Pangngalan: Gamit, Kasarian at Kaukulan


Gamit ng Pangngalan (Uses of Noun)
  • simuno o paksa ng pangungusap (subject of a sentence)
    • Ito ang pangngalang pinag-uusapan sa pangungusap. (hal. Ang lugaw ay masarap.)
  • panaguri ng pangungusap (predicate noun)
    • Ang mga panaguring pangngalan ay nagpapakilala kung ano o sino ang simuno. (hal. Si Miguel ay anak ng mahusay na doktor.)
  • kaganapang pansimuno (subject complement)
    • Ang simuno at isa pang pangngalan sa panaguri ay iisa. (hal. Si Hesus ay kinikilalang Diyos ng mga Hudyo.)
  • layon ng pandiwa  (object of a verb)
    • Ang pangngalan ang tumatanggap ng kilos sa pangungusap. Sumasagot ito sa tanong na ano. (hal. Kumain ng biscuit ang mga bata.)
  • layon ng pang-ukol (object of a preposition)
    • Ito ang pangngalang pinaglalaanan ng kilos o bagay. Maaaring gamitin ang mga pang-ukol na sa, ng, para sa, para kay, tungkol sa at marami pang iba. (hal. Ang mga alahas ay para kay Inay.)
Kasarian ng pangngalan (gender of a noun)

Masasabing walang partikular na babae o lalaki sa mga pangngalan. Ngunit matutukoy ang kasarian ng pangngalan kapag nilalagyan ng salitang “lalaki” o “babae” bago o pagkatapos ng salitang kinauukulan. Halimbawa: batang babae, batang lalaki, lalaking aso, babaing pusa.

Mayroon din namang mga salitang hindi na kailangang lagyan ng mga salitang “lalaki” o “babae” kung likas na matutukoy ang kasarian ng isang pangngalan. Kadalasang matutukoy din ang kasarian sa pangngalan o palayaw. Halimbawa, kadalasang lalaki ang mga pangngalang tunog “o” at babae naman kapag tunog “a”. 

  • Pangngalang Panlalaki (Masculine Noun) (hal., tatay, tito, lolo)  
  • Pangngalang Pambabae (Feminine Noun) (hal., nanay, tita, lola)  
  • Pangngalang Di-tiyak ang Kasarian (Common Noun) (hal., kaibigan, pinsan, anak)  
  • Pangngalang Walang Kasarian (Neuter Noun) (hal., bola, puno, sahig)  
kaukulan ng pangngalan  (noun case)

Palagyo (Nominative case)- kung ang pangngalan ay ginagamit bilang: 

  • Simuno-ang pinag-uusapan sa pangungusap 
    • Hal. Si Indarapatra ay mabuti sa mga tao. (pinag-uusapan) 
  • Pantawag-pangalang sinasambit o tinatawag sa pangungusap 
    • Hal. Indarapatra, ang buti mo sa amin! (tinatawag, sinasabing pangalan sa pangungusap) 
  • Kaganapang Pansimuno-ang simuno at ang isa pang pangngalan sa panaguri ay iisa. 
    • Hal. Si Indarapatra ay mabuting pinuno. (Isa pang pangngalang nagsasabi tungkol sa simuno na nasa bahaging panaguri.) 
  • Pamuno-ang pangngalang tumutukoy sa simuno at nasa bahagi rin ng simuno 
    • Hal. Si Indarapatra, ang pinuno, ay mabuti sa mga tao. (parehong nasa bahagi ng simuno ang dalawang pangngalan) 

Palayon (Objective Case)-kung ang pangngalan ay ginagamit bilang: 

  • Layon ng Pandiwa-kung ang pangngalan ay tagatanggap ng kilos at sumasagot sa tanong na ano o sino. 
    • Hal. Binigyan ng sandata ni Indarapatra ang kapatid. (Ano ang ibinigay?) Tinulungan ni Indarapata ang mga tao. (Sino ang tumulong?) 
  • Layon ng Pang-ukol-kung ang pangngalan ay pinaglalaanan n kilos at kasunod ng pang-ukol. 
    • Hal. Ang sandata ay ginamit niya sa kaaway. (ano ang pinaglaanan?) 

Possesive Case/ Paari-kung may dalawang pangngalang magkasunod, ang ikalawa pangngalan ay nagpapakita ng pagmamay-ari.

  • Hal. Ang singsing ni Indarapatra ay makapangyarihan. (singsing nino?)