pinapahid pa ang labi. “Kung hindi man magnanakaw ay ginagawang makata ng pagkakataon ang isang nilikha. Noong kabataan ko ay sumusulat ako ng tula… at hindi basta tula”.
“At ipinagpalit ng Kanyang Kamahalan ang kanyang musa sa Batas”, tudyo naman ng notaryo.
“Ano ang magagawa ko? Lagi kong pangarap na pagsabaying gawin ang lahat. Kahapon ay namumupol ako ng bulaklak habang umaawit. Ngayon ay hawak ko ang timbangan ng katarungan at naglilingkod sa sangkatauhan; bukas ay…”
“Bukas”, ani Padre Sibyla, “ay ihahagis moa ng timbangan sa apoy upang painitin ang taglamig ng iyong buhay, at itago ang porpolyo ng pagka-ministro sa loob ng kabinet”.
“Este… oo… hindi… ang totoo ay hindi ko pangarap na maging miyembro ng gabinete… kundi isang bahay- bakasyunan sa hilaga ng Espanya, isang bahay sa Madrid… at ilang lupain sa Andalucia para sa taglamig. Doon ay gugunitain naming ang minamahal na Pilipinas. Hindi masasabi ni Voltaire na namuhay kami sa piling ng mga taong ito upang magpayaman lamang at hamakin sila”.
Sinipi ng gobernador ang pahayag ni Voltaire sa French, at nagtawanan ang mga empleyado, sa pag-aakalang nagbibiro siya. Nagsunuran din sa pagtawa ang mga prayle sapagkat hindi nila alam na ang Voltaire na sinipi ng gobernador ay siya ring Voltaire na madalas nilang sumpain at kondenahin sa impiyerno. Pero alam ni Padre Sibyla kaya sumimangot siya.
Sa ibang pabilyon nagkakainan ang mga bata sa pangangasiwa ng guro. Ang mga batang Pilipino noon ay mahiyain at hindi maingay sa mesa kung may kaharap na ibang tao. Gayon man ay bahagya rin silang nagkakatuwaan. Kung ano ang gagamitin sa pagkain nito o noon ay madalas na pinupuna at itinuwid kaya’t madalas humantong sa pagtatalo. May nagsasabing kutsara at iginigiit naman ng iba na tinidor. May nagsasabi ring kutsilyo ang dapat gamitin.
Nagkalabitan at nagkindatan ang mga magulang sa nakitang pagkakasayahan ng kanilang mga anak.
Isang babaeng tagabukid ang nagbayo ng hitso. “sa gusto’t sa ayaw ng asawa ko”, aniya, “ang anak kong si Andoy ay magpapari. E, ano kung wala kaming pera? Magtatrabaho kami. Kung kailangan ay mamalimos.Lagi namang may mabubuting taong handang maglimos ng para makapagpari lamang ang mga dukhang bata. Sabi nga ni Kapatid na Mateo… at alam naman ninyong hindi siya marunong magsinungaling… na pastol lamang ng kalabaw sa Batangas si Papa Sixto. O, tingnan ninyo si Andoy ko. Hindi ba kamukha ni San Vicente?”
Napanganga ang matandang babae nang makitang dalawang kamy ng kanyang anak ang may hawak sa tinidor.
“Kasihan nawa tayo ng Diyos”, wika naman ng isang ngumunguyang matandang lalaki. “Kung magiging Papa si Andoy ay makakapunta tayong lahat sa Roma! He-he-he! Malalakas pa naman ang dalawang paa ko… kung aabutin ko pa ang panahong iyon. He-he-he!”
“Huwag kayong mag-alala, Lolo… hindi malilimot ni Andoy na kayo ang nagturo sa kanyang lumala ng basket!”
“Tama ka, Petra! Ako man ay naniniwala ring may ibubuga ang anak mong iyan. Pwedeng maging katulong na obispo. Wala pa ‘kong nakitang bata na ganyan kadaling matuto. Kung Papa na siya o Obispo, maaalala niya ‘ko pag naglilibang siya at iginagawa ng basket ang kanyang kusinera. Ipagpapamisa pa niya ang kaluluwa ko. He-he-he!”
Nagsubo uli ng hitso ang matandang lalaki.
“Kung pakikinggan ng Diyos ang dalangin ko, at kung magkakatotoo ang pangarap ko, sasabihin ko kay Andoy yang ganito: ‘Anak, alisin mong lahat ang kasalanan naming at ipadala mo kaming deretso sa langit’. Sa gayon ay hindi natin kailangang magdasal pa o mag-ayuno o bumili ng indulhensya. Aba, pwede ka nang magkasala nang magkasala kung may anak kang Papa!”
