Noli Me Tangere Buong Kabanata 24: Sa Gubat

      MAAGANG nagmisa si Padre Salvi. Parang nawalan siya ng ganang mag-almusal nang mabasa ang dumating na sulat, Lumamig tuloy ang tsokolate. Palakad-lakad siayng nag-iisip at lamukos niya ang sulat na paulit-ulit niyang binasa. Ipinahanda niya ang karwahe. Nagbihis at nagpahatid sa gubat na pinagdarausan ng piknik nina Maria Clara. 

        Pagkaraan ng matagal-tagal din namang paglalakad ay narinig niya ang masayang usapan sa tabi ng batis. 

    “Maghahanap ako ng pugad ng tagak,”kilala ng kura ang may-ari ng kaakit-akit na tinig na yaon.”Panonoorin ko siya nang di ako nakikita. Susundan ko siya kahit saan magpunta.” 

       “Ibig mo bang sabihin ay paparisan mo ang ginagawang pagmamanman sa iyo ng kura kahit saan ka magpunta?”tanong naman ng isa ring ‘masayang tinig.”Mag-iingat ka! Ang selos aria Claraamayat at nakapanlalalim ng mata!” 

       Nanganlong si Padre Salvi sa likod ng isang puno. Nakita niya sina Maria Clara, Victoria, at Sinang na naglalakad at sinasalamin ang tubig. Nannganganina sa suot nilang pampaligong saya ang magandang hubog ng kanilang mga binti. Basa sila hanggang tuhod. 

       Nakanlong ang mga dalaga nang sapitin ang palikong bahagi ng batis. Hindi na rin narinig ang masasakit nilang mga parunggit. Pinapawisan na si Padre Salvi sa panunubok. Lumabas sa panganganlong. Naglakad na parang ibig sundan ang mga dalaga, ngunit ipinasiyang magbalik. Namayy=bay sa batis at hinanap ang iba pang mga nagpipiknik. 

         Sinalubong si Padre Salvi ng lahat, pati na ng alperes. 

     “Saan po kayo galing, Reverencia?”tanong ng alperes nang makitang maraming galos sa mukha ng kura. “Nahulog ba kayo?” 

      “Hindi!”sagot ni Padre Salvi. “Naligaw ako!” 

     Nagbukas ng mga bote ng lemonada ang grupo. Nagbiyak din sila ng buko at sabik na sabik na ininom ng nagsilangoy ang malamig na sabaw at kinain ang malinamnam na laman. Bawat dalaga ay sinabitan ng mga binata ng kuwintas na may sampagita na may palawit na rosas at ilang-ilang. Nakasandig sila sa mga duyang nagbitin sa puno. Ang iba naman ay naglalaro ng baraha, chess, sungka, at siklot. 

       Ipinakita ng grupo sa pari ang pinatay na buwaya. Nagkainteres lamang dito si Padre Salvi ng sabihing si Ibarra ang nakapatay. Samantala, wala ang piloto. Umalis ito bago pa man dumating ang alperes. 

    Lumabas ang bagong paligong si Maria Clara. Sariwang-sariwa ang dalaga na tulad ng bagong bukad na rosas na nawisikan ng hamog. Iniukol niya kay Ibarra ang kanyan unang ngiti ngunit ang unang simangot ay iniukol naman kay Padre Salvi. 

    Nang dumating ang oras ng pananghallian ay nagsidulog sa hapag ang kura, ang kanyang coadjutor, ang alperesm ang mga fating alkalde, at bise-alkalde. Si Crisostomo Ibarra ang nasa kabisera. Hindi pinayagan ng mga ina na umupo sa mesa ng mga babae ang sinumang lalaki. 

 “Ngayon, Albino, ay hindi ka na makaiimbento ng butas ng bangka!”paliwanag ni Leon. 

   “Ano ang ibig mong sabihin?”tanungan ng mga ina. 

  “Walang kabutas-butas ang bangka na tulad ng pinggang ito!”paliwanag ni Leon. 

  “Santisma!”hagikgik ni Tiya Isabel. “Pilyo!” 

 “Tenyente,”ani Padre Salvi sa alperes. “May balita ba kayo tungkol sa lumapastangan kay Padre Damaso?”  

     “Lumapastangan?” ulit ng alperes na nakasilip sa pari sa pamamagitan ng kopitang wala nang laman.  

