Marahang nagsimula si Padre Damaso sa paos na tinig: “Et espiritum tuum bonum dedisti, et manna tuum non probibuisti ab ore eourum, et aquam dedisti eis in siti.” At patnubayan nawa ako ng Banal na Espiritu upang maturuan sila, at upang ang biyayang mana ay hindi mahulog mula sa kanilang mga bibig, at bigyan mo po sila ng tubig na pamawi sa kanilang mga uhaw.
“Mga salitang binigkas ng Panginoon sa pamamagitan ng bibig ni Esdras, sa ikalawang aklat, ikasiyam na kabanata, ikawdalawampung talata.”
May pagkamanghang pinukol ng tingin ni Padre Sibyla ang nagsesermon. Namutla si padre Martin at napalunok. Mas mahusay ang sermon ito kaysa sa sermon niya.
Aywan kung dahil sa napansin ni Padre Damaso ang nagawa niyang inspirasyong ito sa nakikinig o dahil sa namamaos pa siya kaya madalas siyang mapaubo. Mariing nakatuon ang kanyang mga kamay sa pasimano ng pulpit. Nasa tapat ng kanyang ulo ang Espirito Santo, bagong pinta ng puti. Makinis at kulay rosas ang mga kuko at tuka nito.
“Kamahalan (patungkol sa gobernador), banal na pari, mga Kristiyano, mga kapatid kay Hesukristo!”
Pagkatapos ay tumgil siya. Inilinga niya ang paningin sa mga naroroon at labis niiyang ikinasiya ang taimtim na pakikinig ng mga iyon.
Ang unang bahagi ng sermon ay Kastila, ang iba pa ay Tagalog: gaya nga ng sinasabi ng Banal na kasulatan tungkol sa mga apostoles, ‘loquebantur omnes linguas, magsasalita sila sa lahat ng wika.’”
Pagkatapos ng pagbati at konting pahinga, itinaas niya ang kanyang kamay sa tapat ng altar, nakatitig sa gobernador. Pagkatapos ay naghalukipkip na walang imik. Ngunit walang ano-ano ay lumingon at itinuro ang pangunahing pinto ng simbahan. Marahas na umiimbay ang mga kamay na ang intindi naman ng mgansakristan ay ipanasasara ang mga pinto, at ito ang kanilang ginawa. Balisa ang tenyente at hindi malaman kung aalis o mananatili roon. Ngunit makapangyaraihan ang tinig ng nagsesermon. Punong-puno ng bahay. Walang alinlangang napakahusay na manggagamot ng matandang tagapangasiwa ng kumbento.
“Maningning at maaya ang altar, at maluwang ang mga pintuan ng simabahang ito; ngunit nasa pagitan nito ang hanging maghahatid ng banal at dakilang mensahe na sisilang mula sa aking mga labi. Makinig kayo, ang Panginoon ay hindi maghahasik sa mabatong lupa para kainin lamang ng mga ibon ng impyerno. Sa halip ay susupling kayo at lulusog na tulad nng banal na binhi sa bukid n gating Kabanal-banalan at Mapagkandiling ama na si San Francisco. Kayong mga makasalanan, kayong mga bihag ng mga Morong pirata ng ispiritu na naglalayag sa dagat ng walang hanggang buhay at lulan ng makapangyarihang barko ng laman at daigdig.. at kayong nakakadenahan ng takaw sa kamunduhan at mga tagasagwan ni Satanas, harapin ninyo nang buong pagsisisi ang magliligtas sa inyong kaluluwa sa pang-aalipin ng demonyo. Isang Gideon, isang David, isang Rolando ng Kristiyanismo, mas matapang kaysa lahat ng pinagsama-samang guardia civil sa kasalukuyan at sa hinaharap.”
Napansing nakaingos ang tenyente. “Oo, Tenyente, higit na matapang at higit na makapangyarihan. Kahoy na krus lamang at hindi baril ang sinandata upang lupigin ang mga bandido ng karimlan at mga kabig ni Lucifer. Sana ay napuksa na niya ang mga ito kung hindi lamang mga walang kamatayan! Ang kahanga-hangang Banal na nilikhang ito ay walang iba kundi ang dakilang si Diego de Alcala, na masasabikong dakilang santo. Isa siyang simpleng kawal sa pinakamakapangyarihang hukbo n gating amang si San Francisco. Isang napakalaking karangalan kong maging isang kabo o sarhento lamang sa ilalim niya, sa basbas ng Diyos.”
