Tula: Kahulugan at Elemento


Ang tula ay isang akdang pampanitikang naglalarawan ng búhay, hinango sa guniguni, pinararating sa ating damdamin at ipinahahayag sa pananalitang may angking aliw-iw. Ito ay naiiba sa ibang sangay ng panitikan sapagkat ito ay nangangailangan ng masusing pagpili ng mga salita, pagbilang ng mga pantig, at paggamit ng magkakatugmang salita upang madama ang isang damdamin o kaisipang nais ipahayag ng isang manunulat.Ang tula ay isang mabisang paraan ng pagpapahayag ng mga kaisipan, damdamin, imahinasyon, at mithiin sa buhay. Sa pamamagitan ng tula naipararating ng may katha sa mga bumabasa o nakikinig ang kanyang nararamdaman at naiisip. Bunga nito, taglay ng mga tula ang iba’t ibang paksa. Narito ang ilan sa mga karaniwang nagiging paksa ng mga tula partikular sa Asya.

Elemento ng Tula

  • SUKAT – tumutukoy sa bilang ng pantig sa bawat linya o taludtod

Halibawa: Saknong mula sa tulang Sa Aking mga Kabata ni Dr. Jose Rizal

Mga Uri ng Sukat: Wawaluhin, lalabindalawahin, lalabing-anim atbp.

  • Saknong – grupo sa loob ng isang tula na binubuo ng dalawa o higit pang taludtod o linya.
  • Taludtod – ay linya na nasa loob ng isang saknong.
  • Tugma – Isang katangian ng tula na hindi angkin ng mga akdang tuluyan. Sinasabing may tugma ang tula kapag ang huling pantig ng huling salita sa bawat taludtod ay magkakasintunog. Lubha itong nakgaganda sa pagbigkas ng tula. Ito ang nagbibigay sa tula ng angkin nitong himig o indayog.

Ang hindi magmahal sa kanyang salita
Mahigit pa sa hayop at malansang isda,
Kaya ang marapat pagyamaning kusa             
Na tulad sa inang tunay na nagpala.

Ang saknong na ito may tugmaang nagtatapos sa tunog “a”

  • Kariktan – Kailangang magtaglay ng maririkit na salita upang masiyahan ang mambabasa gayon din mapukaw ang damdamin at kawilihan. Ang isa sa pinakatanyag na panitikang kakikitaan nito ay ang awit ng Florante at Laura ni Francisco Balagatas Baltazar.
  • Talinghaga – paggamit ng mga tayutay at matatalinhagang salita upang mas mapagyaman ang pagpapakahulugan ng isang tula. Tulad ng pagsasatao, onomatopiya, metapora, simili at iba pa. Gumagamit nito sa tula upang ang limtadong mga salita ay magkaroon ng higit pang pagpapakahulugan.
  • Anyo o Porma – Ito ay maaaring maging tradisyunal o modernista.

Tradisyunal

May mga naniniwalang kailangan nating manatiling nakaugat sa tradisyong Pilipino para hindi matangay ng agos ng rumaragasang kulturang dayuhan dahil bahaging-bahagi raw ito ng tula. Dapat tungkol sa pag-ibig at buhay nayon. Dapat may makabayang tunguhin. Dapat panatilihin ang mga dating anyo ng tula lalo na ang mga katutubong anyo tulad ng dalit at tanaga, at ang anyong awit na ginamit ni Balagtas na makikita sa mga berso ng balagtasan. Sa tulang tradisyunal ay gumagamit ng mga sukat at tugma.

Sukat- bilang ng pantig sa bawat taludtod

Tugma- Pare-parehong tunog sa dulo ng mga panghuling salita sa taludtod

Modernista

Ngunit may mga nagrereklamo na masyado naman daw ang pagkapit ng ibang makata sa tinatawag nilang “makalumang” gawi at paksa. Dahil daw gustong gawing perpekto ang sukat at tugma, nakalimutan na raw ang diwa. Ganito ang sinasabi nina Alejandro G. Abadilla (o AGA) at ng kaniyang mga tagasunod. Sila ang maaaring sabihing nagsimula ng Modernong tula. Mga tula itong madalas ay hindi nakakulong sa sukat at tugma, at iniisip na ang sarili.Hindi nakatuon sa ideya kundi sa totoong nararanasan ng nagsusulat.

Mga Sanggunian:

Pinagyamang Pluma 9, by Ailene G. Baisa-Julian, Mary Grace G. del Rosario, Nestor S. Lontoc ISBN 978-971-06-3652-6, p. 166-168


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *