Walang tiyak na direksiyon, palakad-lakad sa kabayanan ang isang mahiwagang matandang lalaki buha sa sementeryo. Dati siyang estudnyante sa pilosopiya. Natigil siya pag-aaral hindi dahil sa kaniyang kahirapan o kahinaan ng ulo, kundi dahil sa pagsunod sa kagusuhan ng kanyang ina. Ang totoo ay mayaman ang kanyang ina, at may likas na talino ang binata. Natatakot lamang ang ina na baka kung may dunong na ang anak ay makalimot sa Diyos. Pinapili niya ang kanyang anak magpari o iwan ang Kolehiyo de San Jose. Huminto sa pag-aaral ang binata at nagpakasal sa kaniyang nobya. Wala pang isang taon ay nabiyudo na siya. Namatay rin ang kanyang ina. Upang malibang ay nagbasa siya nang nagbasa ng iba’t ibang aklat. Ngunit dahil sa pagkalulong sa pagbabasa ay napabayaan ang kanilang kayamanan at ari-arian hanggang sa tuluyang naghirap. Ang tawag sa kaniya ng mga may pinag-aralan ay Don Anastacio o Pilosopo Tasyo, samantalang Tasyong baliw naman ang tawag ng mga di nag-aral dahil sa kakaiba niyang kilos at pananalita.
Nang hapong iyon ay nagbabanta ang unos. Gumuguhit sa langit ang kidlat. Maalinsangan ang simoy ng hangin.
“Masaya yata kayo,” batik ay Tasyo ng nasalubong niya ng lalaki sa may simbahan. Sa damit nitong alpaca at may borlas na baston ay mapagkikilalang isa itong awtoridad.
“Totoo po, Kapitan…… Masaya ako pagkat mayroon akong hinihintay!”
“Hinihintay na ano?”
“Ang unos!”
“Ang unos? Maliligo ba kayo?” may himig pagbibirong tanong ng kapitan at hinagod ng tingin ang kausap na simple ang suot.
“Maligo? Hindi po masama, lalo na kung naktuntong ng marumi,” pabiro ring sagot ni Tasyo na may bahid panghahamak ang tinig. “Ngunit naghihintay ako ng higit na mabuting mangyayari,”
“Ano nga poi yon?”
“Kidlat na papatay ng mga tao at susunog ng mga bahay,” seryosong wika ng pilosopo.
“Ipanalangin na rin ninyong mauwi na sa delubyo,”
“ Siyang bagay sa ating lahat. Sa inyo at sa akin! Sampung taon ko nang hinihiling sa bawat bagong kapitan ang pagbili ng pang-akit ng kidlat o lightning rod ngunit pinagtatawanan lamang ako ng mga tao. Sa halip ay mga paputok, kuwitis ang kanilang binibili. Nagbabayad din sila para repekehin ang kampana.. gayong ayon sa siyensiya ay delikadong tugtugin ang kampana kapag kumukulog.”
Biglang gumuhit ang isang matalim na kidlat.
“ Susmaryosep! Santa Barbarang mahal!” putlang-putlang naibulong ng kapitan na sinabayan ng pagkukrus.
Tumawa nang malakas si Pilosopong Tasyo. Tumalikod at nagtungo sa smbahan. Sa loob ay naratnan niya ang dalawang batang lalaki, isang sasampuin at isang pipituhing taong gulang.
“Tayo na, mga bata!” anang matanda. “Ipinaghanda kayo ng inyong ina ng pangkurang hapunan!”
“Ayaw po kaming paalisin ng sakristang mayor hanggang alas-otso ng gabi,” sabi ng mas malaki. “Sana po ay masuweldo ako para may maibigay sa nanay ko,”
“Ano’ng gagawin ninyo ngayon?”
“Tutugtugin po naming ang kampana sa kampanaryo para sa mga kaluluwa,”
“Mag-ingat kayo! Huwag kayong lalapit sa kampana kapag kumukulog,”
Lumabas ng simbahan ang matanda at nagtuloy sa kabahayanan.
“ Daan muna layo!” bati sa wikang Kastila ng isang nakadungaw na kakilala. “Ano po ang binabasa ninyong iyan?” tanong naman ni Tasyo na itinuturo ang librong hawak ng nag-iimbita.
“Tungkol po sa mga hirap na tinitiis ng mga banal na kaluluwa sa purgatory!” nakangiting sagot ng tinanong.
“Sus! Palagay ko’y sobra ang talino ng sumulat niyan,” bulalas ni Pilosopong Tasyo habnag umaakyat sa bahay.
Ang lalaking nag-iimbita, si Don Filipo Lino, at ang batambatang ginang nito na si Donya Teodora Vina ay magiliw na sumalubong sa matanda. Si Don Filipo ang tenyenteng mayor ng bayan.
“Nakita n’yo bas a sementeryo ang ank ng nasirang Don Rafael Ibarra na kararating lamang mula sa Europa?”
“Opo…Nakita ko nang bumababa sa karwahe,”
“Nagpunta raw roon para hanapin ang libing ng kaniyang ana. Malamang na ito’y nagsilbing matinding dagok sa kanya,”
Nagkibit lamang ng balikat si Pilosopong Tasyo
“Parang walang kuwenta sa inyo ang nangyari sa kanya,” anang ginang.
“Ginang……. Alam naman ninyong aanim katao ang nakipaglibing sa kanya at isa na ako rito. Ako rin ang siyang nakipagkita sa Kapitan Heneral nang ang lahat ditto, kabilang na ang mga awtoridad, ay magsawalang-kibo pagkaraang lapastanganin ang kanyang libing. Kung sabagay, ang isang mabuting tao ay mas pinahahalagahan ko kung buhay kaysa kung patay na,”
Sa kanilang pag-uusap ay nabanggit ni Aling Doray ang tungkol sa purgatory. Sinabi naman ni Don Filipo na si Don Anastacio ay hindi naniniwala sa purgatory.
Napatayong bigla si Pilosopong Tasyo.
“Hindi kanyo ako naniniwala sa purgatory?” ulit niya. “Aba, e, alam ko pa ang kasaysayan nito!”
Nagpatuloy ang matanda, “Ang isipang nananalig sa purgatoryo ay mabuti banal, at makatwiran. Dahil sa purgatoryo ay hindi nalalagot ang pagkakaugnay ng mga buhay sa mga patay.”