Ang mga hindi nakapag-aral na katutubo, na ayon sa reporter ay walang naiintindihan sa naturang talata kundi ang mga salitang ‘guardia civil’, ‘bandido’, ‘San Diego’, at ‘San Francisco’ay nagpapalagay na kinakastigo ng pari ang tenyente dahil sa pag-uusig sa mga bandido batay sa nakita nilang maasim na mukha ng tenyente at kilos ng pari. Sa kabilang dako, ipinakahulugan ng mga Indio na kikilos sina sa San Diego at San Francisco, gaya ng nakasabit na painting ni San Francisco sa kumbento sa Maynila habang sinasagupa niyang mag-isa ang pananalakay ng mga Intsik sa mga unang taon ng pagkakatuklas ng Kastila sa Pilipinas. Dahil ditto ay nasiyahan ang mga deboto at nagpasalamat sa Diyos. Nagtitiwala silang pagkatapos lupigin ang mga bandido ay isusunod naming puksain ni San Francisco ang mga guardia civil. Dinoble tuloy nila ang kanilang atensiyon sa pakikinig nang magpatuloy si Padre Damaso.
“Kamahalan, ang malaki, iagapay man sa maliit, ay lalaging Malaki.. at ang maliit, iagapay man sa Malaki, ay lalaging maliit. Napatunayan ito ng kasaysayan. Ngunit sa sandaang pagkakamali ay minsan lamang tumama ang kasaysayan, sapagkat ito ay likha ng tao… at likas sa tao ang pagkakamali, ayon na rink ay Cicero at gaya ng kasabihan sa aking sariling bansa. Sino mang may dila ay maaaring magkamali… dahil ditto a masasabing may higit na malalim na katotohanang matatagpuan sa ksaysayan. Ang katotohanang ito, kamahalan, inihayag ng Banal na Espiritu sa kanyang walang hanggang karnungan, na hindi kayang liripin ng talino ng tao mula pa sa mga panahon nina Seneca at Aristotle. Ang matandang karunungang yaon ay nagpapakita ng katotohanang ang maliit ay hindi lagi na lamang maliit kundi Malaki… Malaki sapagkat hindi lamang nakaagapay sa maliit kundi katabi ng pinakamalaki sa lupa, sa langit, sa himpapawid, sa ulap, sa tubig, sa kalawakan, at sa bahay at kamatayan.”
“Amen,” dugtong ng pinuno ng Vulnerable Third Order, at saka nagkurus.
Sa pamamagitan ng mabisang halimbawang ito na natutuhan ni Padre Damaso sa isang pedikador sa Maynila ay balak niyang pahangain ang nakikinig at ang kanyang mga pinatutungkulan.
“Nakahantad sa inyong mga mata,” patuloy niya, “ang di-mapupuwing na katibayan ng walang hanggang pilosopikal na katotohanang ito. Nakahantad sa inyong mga mata ang araw ng katangian —sinabi kong araw at hindi buwan, sapagkat hindi dapat pagtakhang sumisikat ang buwan sa gabi; sa kaharian ng mga bulag, ang hari ay ang pisak… at sa gabi, kahit pinakamaliit na tala ay maaaring sumikat. Ngunit ang higit na dapat hangaan ay ang pagsikat sa katanghaliang-tapat na tulad ng araw… tulad ng ating kapatid na si San Diego na nakuhang sumikat sa gitna ng pinakadakilang mga santo.”
Isang lalaki ang namumutlang napatayo at naginginig na nagtatakbo para magtago sa kumpisalan. Negosyante siya ng alak na nakatulog at nanaginip na isang patrulya ng mga guardia ciil ang sumisita sa kanya. Hinahanapan siya ng lisensiya sa pagtitinda at wala siya noon. Hindi na raw iyon lumabas sa pagkakatago hanggang sa matapos ang sermon.”