   “Sino pa kundi iyong bumugbog kay Padre Damaso sa kalye kamakalawa!” 

   “Binugbog si Padre Damaso?” sabay-sabay na tanungan ng lahat.. 

    Ngumiti ang  kura. 

  “Tama. Nakaratay ngayon si Padre Damaso. Sinasabing si Elias daw ang kriminal …Yon ding taong naghagis sa iyo sa putikan Tenyente.” 

      Namula ang opisyal. Maaaring dahil sa kahihiyan o sa nainom na alak.  

   “Buweno, akala ko pa naman ay alam na ninyo ang nangyari,” parang nanguuyam na wika ni Padre Salvi. Nasabi ko na lang sa sarili na ang komander ng garison ay ….”                                                            

      Napakagat-labi ang tenyente at bumulong. 

    Walang ano-ano ay isang babaing putlain, payat, at marusing ang suot ang lumapit sa grupo. Kung gabi lamang noon, mapapagkamalan siyang isang multo. 

     “Bigyan ninyo ng pagkain,”wika ng matatandang babae. “Ïha,halika rito.” 

  Ngunit ang nilapitan ng babae ay ang mesang kinaroronan ng kura.Lumingon si Pari Salvi at nakilala ang babae. Nabitiwan niya ang kutsilyo.                

   “Madilim ang gabi at nawawala ang mga bata,”mahiwagang wika ng babae. 

   Nang magtangkang magsalita ang tenyente ay tiningnan siya ng babae at saka nahihintakutang tumakbo sa loob ng gubat.   

     “Sino siya?’tanong ni Ibarra. 

  “Ïsang sawimpalad na nilikhang nasiraan ng isip dahil sa labis na kalungkutan,”tugon ni Don Filipo. “Apat na araw na siyang ganyan.”  

     “Hinuli siya ng mga sundalo mo,” wika ng bise-alkalde sa tenyente. “Ipinarada siya sa buong bayan dahil sa sinasabing pagkakasala ng kanyang mga anak. Hindi ko alam kung sa anong kasalanan. Wala pang liwanag ang kaso.”  

      “Ano?” gulilat na tanong ng tenyente sabay linon sa kura. “Siya ba ang ina ng dalawa ninyong sakristan?” 

     Tumango ang pari. 

    “ Nawala sila at walang nakakaalam  kung nasaan.”dugtong ni Don Filipo na nakatingin sa alkalde na nagbaba naman ng tingin.  

    “Sundan ninyo ang babaing iyon!”utos ni Crisostomo Ibarra sa mga utusan. “Ipinangako kong tutulungan ko siya sa paghahanap sa kanyang mga anak.” 

     “Nawala?” ulit ng tenyente. “Nawala nga ba ang dalawa ninyong sakristan Padre?” 

     Tumungga muna ng alak ang pari bago tumango.      

     “Naku Padre!” bulalas ng opisyal na sinabayan ng nang-iinis na tawa. “Nang mawalan kayo ng ilang piso ay ipinagising ninyo ang sarhento ko para maghanap; ngunit ngayong dalawang sakristan ninyo ang nawawala ay wala man lamang kayong kakibo-kibo. At kayo, Ginoong Alakalde…..aminin ninyong …..” 

     Sinadyang hindi ituloy ng tenyente ang sasabihin at sa halip ay malakas na humalaklak sabay ng pagkutsara sa papaya. 

     Nalilitong nagsalita ang pari. “Pero nasa pananagutan ko ang nawalang pera!” 

    “Mainam na sagot iyan,Padre, mula sa pastol ng mga kaluluwa,” putol ng alperes. “Sadyang mainam na sagot ng isang relihiyosong tao.” 

     “Pero, alam ba ninyo, tenyente, ang sabi-sabi tungkol ss pagkawala ng mga batang iyon? Hindi? Kung gayoÿ tanungin ninyo ang inyong mga tauhan.”  

     “Ano?” tanong ng tenyenteng hindi na ngumingiti. 

     “Sinasabing nang gabing mawala ang dalawang bata ay nakarinig ng mga putok.” 

     “Mga putok?” ulit ng tenyente na tumingin sa nagsasalita. 

May pang-uuyam ang tinig ni Padre Salvi nang mangusap. 

