Kilala mo ba kung sino si Raden Adjeng Kartini? At kanyang mga naging ambag sa bansang Indonesia? Halina’t atin siyang kilalanin.
- Siya ay ipinangak noong April 21, 1879 sa Mayong Java Indonesia, siya ay kabilang sa isang mayamang pamilya.
- Ang kanyang ina na si Ngasirah ay anak ng isang relihiyosong iskolar at ang kanyang ama naman ay nagtatrabaho sa Kolonyal na Pamahalaan ng mga Dutch.
- Sa edad na 6, nakapag-aral sa isang paaralang pinamamahalaan ng mga Dutch at dito namulat ang kanyang isipan tungkol sa mga ideolohiyang kanluranin.
- Si Ovink-Soer kanyang guro sa pananahi ang nagturo sa kanya ng mga ideyang peminista.
- Nung siya ay nagdalaga na, kinailangan na niyang umalis sa paaralang Dutch at siya’y nag-aral sa isang paaralan kung saan nararapat ang isang babaeng marangal.
- Dahil hindi siya sanay sa ganitong uri ng paaralan nilibang niya ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pagsusulat ng liham sa kanyang guro na si Ovink Soer at sa kanyang mga dating kamag-aral
- Nais niyang maging malaya sa tradisyon nila tungkol sa pagtingin sa mga kababaihan na sa maagang edad ay kailangan ng mag-asawa.
- Nobyembre 8, 1903 sa edad na 24 ay tinanggap niya ang isang kasal.
- Ikinasal siya kay Raden Adipati Joyodiningrat, regent ng Rembang, 26 na taong gulang, at noon ay mavroon na tatlong asawa at labindalawang anak.
- Mayroon sana siyang pagkakataon na makapag-aral sa ibang bansa. Hindi ito naisakatuparan sapagkat siya’y kasal na.
- Dahil sa pagnanais niyang ipaglaban ang karapatan ng mga kababaihan nagpatayo siya ng paaralan na sinang-ayunan naman ng kanyang asawa. Naisakatuparan naman ito sa tulong ng pamahalaang Dutch.
- Noong 1903 binuksan ang kanyang paaralan para sa mga kabataang babae ng Java. Kung saan itinuturo niya ang isang progresibong kurrikulum mula sa kaluranin. Nais niyang mamulat rin ang mga kabataan tungkol sa kanilang mga karapatan, kahalagahan ng edukasyon at kalayaan.
- Ang kanyang naging tagapayo ay si Estella Zeehandeelar kung saan siya’y sumusulat ng liham dito at ang karaniwang nilalaman ay tungkol sa pagtakas at paglaya sa isang lumang tradisyon.
- Noong Setyembre 17, 1904 sa edad na 25 siya ay pumanaw dahil sa komplikasyon sa panganganak.
- Tuwing Abril 21 sa bansang Indonesia ay ipinagdiriwang ang Araw ni Kartini bilang pag-alala sa kanyang naging malaking ambag sa sistema ng edukasyon para sa mga kababaihang Indonesian.
- Si Jacques H. Abendanon ang naglathala ng kalipunan ng mga liham niya na pinamagatang “From Darkness to Light: Thoughts About and on Behalf of the Javanese People.”
Sanggunian:
- Anonymous [Raden Adjeng Kartini] (1898), “The Jepara Manuscript.” Presented at Nationale Tentoonstelling van Vrouwenarbeid 1898.Reprinted in Rouffaer and Juynboll (1912), De Batik-Kunst in Nederlandsch-Indië en haar Geschiedenis op Grond van Materiaal aanwezig in ’s Rijks Etnographisch Museum en Andere Openbare en Particuliere Verzamelingen in Nederland.
- Anonymous [Raden Adjeng Kartini] (1899), “Het Huwelijk bij de Kodja’s.” Bijdragen tot de Taal, Land, en Volkenkunde van Nederlandsch-Indië, vol. 6, no.1