Ang pag-uugnayan ng iba’t ibang bahagi ng pagpapahayag ay mahalaga upang makita ang pag-uugnayang namamagitan sa pangungusap o bahagi ng teksto. Sa Filipino, ang mga pang-ugnay na ito ay kadalasang kinakatawan ng pang-angkop, pang-ukol, at pangatnig.
- Pang-angkop – ito ay ang mga katagang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan. Ito ay nagpapaganda lámang ng mga pariralang pinaggagamitan. May dalawang uri ng pang-angkop.
- Ang pang-angkop na na ay ginagamit kapag ang unang salita ay nagtatapos sa katinig maliban sa n. Hindi ito isinusulat nang nakadikit sa unang salita. Inihihiwalay ito. Nagigitnaan ito ng salita at ng panuring.
Halimbawa: mapagmahal na hari
Kapag ang unang salita naman ay nagtatapos sa titik n tinatanggal o kinakaltas ang n at ikinakabit ang -ng
Halimbawa: huwarang pinunò
- Ang pang-angkop na -ng ay ginagamit kung ang unang salita ay nagtatapos sa mga patinig. Ikinakabit ito sa unang salita.
Halimbawa: mabuting kapatid
2. Pang-ukol- Ito ay kataga/salitang nag-uugnay sa isang pangngalan sa iba pang mga salita sa pangungusap. Narito ang mga kataga/pariralang malimit na gamiting pang-ukol.
sa/kay ayon sa/kay hinggil sa/kay | kay/ kina ukol sa/kay alinsunod sa/kay | laban sa/kay tungkol sa/kay para sa/kay |
3. Pangatnig sa mga kataga/salita na nag-uugnay ng dalawang salita, parirala, o sugnay
- Pangatnig na pandagdag: Nagsasaad ng pagpuno o pagdaragdag ng impormasyon.
Halimbawa: at, pati
- Pangatnig na pamukod: Nagsasaad ng pagbubukod o paghihiwalay.
Halimbawa: o, ni, maging
- Pagbibigay sanhi/dahilan: Pag-uugnay ng mga lipon ng salitang nagbibigay-katwiran o nagsasabi ng kadahilanan.
Halimbawa: dahil sa, sapagkat, palibhasa
- Paglalahad ng bunga o resulta: Nagsasaad ng kinalabasan o kinahinatnan.
Halimbawa: bunga, kayâ o kayâ naman
- Pagbibigay ng kondisyon: Nagsasaad ng kondisyon o pasubali.
Halimbawa: kapag, pag, kung, basta
- Pagsasaad ng kontrast o pagsalungat: Nagsasaad ng pag-iba, pagkontra o pagtutol.
Halimbawa: ngunit, subalit, datapwat, bagama’t
Sanggunian: Pinagyamang Pluma Phoenix Publishing House