     “Hindi ka lang pala nagpabaya para hulihin ang maysala kundi hindi mo pa rin pala alam ang ginagawa ng iyong mga tauhan. At ngayon ay naglelektyur ka pa sa iba kung paano tumupad ng tungkulin. Alam mo naman siguro ang kasabihang ‘Higit na nalalaman ng isang ulol ang tungkol sa kanyang pamilya kaysa sa pagkaalam ng isang matalino sa kanyang kapit   bahay.’” 

     “Mga ginoo,”putol ni Ibarra nang makitang namutla ang tenyente. “Maalala ko nga pala, ano ang masasabi ninyo sa balak ko? Gusto kong ipagamot ang babaing iyon sa isang mahusay na doktor. Samantala ay tulon-tulong naman nating hanapin ang kanyang mga ank.” 

     Naputol ang pagtatalo nang magbalik ang mga utusan. Hindi nila inabot ang baliw. Nalipat ang usapan sa ibang bagay.                                                                              

       Pagkatapos ng tanghalian, at habang dinudulutan sila ng tsaa at kape ay naghiwa-hiwalay ang ilan. May naglaro ng chess, may naglaro ng baraha. Ang mga babae namn ay nagtungo sa isang aparatong tinawag na Gulong ng Palad at inalam ang kanilang kapalaran. 

    “Halikayo rito, Ginoong Ibarra” sigaw ni Kapitan Basilio na medyo tinatablan na ng alak. “May isang kaso tayong di matapos-tapos nang may labinlimang taon na ngayon at walang mahistrado ng Korte Suprema ng makapagpasiya. Puwede bang tapusin na ito sa larong chess?” 

    “Ikinagagalak!” tugon ng binata. “Sandali po lamang at nagpapaalam na ang tenyente.”                                   

    Nang marinig ang labanan sa chess ay naglapitan para manood ang matatandang marunong ng larong iyon. Kasiya-siya at nakawiwili ang nasabing laro. Gayunman, ang mga babae ay kay Padre Salvi  naglapitan para makipag-usap ng tungkol sa kabanalan. Nguni’t parang wala sa kundisyon ang kura kayat malabo ang kanyang mga sagot at palinga-linga. 

     Nagsimula ang labanan. Kapwa mabibigat ang sulong ng bawa’t isa. 

     “Liwanagin natin,”ani Ibarra . “na kapag nagtabla tayo ay hihilingin nating “dismisin ang kaso. 

     Nang nasa kalagitnaan na ang labanan ay may natanggap na telegrama si Ibarra. Kumislap ang kanyang mga mata at biglang namutla, nguni’t isinilid niya sa pitaka ang telegrama nang hindi muna binasa. Sinulyapan niya ang grupo ng mga kadalagahang nagsisigawan at nagtatawanan sa harap ng Gulong ng Palad. 

    “Check ang King” wika ng binata. 

     Isinulong ni Kapitan Basilio ang kanyang king sa likod ng kanyang queen. 

  “Check ang queen,”wika ni Ibarra na itinuro ang kanyang rook na protektado ng isang pawn. 

    Sapagkat hindi nya matakpan ang kanyang queen at hindi naman nya maiatras dahil nahaharangan ng king kayat humingi ng pahinga si kapitan Basilio.  

      “Kayo ang bahala,” pagbibigay ni Ibarra “Ang totoo ay may mahalagang bagay din akong ibig sabihin sa mga kaibigan natin doon.” 

     Tumayo ang binata at binigyan ng labinlimang minutong palugit si Kapitan Basilo para mag-isip. 

   Hawak ni Iday ang kartong kinasusulatan ng apatnapu’t walong katanungan samantalang hawak naman ni Albino ang aklat ng mga sagot.     

       “Kasinungalingan! Hindi ito totoo,” halos mapaiyak na wika ni Sinang. 

       “Bakit ba?” tanong ni Maria Clara.           

      “Mantakin mo naman. Nagtanong ako kung kailan ako mamumulat para maging maunawain. Inihagis ko ang dice. Nang basahin ng lalaking ito ang sagot ay pag tinubuan daw ng buhok ang palaka! Paano ka naman matutuwa?” 

      Dinilaan ni Sinang ang binatang nagseminarista. Hindi nakapagpigil ng halakhak ang lalaki. 

    “E bakit mo naman naisipan ang tanong na iyon?” wika ng kanyang pinsang si Victoria. “Iyan ang napala mo tuloy!”  

sabi nila kay Ibarra at iniabot ang gulong. “Napagkasunduan namin na kung sino ang makatanggap ng ng pinakamabuting sagot ay may tatanggaping gantimpala. Nakapagtanong na kaming lahat.” 

