GISING pa ang mga bituin.Tulog pa ang mga ibon sa mga sanga. Isang pangkat ng mga nagkakatuwaang kadalagahan at mga magulang ang ngalalalkad ng patungo sa lawa. May dala silang mga pananglaw.
Magkakapit-baywang na nangunguna sa lakarang iyon ang limang kasibulang dalaga. Kasunod nila ang mga matatandang babae at mga utusang babae na may sunong na makol ng pagkain , mga pinggan, at iba pang bagay. Ang limang dalagang ito ay si Maria Clara at ang apat na kaibigang sina Sinang na madal!”
“Kasi naman hindi kayo gumugising ng maagang paris namin. At saka antukin ang matatanda,”agaw agad ng maliit na si Sinang.
Sandali silang titigil ng pag-uusap . Magbubulungan ngunit pagkatapos ay biglang magtatawanan nang malakas.
Sssssshhhhhh! Huwag kayong maingay at nariyan na sila!”
Isang grupo ng kabinataan ang dumarating na may hawak na sulo. Wala silang imik sa paglakad ngunit may ngunit pumapailanlang na himig ng gitara.
“Parang gitara ng pulubi” pahagikgik na wika ni Sinang.
Nang magtagpo ang dalawang pangkat ay nabaligtad ang sitwasyon. Naging walang imik ang mga babae at naging masalita naman ang mga !””. Anim na beses na sigurong nakapagtanong ang mga binata bago sumagot ang mga dalaga.
“Tahimik ba ang lawa?. Palagay kaya ninyo ay magiging mabuti ang panahon?” tanong ng mga ina.
“Huwag po kaying mag-alala. Mahusay akong lumangoy,”ani ni Albino na isang binatang payat na matangkad. Magpapari sana siya kaya tinawag na “seminarista”. Nakihalo sa katuwaan si Ibarra bagaman madalas ding walang kibo.
Dinatnan nila sa lawa ang dalawang malaking bangkang pinagkabit at nadedekorasyunan ng mga bulaklak, dahon, at tela na may iba’t-ibang kulay. Sa isang bangka ay may alpa, gitara, akordiyion, at plawta. Sa isang bangka naman ay may kalang may gatong. May tsaa, salabat, at kape.
“Dito ang mga babae. Doon ang mga lalaki!” wika ng mga ina nang magsisakay na sa bangka ang lahat. “Tumahimik kayo! Huwag kayong malikot at baka tayo lumubog!”
“Magsipag-kurus muna kayo!”sabi naman ni Tiya Isabel na nauna nang nag-antanda..
“Tayo lang ba rito?”tanong ni Sinang at may inginuso. “Tayo lang ba? Aray!”
Ang dahilan ng pag-aray ni Sinang ay isang kurot mula sa kanyang ina.
Dahan-dahang lumayo sa pampang ang mga bangka. Nasasalamin naman sa tubig ang mga sulo. Sa dakong silangan ay unti-unti nang nagliliwanag.
“Konting ingat”sigaw ni Albino sa kalapit na binata.”Tapakan mong mabuti ang pasak malapit sa paa mo!”
“Ano ba ito?”
“Pasak sa butas upang hindi makapasok ang tubig. Maraming butas ang bangkang ito.”
“Naku! Lulubog tayo!”takot na takot na bulalas ng mga babae.
“Medyo nagkagulo sa bangka. May mga sumigaw at mayroon namang ibig lumundag sa tbuig. Limang binata ang lumipat sa nasabing bangka para payapain ang mga takot na ina. Parang pinagtiyap na pagkakataon! Para bang sa tabi lamang ng mga dalaga naroroon ang panganib pagkat doon lamang may puwang na mauupuan ang mga binata. Sa tabi ni Maria Clara naupo si Ibarra. Si Albino ay sa tabi ni Victoria at ang iba naman ay sa tabi ng kani-kanilang nililigawan. Walang imikan ang mga ina ngunit masasaya ang usapan ng mga dalaga.
“Pinakamasarap na inumin ang salabat sa umaga bago magsimba.”sabi ni Kapitana Tika na ina ng masayahing si Sinang…”Uminom ka Albino, ng salabat. Samahan mo ng puto at makikita mong sisipagin ka kahit sa pagdarasal.”
Umaga na at masaya ang lahat. Pati ang datiý walang kibong mga ina ay nagtatawanan na rin at nagbibiruan.
Ngunit may isang lalaking parang ayaw makihalo sa kasayahang iyon. Siya ang sumasagwan. Tahimik siya na parang may iniisip. Isa siyang binatang malaki ang katawan. Medyo guwapo. Malungkutin ang malalaking mata at patang kagalang-galang ang hugis ng labi. Ang mahaba, itim, at gusot niyang buhok ay abot hanggang leeg. Aninag sa kanyang suot na damit ang kayang bisig na siksik sa laman . Kung igaod niya ang sagwan ay parang patpat lamang na lumalaro sa tubig.
