Dula: Kahulugan, Bahagi at Uri


Ang dula ay isang uri ng panitikan. Nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo. Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado. Mauunawaan at matutuhan ng isang manunuri ng panitikan ang ukol sa isang dula sa pamamagitan ng panonood. Ang karamihan sa mga dulang itinatanghal ay hango sa totoong buhay maliban na lamang sa ilang dulang likha ng malikhain at malayang kaisipan.

Ayon kay Aristotle ito ay imitasyon o paggagagad ng buhay. Ayon naman kay Rubel, ito ay isang maraming paraan ng pagkukwento. Kay Sauco naman ito ay sining na may layuning magbigay ng makabuluhang mensahe sa manonood sa pamamagitan ng kilos ng katawan, dayalogo at iba pang aspekto nito.

Bahagi ng Dula

  • Yugto o Act: Kung ang nobela ay may kabanata sa dula naman ay yugto. Ito ang pagkakahati-hati ng mga pangyayari sa tagpo.
  • Tanghal o Scene: Bumubuo sa yugto. Pagbabago ng tagpuan ayon sa kung saan gaganapin ang susunod na pangyayari.
  • Tagpo o Frame: Paglabas pasok ng mga aktor kung sino ang gumanao o gaganap sa eksena.

Uri ng Dula

  • Trahedya: nagwawakas sa pagkasawi o kamatayan ng mga pangunahing tauhan.
  • Komedya: Ang wakas ay kasiya-siya sa mga manonood dahil nagtatapos ng masaya sapagkat ang mga tauhan ay magkakasundo.
  • Melodrama: Kasiya-siya rin ang wakas ngunit may mga bahaging malungkot.
  • Parsa: Ang layunin nito’y magpatawa sa pamamagitan ng mga pananalitang katawa-tawa.
  • Saynete: Mga pangkaraniwang pag-uugali o pangyayari ang pinapaksa nito.
  • Tragikomedya: Magkahalo ang katatawanan at kasawian. Ngunit sa huli ay nagiging malungkot ang wakas dahil sa pagkamatay ng mga tauhan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *