TALASALITAAN:
- balisa – Hindi mapalagay, ligalig ang kalooban.
- direktorsillo – ikalawang pinakamataas na posisyon kasunod ng alperes
- yantok – Halamang gubat na nabibílang sa mga angkan ng palmang Calamus at Daemonorops na ang tíla baging na katawan ay lumaki nang gaihip at kung matuyo ay gámit sa paggawa ng mga panali, silya, tungkod, basket
- nagngingitngit – Matinding pagkagalit; gálit na pigíl.
- amoy na nakababaligtad ng sikmura – napakabahong amoy
MGA PANGUNAHING TAUHAN SA KABANATA
- Alperes
- Padre Salvi
- Donya Consolacion
- Tarsillo/ Tarsilyo
Buod ng Kabanata
Ang mga gwardya sibil ay halatang balisa habang pinagbabantaan ang mga batang sumisilip sa puwang ng mga rehas upang matukoy ang mga nadakip. Makikita roon ang alperes, direktorsillo, si Donya Consolacion at ang kapitan.
Bago ang ika-siyam, dumating ang kura upang tanungin si alperes kung nasaan si Ibarra at Don Filipo kasunod ang umiiyak na batang duguan ang salwal. Doon iniharap sa kura ang dalawang natirang buhay na bihag ng mga sibil, isa rito ay si Tarsilo.
Pilit na tinatanong ang bihag kung may kinalaman sa paglusob si Ibarra ngunit sinasagot nito na wala itong alam at ang dahilan ng paglusob ay ang paghihiganti sa kanilang amang pinatay ng mga sibil.
Dinala ang bihag patungo sa mga bangkay kung saan niya nakita ang kapatid na si Bruno, si Pedro at si Lucas. Pilit na tinatanong pa rin ito ngunit hindi siya sumasagot kaya’t ipinag-utos ng alperes na paluin siya ng yantok hanggang magdugo ang kaniyang katawan.
Dahil hindi nila mapaamin ang bihag ay ibinalik na lamang ito sa bulwagan kung saan niya nakita ang isang bilanggong umiiyak at nananalangin sa mga santo. Muling tinanong ang bihag kung kilala niya ang bilanggo ngunit sinabi niyang ngayon niya lamang nakita ito.
Pinagpapalo ulit ang bihag dahil dito at nagdugo ang buong katawan. Hindi ito kayang tignan ng kura kaya’t lumabas na lamang itong namumutla at sa labas nakita ang dalagang waring nagbibilang ng mga nasa loob. Siya ay ang kapatid na dalaga nila Bruno at ng bilanggong si Tarsilo.
Binulungan ng asawa ang alperes na nagngingitngit upang lalong pahirapan si Tarsilo ngunit nag makaawa na lamang ang bihag na patayin na lamang siya agad.
Itinimba na lamang ang bihag sa balong may tubig at amoy na na kakabaligtad ng sikmura dahil wala silang makuhang impormasyon mula rito at dito na namatay si Tarsilo.
Mensahe at Implikasyon ng Kabanata:
- Ang kabanatang ito ay nagpapakita ng kalupitan ng mga gwardiya sibil sa mga nahuling nanggulo sa kwartel. Inilarawan dito ang pamamalo, pagdura at paglublob sa isang balong may nakasusulasok na amoy.
- Si Tarsilyo ang bihag na inilarawan sa Kabanata sinabi rin niya na ang dahilan ng kanyang pagsali sa kaguluhan ay upang maipaghiganti ang kanyang ama na namatay sa palo ng mga gwardiya sibil. Maaaring hindi naging matagumpay ang kanyang paghihiganti sapagkat ang naging kapalit nito ay ang kanyang sariling buhay at buhay ng kapatid niyang si Bruno
- Kung sa kasalukuyan maiuugnay ito sa nangyayaring police brutality.
- May mga pagkakataong iniuutos ng nakatataas ang maximum tolerance sa pamamahala ng isang sitwasyon kung saang maaaring may buhay na nakasalalay ngunit kung minsan kapag nasa matinding sitwasyon na ang kapulisan nakagagamit na rin sila ng dahas upang ipagtanggol ang nakrarami.
- Sa pagbabasa ng kabanatang ito maaaring magalit tayo sa paraang ginawa ng mga sibil upang mapaamin si Tarsilyo at maawa naman sa kanyang kalunos-lunos na kinalalagyan.