“Mapagkumbaba at butihing santo! Ang krus mong kahoy (ang totooý may kalupkop itong pilak), ang simple mong abito ay nagbibigay-dangal sa dakilang si San Franciscong huwaran naming at ama. Pinalalago naming ang banal mong angkan sa daigdig, sa lahat ng lungsod, sa mga bayan, walang pagtatangi sa puti at itim (dito ay halos hindi humihinga ang gobernador), sa mga inuusig at pinahihirapan, ang lahat ay para sa iyong banal na supling at nasasandatahang relihiyon (nakahinga nang maluwag ang gobernador), na umaalalay sa daigdig upang hindi malubid sa bangin ng kapariwaraan.
Ang lahat ng nakikinig, pati na si Kapitan Tiago, ay nagsimulang maghikab. Hindi na nakikinig si Maria Clara sa sermon. Alam niyang nasa kalapit niya si Ibarra at ito ang kanyang naiisip. Patuloy siya sa pagpapaypay habang nakatitig sa isang baka na sumasagisag sa isa sa mga Evangelista, na ang iba ay nasa anyo naman ng maliit na bulo ng kalabaw.
“Dapat nating isapuso ang Banal na Kasulatan, ang buhay ng mga santo. Kung ginawa sana ninyo ang ganito ay hindi ko na kailangang magsermon pa sa inyo ngayon. Malalaman ninyo ang mga bagay na singhalaga at kailangan tulad ng dasal na Ama Namin. Ngunit marami sa inyo ang nakalimot na noon. Namumuhay kayong parang mga Protestante at erehe, tulad ng mga Intsik na hindi gumagalang sa mga ministro ng Diyos. Ngunit kayo ay susumpain! Susumpain!”
“Ano ikaw sabi, Pale Lamaso!” bulong ng Intsik na may pagkainis na nakatingin sa pari na patuloy sa pagsesermon.
“Mamamatay kayong hindi nakapagsisisi at hindi napatatawad, mga lahi ng erehe! Ngayon pa lamang ay pinarurusahan na kayo ng Diyoso sa daigdig na ito.. sa mga kailangang tumakas sa inyo. Dapat kayong ipadala ng mga makapangyarihan sa inyong bibitayan upang hindi na kumalat pa sa bakuran ng Panginoon ang binhi ni Satanas. Sinabi ni Hesus: “Kung ang isang bahagi ng inyong katawan ay nagkasala, putulin iyon at itapon sa apoy…”
Ninenerbiyos na si Padre Damaso. Nakalimutan niya ang kanyang sermon at ang tikas sa pagtatalumpati.
“Narinig ninyo?”tanong sa kanyang kasama ng isang estudyante mula sa Maynila. “Ano, puputulin mob a iyan?”
“Kaululan! Bayaan mong mauuna muna siya!”
Balisa na si Ibarra. Naghanap siya ng isang kubling lugar, ngunit puno ang simbahan. Walang ibang naririnig at nakikita si Maria Clara. Abala siya sa pagtingin sa isang painting ng Mga Banal na Kaluluwa sa Pulgatoryo, mga kaluluwang anyong lalaki at babae, hubo’t hubad na ginagatungan habang nangungunyapit sa pamigkis ni San Francisco.
Nalito ang nagdidikta. Hindi niya nasundan ang sermon dahil sa mga pagbabagong ipinasok ni Padre Damaso. Dahil ditto ay nakalaktaw siya ng tatlong mahahabang talata bago niya nadiktahan uli si Padre Damaso.
“Sino sa inyong mga makasalanan na nakikinig sa akin ang papayag na dilaan ang mga sugat ng isang dukha at gusgusing pulubi? Sino? Sumagot kayo at magtaas ng kamay. Wala man isa man! Gaya na nga ba ng inaasahan ko. Tanging ang santo na lamang na tulad ni San Diego de Alcala ang makakagawa niyon. Dinilaan niya ang mga bulok at sinabi sa namamanghang kasama: ‘Gumaling ang taong ito. Pagmamahal ng isang Kristiyano! Walang katulad ng pagmamahal! Natatangi sa mga katangian! Di matutularang huwaran! Kahanga-hangang milagroso!”
