Mga Salitang Hudyat sa Pagkakasunod-sunod ng mga Pangyayari

Sa maraming pagkakataon, táyo ay nagbibigay ng mga pagkakasunod-sunod ng mga bagay, pangyayari, panuto, at iba pa. Mahalaga kung gayon na alam natin ang mga salita, kataga, o pahayag na nagpapakita ng wastong pagkakasunod-sunod para magamit natin ayon sa pangangailangan.

  • Kapag ang pinagsusunod-sunod ay mga pangngalan, gumamit ng mga pang-uring pamilang na panunuran o ordinal. Ang mga bilang na ito ay makapagpapakita ng pagkakasunod-sunod ng mga tao, bagay, hayop, lugar, at gawain.
  • Halimbawa: Una si Doris, pangalawa si Mario, pangatlo si Anna.
  • Kapag ang pinagsusunod-sunod ay proseso o paraan ng pagsasagawa ng isang bagay tulad ng sa pagluluto, paglalaba, pagkukumpuni ng sasakyan, o paggawa ng iba’t ibang bagay, o iyong mga tinatawag na tekstong prosidyural, makatutulong ang paggamit ng sumusunod:
  • Mga salitang nagpapakita ng pagkakasunod-sunod tulad ng una, kasunod, panghuli, at iba pa.
  • Paggamit ng mga salitang hakbang + pang-uring pamilang o ang salitang step + pang-uring pamilang Halimbawa: STEP 1, STEP 2, STEP 3 hakbang, Ikatlong hakbang
  • Halimbawa: Unang hakbang, Ikalawang hakbang, ikatlong hakbang
  • Kapag naman pangyayari sa kuwento ang pinagsusunod-sunod, madalas ay hindi na ginagamitan ng mga salitang nagpapakita ng pagkakasunod-sunod o time sequence subalit mahalagang nabasa at naunawaang mabuti ang kuwento sapagkat mga pangyayari lang ang ilalahad na kailangang ayusin ayon sa kung paano naganap sa binása. Maaaring gumamit ng mga pang-ugnay.

Ang pang-ugnay ay maaaring gamitin bilang:
Pagpapakilala ng naunang pangyayari: sa simula, noon, dati, una, bago ito, mula noon

Halimbawa:
Sa simula, may mag-inang nakatira sa isang malayong pook.

Pagpapakilala ng kasunod na pangyayari: sumunod, pagkatapos, pagkaraan, pagdaka, kalaunan, maya-maya pa, hanggang, ikalawa (at mga sumunod)
Halimbawa:
Nang sumunod na araw, nagkasakit si Aling Rosa.
Hindi siya makabangon at makagawa ng mga Gawaing, bahay. Pagkatapos inutusan ni Aling Rosa si Pinang na ipagluto ito ng lugaw ngunit sa kanyang pagluluto ay hindi ito matagpuan ang sandok.

Pagpapakilala ng panghuling pangyayari: sa huli, sad ulo, sa waks, sa ngayon katapos-tapusan, pagkatapos ng lahat

Halimbawa:
Sa huli napagalitan siya ng kanyang ina at sinabihang sana ay magkaroon nang maraming mata para magamit niya sa paghahanap. Nawala si Pinang at natagpuan ni Aling Rosa ang isang uri ng halamang namumulaklak. Ito ay hugis tao at napapalibutan ng mata at bigla niyang naalala si Pinang.

Sanggunian: Pinagyamang Pluma 7