     “At sino naman ang nakatanggap ng pinakamabuting sagot?” 

     “Si Maria Clara ! Si Maria Clara!” wika ni Sinang. “Sa ayaw man niya o sa gusto …pinilit namin siyang itanong ang ‘Tunay at tapat kaya siya?’ at ang sagoy ng aklat ay”  

     Mabilis na natakpan ng kamy ng namumutlang si Maria Clara ang bibig ni Sinang. 

     “Kung gayon ay iabot ninyo sa akin ang gulong,” nakangiti si Crisostomo. “Ang tanong ko : Magtatagumpay kaya ako                                            sa aking ginagawa?” 

     “Nakakaantok naman ang tanong mo,” reklamo ni Sinang. 

      Inihagis ni Ibarra ang dice at hinanap sa aklat ang pahina ng sagot ayon sa numerong lumabas sa dice. 

     “Äng pangarap ay pangarap lamang,” basa ni Albino.  

   Binunot ni Ibarra ang pitaka at kinuha ang telegrama. Kumikinig ang kanyang kamay nang buksan nito. 

    “Mali ang libro mo,” masayang wika ni Ibarra  kay Albino. “Basahin mo ito.” 

  “Aprobado ang proyekto sa paaralan panalo ka sa kaso. Ano ang ibig sabihin nito?”  

     “Hindi ba sabi ninyo ay may gantimpala ang tatanggap ng pinakamabuting sagot?” aniya sa maramdaming tinig habang hinahati    sa dalawang bahagi ang telegrama. 

     “Oo!” 

     “Kung gayon ay ito ang ihahandog kong gantimpala,” anang binata sabay abot kay Maria Clara ng kalahati ng telegrama. “Magtatayo ako ng paaralan para sa mga bata sa ating bayan. Ang paaralan ang handog ko.” 

     “Paano naman ang kalahati?”  

     “Para sa makatatanggap ng pinakamasamang sagot!”  

    “Kung gayon ay para sa akin!” sigaw ni Sinang at saka marahang  lumakad na palayo 

     “Pero ano ang kahulugan ng papel na ito?”    

   Malayo na si Ibarra kaya’t hindi na nasagot ang tanong ni Sinang. Maligayang nagbalik ang binata sa larong chess. Pinahid naman ni Maria Clara ang luha ng kaligayahan sa kanyang mga mata. 

     Tinungo ni Padre Salvi ang nagsasayang grupo ng kabataan . Sa paglapit niya ay naputol ang tawanan at usapan. 

     “Ano ito? tanong ng kura sabay dampot sa libro. 

     “Gulong ng Palad, aklat ng mga laro,”tugon ni Leon. 

    “Hindi ba ninyo alam na kasalanan ang maniwala sa mga ito?”sigaw ng pari na pinagpunit-punit ang libro. 

     Napasigaw din sa galit at pagkabigla ang lahat. 

   “Mas kasalanan naman ang manira ng bagay na pag-aari ng iba,” ani Albino sabay tayo. “Reverencia, iyan ay para ring pagnanakaw na labag sa utos ng Diyos at ng tao!”  

   Mahigpit na napagdaop ni Maria Clara ang kanyang mga palad at  alungkot na tiningnan  ang pilas pilas na librong kanina lamang ay labis na nakapagpaligaya sa kanya.  

     Hindi sinagot ni Padre Salvi si Albino, Tiningnan din niya ang mga punit na pahinang ikinalat ng hangin.Ang iba ay nilipad sa gubat at ang iba pa ay inanod ng agos. Pagkatapos ay umalis ang kura na sapo ng kamay ang ulo. Huminto siya sandali at nakipag-usap kay Ibarra na naghatid naman sa kanya sa karwahe.      

   “Mabuti nga at umalis na ang kill joy na iyon,” bulong ni Sinang, “Parang nababasa ko sa mukha niya ang ibig niyang sabihin; Huwag kayong masyadong magtawanan. Alam ko ang inyong mga kasalanan.”      

     Pagkatapos maibigay ang kanyang handog sa kasintahan ay nagpatuloy si Ibarra sa pakikipaglaro  ng chess kay  Kapitan Basilio. Ngunit dahil sa labis na kaligayahan ay hindi siya naging maingat sa pagsulong. Bunga nito ay nagwakas sa tabla ang laban sa kabila ng gipit na kalagayan ng matanda. 

    Tuwang -tuwang napasigaw si Kapitan Basilio. 

   “Dismis na ang kaso!  Dismis na!” 

     At nagkamay ang dalawa. 

   Habang nagkakatuwaan ang lahat dumating ang apat na guardia civil na pinamumunuan ng isang sarhento. May bayoneta ang dulo ng kanilang riple. Takot na takot ang mga babae. 

   “Walang kikilos!” sigaw ng sarhento. “Babarilin namin ang kumilos!” 

     Hindi pinansin ni Ibarra ang banta at nilapitan ang sarhento. 

    “Ano ang kailangan ninyo?” tanong niya 

   “Pagsuko ngayon din ng kriminal na si Elias…. ang inyong piloto kaninang umaga!” galit na wika ng sarhento. 

   “Kriminal? Piloto? Baka nagkakamali ka?” tugon ni Ibarra. 

   “Hindi! Si Elias ang akusadong nambugbog ng pari!” 

    “A …. siya ba ang piloto?”. 

   “Siya na nga, ayon sa ulat, Tumanggap kayo ng masamang tao sa inyong handaan, Ginoong Ibarra.!” 

    Sinukatng tingin ni Ibarra ang sarhento mula ulo hanggang paa. “Hindi ko tungkuling isangguni sa iyo ang lahat ng ginagawa ko. Lahat ay tinatanggap sa aking handaan. Ikaw rin, kung napaaga ka lamang ay padudulugin ka namin sa mesa, tulad ng inyong pinuno na kasama namin dalawang oras na ang nakaraan.” 

   Tinalikuran ni Ibarra ang sarhento na walang nagawa kundi utusan ang kanyang mga sundalo na maghanap sa gubat at sa iab pang dako. 

    Nang makita ni Don Filipo ang nasusulat na deskripsiyon ni Elias na dala ng sarhento ay sinabi niyang “Aba, ang deskrisiyong iyan ay angkop sa siyam sa bawat sampung Pilipino. Baka nagkakamali kayo!” 

    Nang magbalik ang mga sundalo at sabihing wala silang nakitang anuman  maging tao o bangka, ay napilitang umalis nang walang paalam ang grupo ng sarhento. 

  “Samakatwid,” pagbubukas ni Leon sa usapan, “si Elias pala ang naghagis sa tenyente sa putikan. 

“ 

     “Paano ba nangyari?” 

     “Sabi nila, isang araw  raw na umuulan noong Steyembre ay nasalubong ng tenyente ang isang lalaking may pasang mga panggatong. Lubak-lubak at putikan     ang makipot na kalsad. Nakasakay noon sa kabayo ang tenyente . Sa halip na huminto ay pinabilis pa ang kabayo at sinigawang tumabi ang kasalubong na lalaki. Pero dahil sa mabigat ang pasan ng lalaki kayaý ayaw nitong tumabi o umatras. Nagalit ang tenyente at tinangka ng sagasaan ang lalaki. Nakadampot ng isang putol na kahoy ang lalaki at malakas na pinalo sa ulo ang kabayo. Nagdadamba ang hayop at nadapa. Nahulog ang tenyente at bumagsak sa lubak na puno ng putik. Parang walang ano mang nangyari na umalis na ang lalaki. Gali na galit namn ang tenyente at limang beses na pinaputukan ng baril ang lalaki na pinaghihinalaan ngayong si Elias.” 

      “Tulisan ba siya?”kinikilabutang tanong ni Victoria. 

     “Palagay koý hindi. May balita pang minsan ay nakipaglaban si Elias sa mga magnanakaw.” 

     “Talaga namang wala sa anyo ang pagiging kriminal.” dugtong ni Sinang. 

     “Wala nga ,” ayon naman ni Maria Clara. “Kaya lang ay hindi ko siya nakitang ngumiti minsan man kaninang umaga.” 

     Nang magdapithapon ay ipinasiya  ng pangkat na umuwi na. Wala silang imikang naglakad hanggang sa mapatapat sa puntod ng mga ninuno ni Ibarra. Di nagtagal at bumalik ang kasayahan sa grupo… hanggang sa makabalik sa kani-kanilang tahanan.