“Ang mabuti, Petra”, wika ng matandang lalaki, “papuntahin mo siya sa bahay bukaspara maturuan kong lumala ng magandang sisidlan ng tabako!”
“Ano sa palagay nyo Lolo… Kailangan pa bang magtrabaho ang kamay ng Papa? Kung ang pari… gayong isang pari lamang… ay walang ginagawa kundi magmisa lamang, magluluhod, at magtatalikod. At ang arsobispo ay nakapagmimisa kahit nakaupo. Sa makatuwid, ang Papa ay makapagmimisa kahit nakahiga sa kama at nagpapaypay. Ano sa palagay ninyo?”
“Walang mawawala sa kanya, Petra, kahit matuto man siyang lumala ng sombrero at pitaka. Maipagbibili niya ito at hindi na kailangan pang mamalimos na tulad ng ginagawa ng kura paroko rito taon-taon na ang sinasangkalan ay ang pangalan ng Papa. Nadudurog ang puso ko tuwing makakikita ako ng napadukhang santo. Ibinibigay ko sa kanya ang lahat kong naimpok”.
Isa naming magbubukid ang nagsalita:
“Tapos na ang usapan. Ang inaanak mo naman ay magdodoktor! Walang makakapantay ang toktor!”
“Doktor?” bulalas ni Petra. “Mas mabuti ang pari!”
“Pari? Kaululan! Malakas kumita ang doctor… at sinasanto ng kanyang mga pasyente ang doktor!”
“Utang na loob! Ang pari ay walang ginagawa kundi magtatalikod nang tatlo o apat na beses lamang, bibigkas ng deminos pabiscum, kinakain niya ang Diyos, at binabayaran siya dahil doon. Lahat tayo, pati mga babae, ay nagtatapat ng ating mga lihim sa kanya!”
“At ang doctor? Ano naman ang palagay mo sa doktor? Nakikita ng doctor ang lahat ng bahagi ng katawan ng babae. Nahihipo niya ang kamay ng mga dalaga. Gusto kong maging doctor… kahit sanlinggo lang!”
“At ang pari naman? Hindi ba nakikita rin ng pari ang lahat ng nakikita ng doctor? At higit pa roon! Hindi ba may kasabihang ang matatabang manok at magagandang babae ay para sa pari?”
“E, ano? Sa palagay mo ba’y nag-uulam ng tuyo ang doctor? Nagdidildil ba siya ng asin?”
“Sa palagay mo naman kaya ay narurumihan ang kamay ng pari na tulad ng mga doctor? Para ano pa at nagkaroon ang pari ng malalaking asyenda? Kung magtatrabaho ang pari ay may kasabay pang musika, sa tulong ng mga sakristan!”
“At ang pagkumpisal niya sa mga tao? Huwag mong sabihing hindi trabaho iyon”.
“Trabahong ano? Mahirap na bang making sa lihim ng lahat? Samantalang tayo ay nagpapakahirap para malaman lamang natin kung ano ang ginagawa ng ating kapitbahay, ang pari naman ay basta uuposa kumpisalan at makikinig na lamang sa sasabihin ng nangungumpisal. Pwede rin siyang umidlip sandali. Pagkatapos ay bebendisyunan tayo nang dalawa o tatlong bese… at anak na naman tayo ng Diyos. Ipagpapalit ko ang lahat maging pari lamang kahit isang hapon kung Mahal na Araw!”
“Paano naman ang pagsesermon? Huwag mong sabihinf hindi iyo trabaho. Tignan mo na lang ang pawis kaninang umaga ng malaking pari!” tutol ng lalaki na nahalatang nagigipit siya sa pagtatalo.
“Sermon? Sermon… trabaho? Nasaan ba naman ang utak mo? Kalahating araw na nagsasalita sa pulpit. Inaatake at pinagagalitan ang lahat na wala naming mangahas sumagot. Pagkatapos ay babayaranpa dahil doon! Sana ay maging pari ako kahit isang umaga habang nakikinig ng misa ang lahat ng may utang sa akin! Tingnan ninyo si Padre Damaso. Tumaba pa pagkatapos pagalitan at manghambalos ng tao”.
Dumating si Padre Damaso, bahagyang nakangiti ngunit nang makita si Ibarra ay nakalimutan ang sasabihin.
Binati ng lahat ang pari maliban kay Ibarra. Nanghihimagas na sila at may champagne ang kanilang mga kopita.
Napawi ang ngiti ni Padre Damaso nang makitang nakaupo sa tabi ni Ibarra si Maria Clara. Naupo siya sa tabi ng gobernador. Tahimik ang lahat.