Matapos mag -almusal ay nagpatuloy sila sa pamamangka hanggang sa makarating sa dalawang baklad na kapwa ari ni Kapitan Tiago.
Itinali ng bantay ang mga bangka sa isang tulos.
“Pakuluin ang sinigang para maihulog agad ang mahuhuling isda,” wika ni Tiya Isabel.
Ang magandang si Andeng na mahusay magluto ay naghanda agad ng sabaw-sinaning, kamatis, at kamyas. Tumulong sa kanya ang ilang binatang nanliligaw sa kanya.
Para hindi mainip habag naghihintay na may mahuling isda ay hinawakan ni Iday ang alpa at anyong tutugtog. Nagpalakpakan ang kabataan at hinagkan ni Maria Clara si Iday.
“Kantahin mo, Victoria, ang ‘Kundiman ng Pag-iisang Dibdib’”, hiniling ng mga magulang.
Tumutol ang mga lalaki at nagdahilan namang namamaos na si Victoria kaya’t si Maria Clara naman ang hinilingang kumanta.
“Malungkot na lahat ang kanta ko,” wika ni Maria Clara.
“Hindi bale! Hindi bale!” sabay-sabay halos na sigawan ng lahat.
Hinawakan ni Maria Clara ang alpa. Tumugtog ng pasakalye at inawit ang isang kundiman sa mataginting, kasiya-siya, at madamdaming tinig.
Mga sandali’y matamis sa sarili nating bayan,
Dooý kaibigang tangi bawat sikatan ng araw;
Buhay ang sa hanging simoy na lumilipad sa parang
Kamatayan ay masarap, kay lambing ng pagmamahal!
Marubdob na mga halik ang naglalaro sa labi
Ng inang pagkagising na sa kandangaý bumabati;
Sabik kawitin ng bisig ang kanyang liig na pili,
At pagtatama ng tingin, mga mataý ngumingiti.
Kamatayan ay matamis nang dahil sa Inang-Bayan,
Dooý kaibigang tangi bawat sikatan ng araw;
Ngunit ang simoy ng hangiý mapait na kamatayan
Sa isang taong walang sariling lupa, ina’t kasintahan!
Dahan-dahang naglaho ang tinig; tumigil sa pag-awit at napipi ang alpa. Patuloy pang nakikinig ang mga naroroon. Walang pumalakpak isa man. Nangingilid ang luha sa mata ng mga dalaga. Walang imik si Ibarra at nakatanaw sa malayo ang sumasagwan.
Biglang pumailanlang ang nakatutulig at tunog. Napasigaw ang mga babaing nagsipagtakip ng tenga. Ang dahilan: hinipan ng malakas ni Albinong eminarista ang tambuli. Nagbalik ang sigla at tawanan ng lahat. Muling nagningning ang luhaang mga mata.
Nakangiti ang lahat. Pati na si Victoria. Pabulong na sinabi ni Sinang kay Maria Clara ang “Kay palad mo! Kung marunong lang ako ay kakanta rin ako!”
Sinabi ni Andeng na kumukulo na ang sinigang at hinihintay na lamang ang mahuhuling isda.
Inakyat ng binatilyong anak ng mangingisda ang isang baklad. Sabik na nakatingin ang lahat. Nakikini-kinita nila ang mga pumapasag na isda sa loob ng salok.
“Siguradong puno na yan” wika ni Albino. “Limang araw na kasing hindi napapandaw!”
Ngunit nang ilubog ng binatilyo ang salok ay wala isa mang isdang lumuksg. Itinaas niya ang salok. Kahit maliit na isda ay walang laman. Sumalok uli sa pabahay. Pareho rin ng dati. Walang nakuhang isda.
Kinuha ni nobyo ni Iday ang salok at siya ang naglubog sa tubig.
“Natitiyak ba ninyong limang araw itong hindi napapandaw?”
“Tiyak na tiyak ko na ang pinakahuling pagpandaw ay noon pang bisperas ng Todos los Santos,”anang isa
“Kung gayon, huwag lang engkanto ang lawa ay tiyak ding may mahuhuli ako.”
Inilubog ni Leon ang salok. Biglang nagbago ang kanyang mukha. Pinagala ang tingin. Kinalawkaw ng salok ang kanyang tubig at saka sinabing:”May buwaya!”
“Buwaya?”sigawan ng lahat.
Gulilat at nanghihilakbot ang mga naroroon.
“Anong sabi nýo? Buwaya?”
“May buwayang nakulong sa baklad!”wika ni Leon at inilubog ang kawayang hawakan ng salok.
“Hayan,”anya.”Naririnig nýo ba? Hindi buhangin yan kundi balat ng buwaya.”
“Hindi pa ako nakakakita ng buhay na buwaya,”mahinang wika ni Maria Clara.
