Nang sumapit ang gabi at masindihan ang mga ilawan sa bintana ay inilabas ang pang-apat na prusisyon sa saliw ng mga dupikal ng kampana at putok ng mga rebentador at kuwitis.
Ang Kapitan-Heneral, na nagsusuri sabayan na kasama ng dalawang ayudante, ni Kapitan Tiago, ng gobernador-probinsyal, ng puno ng mga guardia civil, at mga pulis, ay inimbitang manood ng prusisyon mula sa bahay ng alkalde. Doon ay nagtayo ng isang maliit na entablado namay altar sa harap na siyang pinagdarausan ng mga dasal na papuri s apatron.
Higit sanang ikasisiya ni Ibarrang panoorin na lamang ang prusisyon mula sa bahay ni Kapitan Tiago na kinaroroonan ni Maria Clara at ng mga kaibigan nito dangan at desidido and Kapitan-Heneral na making ng patulang dasal sa patron kaya’t inaliw na lamang niya ang sarili sap ag asang makikita rin niya ang dalaga sa dulaan.
Tatlong sakristang may dala ng mga kandelerong pilak ang nangunguna sa prusisyon. Sinusundan sila ng mga batang nag-aaral na kasama ng kanilang guro. Sumusunod naman ang mga batang lalaking may dalang mga parol na may iba’t ibang hugis at kulay na nakasabit sa mga tukod na kawayan. Sila-sila mismo ang gumastos sa mga parol na ito s autos ng kanilang mga lider ng nayon.
Sa pagitan ng dalawang hanay ng mga umiilaw sa prusisyon ay palakad-lakad ang mga guardia civil at pulis na siyang nangangalaga sa kaayusan. May hawak silang mga pamalo sa ginagamit upang mapanatiling matuwid ang bawat hanay.
“Ginoong Gobernador,” bulong ni Ibarra. “Ang pagpalo po ba nila ay bilang pagpaparusa sa kanilang kasalanan o para sa pansariling kasiyahan lamang?”
“Tama kayo, Ginoong Ibarra,” tugon naman ng Kapitan-Heneral.” Ang pagpapamalas na ito ng… barbarism ay nakakaiilang sa mga dayuhan dapat ay ipinagbawal natin ito.”
Sa hindi malamang dahilan ay nangunguna sa mga santo sa prusisyon si San Juan Bautista. Sa unang tingin pa lamang ay mapapansin agad na waring hindi ikinasisiya ng mga tao ang reputasyong ito ng pinsan ng ating Panginoon. Oo nga at ginawang makinis na tulad ng isang babae ang kanyang mga binti at paa ngunit mukha naman siyang ermitanyo. Bukod ditto ay nakalulan siya sa isang lumang karong kahoyo. Sa halip na nagliliwanag ay iilan-ilan lamang na kabataan ang nakakaagapay sa santo at ni hindi nag-abalang sindihan ang kanilang mga parol.
“Buwisit!” bulalas ni Pilosopong Tasyo habang pinapanood ang prusisyon sa gilid ng kalye. “Ni hindi nila isinaalang-alang na ikaw ang may dala ng magandang balita tungkol sa ating Panginoon, at ni hindi naisip na maging si Jesus ay nagpakababa sa harap mo. Walang halaga sa mga taong ito ang iyong mataos na pananampalataya, ang iyong pagpapakasakit at pagpapakamatay alang-alang sa iyong paniwala. Mas kapaki-pakinabang sa isang tao na maging masamang tagapangaral sa simbahan kaysa maging mataginting na tinig na sumisigaw sa ilang dapat ituro ito sa iyo ng Pilipinas. Kung ang kinain mo ay pabo sa halip na mga balang, nagdamit ng seda sa halip na balat ng mababangis na hayop, kung sumapi ka lamang sa isang kapatirang panrelihiyon…”
Ngunit pinutol ng matanda ang iba pa niyang sasabihin. Dumarating na si San Francisco.
“Gaya ng sabi ko,” patuloy niyang nakangisi. “Ang isang ito ay nakasakay sa karong may gulong, at pagpalain nawa tayo ng Diyos, napakagandang karosa! nnaliwanagan nang ganito, Giovannie Bernardone, iyan ang pangalan mob ago ka nagging si San Francisco! At kay gandang musika! Ang iyong mga anak ay lumikha ng tugtugin nang mamatay ka. Banal at mapagkumbabang tagapagtatag na orden, kung makababalik ka lamang ngayon sa lupa,ang makikita mo ay ang mga hamak na nakapalitng iyong excommunicated vicar na si Elias ng Cortona, at marahil ay daranas din ng tulad ng sinapit ni Caesarius ng Speyer na pinatay sa loob ng bilangguan ng isang kapatid sa orden dahil sa paghingi ng reporma!”
Kasunod ng banda ang isang sagisag na may imahen ng nasabi ring santo, ngunit may pitong pakpak na taglay ng tersiyaryo ng orden na nakadamit ng maong sa abito at malungkot na nananalangin sa malakas na tinig.