“Huwag ninyong isipang makaaabala ako sa inyong pag-uusap, mga ginoo”, anang pari.
“Magtatagayan kami”, wika ng gobernador. “Binanggit ni Ginoong Ibarra ang mga nakatulong sa kanyang proyekto at may sinasabi siya tungkol sa arkitekto nang kayo’y dumating, Reberensiya!”
“Wala akong nalalaman sa arkitektura”, agaw ni Padre Damaso. “Pero pinagtatawanan ko ang mga arkitekyo at ang mga ulol na kumukuha sa kanila. Tingnan ninyo… Ako mismo ang gumuhit ng plano ng simbahan at mahusay itong naitayo. Ayon sa isang Ingles na mag-aalahas ay perpekto raw iyon. Konting utak lamang ang kailangan para makaguhit ng plano!”
“Gayon man”, tutol ng gobernador nang makitang hindi kumikibo si Ibarra. “Kung tungkol sa ilang gusali, halimbawa’y paaralan, ay kailangan ang karunungan ng…”
“Karunungan! Kamangmangan!” ingos ni Padre Damaso. “Tanging isang bobo lamang ang nangangailangan ng kaalaman! Kailangan lamang ang isang medyo matino-tinong barbaro kaysa sa mga Indiong nagtatayo ng kanilang bahay. Lagyan lang ng apat na dingding at patungan ng bubong… paaralan na!”
Napatingin ang lahat kay Ibarra na bagama’t bahagyang namutla ay nagpatuloy ng pakikipag-usap kay Maria Clara.
“Pero dapat ding isaalang-alang ng reberensiya ang…”
“Tignan ninyo”, putol ng Pransiskano sa pangungusap ng gobernador. “Isanating kasama, pinakabobong kasama, ang nagpatayo ng ospital, maganda na’y mura pa. Alam niya kung paano ang gagawin at ni hindi siya nagbayad ng higit sa walong kuwalta isang araw. Alam ng bobong iyon kung paano pahihitunguhan ang mga Indio… hindi tulad ng ilang nagdudunung-dunungan at segunda klaseng mestisong nagbabayad ng tatlo o apat na soberanya”.
“Ano’ng sabi n’yo, Reberensiya? Binayaran lamang ng walong kuwalta? Imposible!” Sinisikap ng gobernador na maiba ang usapan.
“Tama! At iyan ay halimbawa para sa lahat ng nagyayabang na mabubuti silang Kastila. Maliwanag… mula nang mabuksan ang Suez Canal ay naging corrupt na tayo.
Dati-rati… nang lumiligid pa tayo sa Cape, bihira ang naliligaw na mga kaluluwa rito, kahit ang nangingibang-bansa ay hindi nagiging makasalanan!”
“Ngunit, Padre Damaso!”
“Alam na naman ninyo ang hilig ng mga Indio. Bayaan mong matuto ng konting letra sa alpabeto at sasabihin nang doctor sila. Ang mga ulol na itong nagpunta ng Europa ay hindi man lang natutong magpahid ng kanilang sipon!”
“Pero making kayo, Reberensiya!” putol ng gobernador na hindi mapalagay na masasakit na puringgit ng pari.
“Hahantong sila sa dapat nilang kahantungan!” wika pa ni Padre Damaso. “Nakaaamba ang kamay ng Diyos. Bulag na lamang ang hindi makakita noon. Maging ditto sa lupa, ang mga ama ng mga ulupong na iyan ay napaparusahan na: mamatay sila sa kulungan! He-he-he! At sabi nga ay ni wala man lamang…”
Subalit hindi na natapos ng pari ang sinasabi. Ang nagpupuyos at patingin-tinging si Ibarra’y biglang tumayo nang marinig ang pasaring sa kanyang ama. Nilundag si Padre Damaso at binayo sa ulo. Bumagsak ang pari.
Lahat ay nabigla’t natakot, walang nangahas na mamagitan.
“Huwag kayong lalapit!” sigaw ng galit na galit na binata. Binunot niya ang isang punyal habang tapak sa lee gang pari na nagkakamalay na. “Huwag kayong lalapit kung ayaw ninyong masaktan!”
Halos baliw na sa poot si Ibarra. Kumakaykay ang kanyang katawan at nanlilisik ang mga mata. Nagsikap tumayo si Padre Damaso ngunit nasunggaban siya sa leeg ni Ibarra at malakas na niyugyog. Napaluhod sa lupa ang pari.
“Ginoong Ibarra! Ginoong Ibarra!” nakikiusap na tawag ng ilan sa naroroon.
Ngunit wala isa man, kahit ang komandante, na nagtangkang lumapit nang Makita ang kumikislap na patalim gayon din ang pambihirang lakas at labis na poot ng binate. Parang itinulos sa pagkakatayo ang lahat.
“Manatili kayo riyan! Kayong lahat! Lagi na lamang tikom ang inyong bibig sa nakaraan. Ngayon ay pagkakataon kong magsalita! Iniwasan ko siya. Diyos ang naglapit sa kanya sa akin. Bayaan nating ang Diyos ang humatol”.
Humihingal si Ibarra ngunit hawak pa rin niya nang mahigpit ang Pransiskano na bigo sa pagsisikap na makakawala. Parang bukal ang kamao ng binata.
“Mahinahon ang aking puso. Matatag ang aking kamay”, aniya, at nilinga ang lahat. “Mayroon bas a inyong hindi nagmamahal sa kanyang ama? Mayroon bang namumuhi sa kanyang alaala? Isang isinilang sa kahihiyan at paghamak. Nakita mon a! Naririnig mo ba ang katahimikan? Isang alagad ng Diyosng kapayapaan, na ang bibig ay puno ng kabanalan at pananampalataya, ngunit ang puso ay umaapaw sa kaimbihan! Maaaring wala kang nakikilalang ama kaya’t hindi mo man lang nagunita ang sarili mong ama! Nakita mo na! Sa mga hinahamak mo rito ay wala kang kasing-aba. Isa kang kondenado!”
Bahagyang lumapit ang mga nakapaligid sa dalawa sap ag-aakalang papatayin ni Ibarra si Padre Damaso.
“Tumigil kayo!” sigaw uli ng binate na may himig pagbabanta. “Natatakot ba kayong mamantsahan ko ang aking kamay ngmaruming dugo? Hindi ba sinabi ko sa inyong mahinahon ang aking puso? Bayaan ninyo kami. Pakinggan mo ako, pari at hukom, na naniniwalang iba kayo sa ibang tao at may higit na kapangyarihan! Ang ama ko ay isang tapat na tao. Tanungin moa ng mga taong ito na dumadakila sa kanyang alaala. Mabuting mamamayan ang ama ko. Bukas ang kanyang tahanan. Nakahain ang kangyang hapag para sa nagugutom, api, at inuusig na taong dumudulog sa kanya. Isa siyang mabuting Kristiyano na lagging tumutulong sa halip na mang-api sa mga kahabag-habag na nilalang. Binuksan niya ang pinto ng kanyang tahanan na paring ito. Pinadulog sa hapag. Tinawag na kaibigan. At ano ang iginanti sa kanya? Siniraan pa siya. Inuusig at kinasangkapan ang lakas ng mga mangmang para siya kalabanin… at ginamit pa ang banal na tanggapan. Ipinahukay ang kanyang libing. Nilapastangan ang kanyang gunita at inusig hanggang sa kapayapaan ng kamatayan. Hindi pa nasiyahan sa lahat ng ito, pati anak niya ay inuusig! Iniwasan ko siya. Nilayuan. Narinig ninyo siya kaninang umaga nang sulsulan ang mga panatiko laban sa akin. Nagtiis ako. Naparito siya para ibuyo akong makipag-away sa kanya. Nagsawalang-kibo ako sa gitna ng inyong pagtataka. Ngunit nang muli niyang insultuhin ang alaala ng taong pinakadakila at sagrado para sa anak… Kayong naririto, mga pari at hukom, nakita na ba ninyong magpuyat ang inyong ama para sa kabutihan ninyong mga anak? Napapabuntung-hininga sa inyong yakap? Bahagya nang maghanap ng kasiyahan sa kanyang pangungulila at karamdaman habang kayo ay nasa iabang bansa—upang pagkatapos ay marinig mo na lamang na nilalapastangan ang kanyang pangalan? Nakita na ba ninyong walang laman ang kanyang puntod nang magtungo kayo roon upang mag-ukol ng dalangain para sa kanya? Hindi? Ayaw ninyong magsalita? Kung gayo’y kinokondena ninyo ang paring ito!”
Itinaas ni Ibarra ang kanyang kamay, ngunit isang babaeng simbilis ng liwanag ang pumagitna sa dalawa. Pinigil ng malambot na kamay ni Maria Clara ang mapaghiganting bisig.
Nanlilisik ang mga mata ni Ibarra nang titigan ang dalaga. Dahan-dahang lumuwag ang pagkakadakot ng kangyang mga daliri, nalaglag ang patalim, at binitiwan sa pagkakasakal ang Pransiskano. Tinakpan ang mukha at nagmamadaling nilisan ang grupo.