Tumayo ang sumasagwan. Kumuha ng lubid at umakyat sa bubong ng bangka.
“Susmaryosep!”sigawan ng mga babae. “Maaaksidente tayo!”
“Huwag kayong mag-alala,mga ginang…,: wika ng matandang bangkero.”Marunong siya manghuli ng buwaya.”
“Ano ang ang pangalan ng binatang iyan?”tanong ng mga naroroon.
“Ang tawag po namin sa kanya ay “Ang Piloto”. Sa lahat ng nakita ko ay siya na ang pinakamahusay….”
Gumalaw ang tubig na parang hinahalo. Parang may pinaglalabanan sa ilalim. Hindi halos humihinga ang lahat. Mahigpit na hawak ni Ibarrra nag isang patalim.
Di nagtagal at lumitaw ang ulo ng binata. Masayang naghiyawan ang lahat. Umakyat sa bangka ang piloto. Hinaltak ang lubid at lumitaw ang buwayang may tali sa leeg at mga pang-unahang paa. Napakalaki ng buwaya at may lumot na sa likod. Umatungal ang buwaya at ipinaghampasan ang buntot sa bakod ng baklad. Ibinuka ang bunganga ar lumitaw ang mahahabang ngipin.
Isinampa ng piloto ang buwaya sa tuntungsn ng bangka. Tinuntungan sa likod at buong lakas na isinara ang nakabukang bunganga. Tinangka ng pilotong gapusin ang bunganga ng buwayangunit bigla itong bumaluktot. Inihampas ang buntot at pagkatapos ay biglang tumalon sa tubig… sa labas ng baklad, nakaladkad ang piloto.
Nanghihilakbot na napasigaaw ang lahat.
Mabilis na tumalon sa tubig si Ibarra. Hindi nawalan ng malay si Maria Clara pagkat ang mga Pilipina noon ay hindi pa natututong maghimatay.
Biglang pumula ang tubig. Tumalon sa lawa ang binatilyong mangingisda na hawak ang gulok. Sumunod din ang kanyang ama! Hindi pa halos sila nakasisisid ay lumitaw na si Crisostomo Ibarra at ang piloto. Hila nila ang patay na buwaya. Laslas ang tiyan nito at may saksak ng punyal sa lalamunan.
Tuwang-tuwa ang mga nasa bangka. Sabay-sabay nilang iniabot ang kanilang mga kamay para tulungan sa pagsampa ang dalawang binata. Parang baliw ang mga matatandang labis na tuwa at patuloy na pagdarasal ng pasasalamat. Nakalimutan tuloy ni Andeng ang nakasalang niyang sinigang na tatlong beses nang kumulo kaya’t natapong lahat ang sabaw. Walang kakibo-kibo si Maria Clara.
Hindi man lamang nagalusan si Ibarra. Ang piloto ay may maliit na sugat sa bisig.
“Utang ko sa inyo ang buhay ko!”wika ng piloto kay Ibarra habang nababalabal ng kumot.
“Masyado kayong mapusok!”sagot ni Ibarra.”Uli-uli ay huwag na niyong bibiruin ang Diyos!”
Nanginginig ang tinig na may ibinulong si Maria Clara sa kasuyo.”Kung hindi ka lumitaw ay…”
“Kung hindi na ako lumitaw ay sinundan mo ako,”dugtonng agad ng binata,”sa ilalim ng lawa ay makakapiling din sana ang aking pamilya!”Alam ni Ibarra na naroroon sa lawa ang kalansay ng knayang ama.
Ayaw na ng matatanda na magpunta sa ibang baklad. Ibig na nilang umuwi. Hindi maganda ang naging simula ng kanilang araw at posibleng masundan ng iba pang aksidente.
“Ano pa pong kapahamakan ang mangyayari gayong patay na ang buwaya,”paliwanag ni Ibarra.
Napilitan ang lahat na magpatuloy sa isa pang baklad. Nagluto uli ng sinigang si Andeng. Tumugtog si Iday sa alpa at ang ilang lalaki ay tumugtog naman ng gitara at akordiyon.
Nang panfawin ang baklad ay hintakot ng marami. Nangangamba silang baka naroroon ang babaing buwaya na asawa ng napatay. Ngunit sa halip ay panay na isda ang naiaahon ng salok.
“Masarap isigang ang ayungin,”ani Tiya Isabel.”Ang biya ay para sa eskabetse at ang mga dalag at buwan-buwan ay masarap namang ipesa. Puwedeng ibabad muna sa tubig ang dalag. Biyakin ang tiyan ng banak. Palamnan ng kamatis, balutin sa dahonng saging, at saka iihaw.”
Humanda ang lahat para umahon sa pampang ng kagubatang ari ni Ibarra. At sa ilalim sa tabi ng batis ay doon sila nagsikain ng pananghalian. Napapaligiran sila ng magagandang bulaklak at napapayungan ng balag.