Sumusunod naman ang isang napakagandang imahen ni Santa Maria Magdalena na nakalugay ang buhok, hawak sa pagitan ng may mga singsing na daliri ang isang panyong jusi, at nakadamit ng sedang nahihiyasan ng mga ginto. Naliligid siya ng liwanag at insenso at ang Kristal na luha sa kanyang pisngi ay nagbibigay-kislap sa tama ng iba’t ibang kulay ng Bengal lights. Lumilitaw tuloy na ang santa ay lumuluha nang kulay luntian, kung minsan ay pula at kung minsan ay bughaw. Hindi sinindihan ang Bengal Lights sa tapat ng mga bintana ng bahay kundi nang magdaan na lamang ang karo ni San Francisco. Walang ganitong parangal na tinamo ni San Juan Bautista na nagmamadali nang idaan, marahil ay sa kahihiyan sapagkat siya lamang ang nakasuot ng balat ng hayop sa lipon ng mga santong nahihiyasan ng mamahaling mga bato.
“Hayun ang aming santa!” wika ng anak ng dalaga ng alkalde sabay turo sa mga panauhin sa imahen ni Magdalena”. Ipinahiram ko sa kanya ang singsing ko para ako mapunta sa langit.’
Patungo na sa harap ng entablado ang mga umilaw sa prusisyon. Ang entablado ay nasa pook na pagdarausan ng patulang dasal ng papuri. Doon din dinala ang mga imahen ng mga santo at santa. Sila o ang mga may dala sa kanila ay naghahangad ding makinig ng patulang dasal. Ang mga nagbuhat kay San Juan Bautista, pagod na sa paghihintay, ay nagsisalampak matapos ibaba sa lupa ang santo.
“Hindi maiibigan iyan ng mga sundalo,”sika ng isa.
“Kaululan. Sa sakristiya nga, ang santong ito ay iniiwan lamang sa isang sulok at pinababayaang saputin.”
Kaya’t si San Juan ay naiwang nakatayo sa lupa na nagmistulang isang karaniwang mamamayan.
Nagdatingan ang kababaihan na kasunod ng imahen ni Magdalena, ang nangunguna. Ngunit di tulad ng kalalakihan, ang pinakamatanda, hini ang mga bata, ang nangunguna. Kasunod nila ang mga dalaga na sinusundan ng karosa ng Birhen. Nasa hulihan naman ang kura paroko.
Si Padre Damaso ang naghanda ng kaayusang ito. Aniya: “Mga dalaga at kabataan ang gusto ng Birhen, hindi ang matatanda.” Umasim ang mukha ng matatandang babe bagaman hindi nagbago ang kanilang debosyon sa Birhen.
Dumating ang karosa ni San Diego. Hila ito ng anim na babaeng tersiyaryo na waring namamanata. Inihinto ang karosa sa harap ng tribuna upang hintayin ang pagbigkas ng patulang dasal na papuri sa kanya.
Ngunit bago iyon ay nauna ang imahen ng Birhen. Iniilawan ito ng isang pangkat ng mga taong ang suot na damit ay labis na nagbigay-sindak sa mga bata. Nag-iyakan ang mga sanggol na karga ng kani-kanilang ina. At tulad ng mapuputi at sariwang sampagita sa gitna ng mga katandaan ay naroroon ang labindalawang batang babae na nangakadamit na puti. Ang kanilang mga buhok na kulot ay may mga palamuting mga bulaklak. Kumikislap ang kanilang mga mata na tulad ng kanilang suot na kuwintas.
Naroroon nang lahat ang mga imahen. Handa ng makinig sa patulang dasal. Walang ano ano ay napako sng mga paningin sa bahagyang nabuksang telon sa stage. Napasigaw sa paghanga ang lahat nang biglang sumulpot ang isang munting batang lalaki na may pakpak, nakabota, may banda sa dibdib, may magara at malapad na sinturon, at nakasuot ng sombrerong may pakpak-manok.
“Narito na ang Gobernador!” sigaw ng isa. Ngunit hindi ito pinansin ng bata at nagsimulang bumigkas ng patulang dasal. Pagkatapos nito ay ipinagpaatuloy ang prusisyon.
Para kay San Juan Bautista, ang prusisyong ito ay isang malungkot na paglalakbay.
Nang mapatapat ang karosa ng Birhen sa bahay nni Kapitan Tiago ay isang matamis na awit ang sumalubong sa kanya na wari’y buhat sa tinig ng arkanghel. Malambing ang tinig, malamyos na wari’y nananaghoy. Tila umuluhang melodya ng Ave Maria ni Gounod; at ang sumasaliw na tunog ng piyano ay parang nananalanging kasabay na umaawit. Napipi ang banda. Tumigil ang malalakas na dasal.Wala ring imik si Padre Salvi. Nanunuot sa kaluluwa ang tinig ng umaawit na nagpasungaw sa mga luha ng nakikinig. Higit kaysa pagbati ang mensahe ng tinig…. Mandin ay nananaghoy sa pagdaing.
Narinig ito ni Ibarra buhat sa kinatatayuan niya sa tabi ng bintana. Sumigid sa kanyang puso ang lungkot ng awit. Nadama niya ang lumbay na isinasaboy ng tinig… at nangangamba siyang magtanong sa sarili kung ano ang dahilan.
Walang imik na nag-iisip ang Ka[itan-Heneral.
“Makisalo ka sa akin sa hapunan,” aniya kay Ibarra.’ At pag usapan natin ang dalawang nawawalang bata.” Tinitigan ni Ibarra ang Kapitan-Heneral. Pagkatapos ay pabulong na nasambit sa sarili: Ako kaya ang dapat sisihin?