At sinundan niya pa ng maraming madamdaming mga pangungusap. Nagtaas ng kamay at dumipa. Ikinampay ang mga bisig na parang ibig lumipad o manakot ng mga ibon.
“Bago siya namatay ay nagsalita siya ng Latin gayong hindi naman marunong ng salitang ito! Humanga kayo, mga makasalanan! Kayo, na sa kabila ng pagkakaroon ng maraming aklat at sa kabila ng mga pahirap na tinamo ninyo para mag-aral ay hindi pa rin makapagsalita ng Latin! Mamamatay kayong hindi makabigkas ng Latin! Ako ay nakapagsalita ng Latin. Ano ang maaaring ipagkait ng Diyos sa kanyang minamahal na si Diego? Maaari ba siyang mamatay? Papayagan ban g Diyos na mamatay si Diego, nang hindi nakapagsasalita ng Latin? Imposinle! Magiging makatarungan ang Diyos. Hindi siya magiging Diyos kung gayon! Nakapagsalita nga nng Latin si Diego, at pinatunayan ito ng mga manunulat nang panahong iyon.”
At tinapos niya ang introduksiyon sa pamamagitan ng mga pangungusap na pinagbuhusan niya ng pagod ngunit sa katotohanan ay ginay lamang niya sa sinulat ng dakilang awtor na si Sinibaldo de Mas.
“Nagpupugay ako sa iyo, dakilang Diego, dangal ng naming order. Huwaran ka sa katangian, mapagkumababangunit dakila, maawaing mapagpatawad; mataos na mananampalataya, may pag-ibig na hindi makamundo, iginagalang kahit ng mga kaaway, matimping may lakas ng loob, mahiyaing may kapurihan, maimpuking mapagbigay, mapagbagong mapambuo, may magkasanib na pananalig at debosyon, masunurin sa nakatataas, mapangalaga sa karangalan. Nilikha ka ng Diyos upang madama ang pag-ibig na ispiritwal. Tulungan mo ako ngayon upang maawit ang iyong kadakilaan at purihin ang iyong paanan, na mataas pa kaysa mga bituin at maningning pa kaysa araw na umiinog sa iyong pangalan! At kayo rin, mga kapatid ko… hilingin ninyo sa Panginoon ang kailangan kong inspirasyon upang makapagdasal ng Aba, Ginoong Maria!
Nagsiluhod ang lahat na umusal ng dalangin at bubulong-bulong na parang sanlibong bubuyog. Lumuhod din ang gobernador. Iiling-iling ang kanyang ulo. Namumutla ang tenyente.
“Kasihan sana ng demonyo ang paring ito,” wika ng isa sa dalawang lalaking buhat sa Maynila.
“Huwag kang maingay,” sagot naman ng kasama. “Baka marinig ka ng kabit niya!”
Samantala, sa halip na magdasal ng “Aba, Ginoong Maria” ay kinagagalitan ni Padre Damaso ang tagapagdikta dahil sa paglaktaw sa tatlong talata na siya pa naming pinakamahusay na bahagi ng kanyang sermon. Kumain siya ng dalawang merengue at uminom ng isang basong alak sapagkat alam niyang doon siya higit na makakukuha ng inspirasyon kaysa sa Espiritu Santo, o sa kahoy na kalapati at sa hindi nakikinig na mga prayle.
Tinampal ulit ni Sister Pute sa batok ang kanyang apo na bigla naming nagising at nagtanong:
“Puwede nap o ba ‘kong umiyak?”
“Hindi pa, pero huwag kang matutulog, salbahe” sagot naman ng mabait na lola.
Iilan lamang ang naitala sa ikalawang bahagi ng sermon sa Tagalog. Nagsermon si Padre Damaso sa wikang ito na walang paghahanda, hindi lamang dahil sa mahusay siya sa Tagalog kundi ipnapalagay niyang ignorante sa arte ng pagtatalumpati ang mga Pilipinong probinsiyano kaya hindi siya natakot kahit magkamali sa pagsasalita. Pero para sa mga nakikinig na Kastila ay naghanda siyang mabuti. Posibleng alam ng mga ito ang tuntunin sa pagtatalumpati—may mga nakapag-aral, maaaring ang gobernador. Kaya, isinulat niya ang kanyang sermon sa Kastila. Inayos at pinakinis. Pagkatapos ay isinaulo at dalawang araw na nagsanay sa pagbigkas.
