Nagtatatakbong pauwi si Sisa na gulong-gulo ang isip. Hindi niya maunawaan ang nangyayari sa kani- yang buhay. Gumigitaw sa kaniyang isipan ang pagnanais na mailigtas ang kaniyang mga anak. Paano? Hindi magtatanong ang mga ina ng paraan kapag ang mga anak ang kasangkot.
Nang malapit na sa kaniyang bahay, natanaw niya ang dalawang guardia civil. Ganoon na lamang ang kaniyang panghihilakbot. Batid niya ang kalupitan ng mga ito, ang kati-gasan ng kanilang puso. Hindi tao ang mga guardia civil; mga guardia civil lamang sila. Hindi sila dumidinig ng mga samo at nahirati nang maka-kita ng luha. Tumingala siya sa langit. Huminto siya upang mapigil ang panginginig ng katawan. Nagpasala-mat siya sa Diyos nang makita niyang walang kasama ang mga ito bagama’t dala nila ang inahing manok na pina-tataba. Gusto sanang magtago ni Sisa ngunit tinawag siya ng isang guardia civil. Takot na takot na lumapit si Sisa na hindi nakuhang magsalita.
“Magtapat ka at kung hindi ay itatali ka namin sa puno at babarilin nang dalawang ulit,” ang wikang nag-babanta ng isang guardia civil.“Ikaw ba ang ina ng magna-nakaw?” ang wika ng guardia civil. “Nasaan ang salaping ibinigay sa iyo kagabi ng mga anak mo?”“Ang salapi…”
“Huwag kang magsinungaling at masasaktan ka. Huhulihin sana namin ang malaki ngunit nakatakas. Saan mo itinago ang maliit?” ang dugtong ng isa.“Ginoo, matagal ko na pong hindi nakikita si Crispin. Inakala kong makikita ko siya sa kumbento kaninang umaga subalit sabi roon sa akin…”
“Ginoo, hindi po magnanakaw ang mga anak ko kahit sila’y nagugutom. Sanay na po kaming magtiis ng gutom. Kahit halughugin ninyo ang aming bahay at gawin ninyo sa amin ang gusto ninyong gawin kung may makikita kayo kahit na sikapat. Walang iniwang salapi si Basilio. Hindi po magnanakaw ang lahat ng mahihirap.”
“Ayaw mong magsabi nang totoo? Kung gayo’y isasama ka namin at hindi pawawalan hanggang hindi isinasauli ng iyong mga anak ang kani-lang ninakaw.”
Pilit na isinama si Sisa ng mga guardia civil. Sa kabila ng kaniyang pagsusumamo at pagluha ay hindi na-pahinuhod ni Sisa ang mga ito. Naki-usap siyang mauna siya nang kaunti ngunit sa pag-aakalang tatakas siya, pinagitnaan siya ng mga ito hanggang sa bayan. Pumayag ang mga guardia civil na mauna siya ng dalawampung hakbang sa bayan subalit hindi siya maaaring tumigil. Lubusan siyang nawalan ng pag-asa at nakaramdam ng malaking kahihiyan. Tinakpan niya ng panyo ang kaniyang mukha.
Pagdating sa bayan ay pinahintu-lutan siyang mauna. Siyang paglabas ng mga taong nagsimba kaya binilisan ni Sisa ang paglakad, ngunit nawalan ito ng kabuluhan. Nakita pa rin siya. Naglakad siya na parang wala sa sarili kaya sinigawan siya ng guardia civil. Nakapasok siya sa kuwartel nang hindi niya namamalayan.
Magulo ang kuwartel. Maraming guardia civil, mga babae, mga baboy, at mga manok. May mga sundalong nananahi ng kanilang damit. Ang iba’y tumutulong sa paglilinis ng mga kasuotan at sandata habang umaawit.Tinanong ng guardia civil kung nasaan ang sarhento at kung ipinag-bigay-alam na sa Alperes ang pag-dating nila. Walang kumibo.
Pagkaraan ng dalawang oras na paghihintay sa isang sulok ng kuwar-tel, si Sisa’y pinawalan ng Alperes. Pinalayas si Sisa at halos ipagtulakan dahil ayaw niyang kumilos. Tangha-ling tapat na noon kaya nagmamadali siyang naglakad pauwi. Nang makara-ting siya sa kaniyang bahay, pumasok siyang walang kibo at lumakad-lakad sa lahat ng dako. Pumunta siya sa bahay ni Pilosopo Tasyo subalit wala ang matanda. Bumalik siya sa kani- yang dampa. Tumingala siya at nakita ang isang punit na piraso ng damit ni Basilio. Nasa dulo ito ng bila ng ding-ding na nasa tabi ng bangin. Kinuha niya ito at inaninaw sa sikat ng araw. Tila hindi niya pansin ang bahid ng dugo sa punit na damit. Nawawala na siya sa sarili.
Nagpatuloy siya sa paglilibot- libot habang sumisigaw at umuungol sa kakaibang tinig hanggang abutin siya ng gabi. Kinabukasan, nakita na lamang si Sisa na pagala-gala, ngingiti- ngiti, umaawit, at nakikipag-usap sa lahat ng nilalang ng kalikasan.