Hindi kaila na wala isa man sa mga nakinig ang nakaunawa sa Kabuoan ng sermon sa Tagalog. Mababaw mag-isip ang mga nakikinig at malalim ang mga pananalita ng nagsesermon, ayon na rink ay Sister Pute. Dahil dito ay naghihintay na lamang ng pagkakataong makaiyak ang mga naroroon. At ang salbaheng apo naman ng matanda ay muling nakatulog.
Gayon man, ang bahaging ito ng sermon ay higit na tumatalab sa damdamin ng mga naroroon kaysa sa naunang bahagi, at ito ay mapapatunayan natin sa mga sumusunod na talata.
Garil sa pananagalog si Padre Damaso at sinumulan niya ang sermon ng ganito: “Mana kapatir kon Krostiyano.” Sinundan pa ito ng sunod-sunod na pangungusap na hindi maintindihan. Tinalakay niya ang kaluluwa, ang impiyerno, än naman mabar na patron at patrona” ng makasalanang mga Indio. Tinalakay rin niya ang mga banal na paring Pransiskano.
“Wala akong naintindihan sa mga pinagsasabi niya,” anang isa sa dalawang Manilenyo. “Aalis na ‘ko!”
Ngunit nang makitang sarado ang mga pinto ng simbahan ay naglakad siyang patungo sa sakristiya. Napatingin sa kanya ang lahat. Pati na ang nagsesermon na napasulyap sa Manilenyo. Namutla at napatigil sa pagsasalita. Inaasahan ng ilan na aatakihin ng pari ang lalaki ngunit sinundan lamang ito ng tingin ni Padre Damaso na nagpatuloy sa pagsesermon.
Tinuligsa ng pari ang kasalukuyang takbo ng panahon, ang kawalan ng galang ay paglayo ng loob ng tao sa DIyos. Binanggit din niya ang tungkol sa mga ayaw mangumpisal, ang mga namamatay sa bilangguan nang hindi man lamang nakatatanggap ng sakramento, ang magugulong pamilya, ang mga hambog at masasamang mestizo, ang nagdudunong-dunungang kabataan, ang mga huwad na intelektuwal, abogado at estudyante, at kung ano-ano pa.
Narinig na lahat ni Ibarra at nauunawaan ang ibig patungkulan ng sermon. Ngunit nagtimpi siya at hindi nagpahalata. Inilinga niya ang tingin. Pilit niyang hinahanap ang Diyos at ang mga awtoridad ngunit ang tanging namataan niya ay ang tatango-tangong gobernador.
Samantala, nag-iibayo ang sigla sa pagsesermon ni Padre Damaso. Binanggit niya ang panahon noong ang mga Pilipino, tuwing may masasalubong na pari ay naghuhubad ng sombrero, lumuluhod sa lupa, at nagmamano sa pari. “Ngunit ngayon,” aniya, “ay nag-aalis na lamang kayo ng salakot o sombrero at nagkakasya sa pagbati ng “Magandang araw po, padre.” At may mga hambog na estudyanteng ngayo’t nakapag-aral sa Maynila o Europa ay nagpapalagay na may karapatan silang makipagkamay na lamang sa pari sa halip na magmano. A! Malapit na ang araw ng Paghuhukom. Magugunaw na ang mundo. Maraming santo ang humulang uulan ng apoy, bati, at abo upang parusahan kayong mayayabang na tao.”
Nananawagan din si Padre Damaso na huwag tularan ang mga taong tinagurian niyang mga barbarong iyon… at sa halip ay layuan at kondenahin sapagkat mga eskumulgado.”
“Sundin niyo ng payo ng mga Banal na Konseho. Kapag nasalubong ng katutubo ang isang pari, dapat siyang magyukod ng ulo at ihantad ang leeg upang mahipo ng pari. Kapag kapwa nakakabayo ang kasalubong na pari at katutubo, kailangang huminto ang huli at maghubad ng suot sa ulo para magpugay. At kung nakakabayo naman ang katutubo at may nakaslubong na naglalakad na pari, dapat siyang bumaba hanggang sa makaalis ang pari p payagan siyang makasakay muli. Iyon ang inuutos ng mga Banal na Konseho, at ang sino mang susuway ay mae-ekskumulgado.”
“E.. kung ang katutubo naman ay nakasabay sa kalabaw?” tanong ng isang maurirat na magbubukid sa kanyang katabi.
“Pakaripasin niya ang takbo ang kalabaw,” sagot ng tinanong.
Sa kabila ng pagsigaw-sigaw at mainit na pagsesermon ng pari ay marami ring nakatulog o walang interes sa pakikinig sapagkat iyo’t iyon din ang lagging sinasabi ng lahat ng nagsesermon. Napaingos naman at napapabuntong-hininga ang mga manang sa nakitang kawalang-galang ng kani-kanilang asawa. Iba naman ang ginawa ni Sister Pute. Nang mapasandal sa kanya ang isang nakatulog na lalaki ay hinubad niya ang kanyang bakya at ginising sa pukpok.
“Walanghiya ka, animal, demonyo, kalabaw, aso, ulol!”
Tumigil sa pagsasalita ang pari. Napataas ang kilay at nabigla sa pangyayari. Naumid ang kanyang dila at napasuntok sa pasamano ng pulpit. Natigil ang matandang babae sa pagpukpok. Binitawan ang bakya, bumulong-bulong, nagkurus, at sala paulit-ulit na lumuhod.
“Aaaaaah! Aaaaaaah!” sigaw ng nabiglang pari.Naghalukipkip-bisig at umiling-iling. “Sayang ang buong umaga ko sa pagsesermon, mga barbaro! Mismong ditto pa sa bahay ng Diyos kayo nag-aaway, mga makasalanan. Wala na kayong kahihiyan! Wala na kayong ginagalang. Ito ang bunga ng katakawan sa kamunduhan at kasamaan ng panahong ito! Ito na nga ang sinsasabi ko!”
At sa paksang ito ay mahigit na kalahating oras siyang nagsesermon. Naghihilik na ang gobernador. Nagyuyukayok na rin si Maria Clara. Tapos na niyang tingnan ang lahat ng painting at mga imahen. Wala na ring interes si Ibarra sa pakikinig o pagbibigay-kahulugan sa mga sinasabi ng pari. Ang nasa isip niya ngayon ay isang munting bahay sa tuktok ng bundok. Para niyang nakikita si Maria Clara sa halamanan doon. Bayaang kaladkarin ang sangkatauhan sa masasamang bayan sa kapatagan sa ibaba.
Dalawang beses na kinuliling ni Padre Salvi ang kampanilya sa altar, ngunit lalo lamang itong nagdagdag ng init kay Padre Damaso. Lalo nitong hinabaan ang sermon. Kinakagat-kagat ni Padre Sibyla ang kanyang labi at pinaglalaruanng daliri ang ginintuang labi ng mga kopita. Tanging si Padre Martin lamang ang parang nasisiyahan sa pakikinig sapagkat may ngiti sa kanyang labi.
Sa wakas ay nasabi na rin ng Diyos ang lahat ng gusting masabi. Nagkusot ng mga mata ang gobernador, nag-inat, bumuntong-hininga, at saka naghikab.
Nagpatuloy ang misa.
Nang magsiluhod ang lahat at magyuko ng ulo, ang mga pari sa Incarnatus est ay isang lalaki ang may ibinulong kay Ibarra: “Sa seremonya sa pagbabasbas ay huwag kayong aalis sa tabi ng pari. Huwag kayong bababa sa hukay. At huwag kayong lalapit sa panulok na bato. Nakasalalay ang inyong buhay sa sinabi ko.”
Nakita ni Ibarra si Elias, na matapos magbigay ng paalalang ito ay umalis at biglang nawala sa kakapalan ng naroroon.