Kaantasan o Antas ng Wika

Ang ating wika ay mayroong kaantasan kung saan inaayon ng tagapagsalita ang kanyang wikang gagamitin depende sa kausap, lugar at sitwasyon. Mahalagang malaman ito upang maibagay ng tagapagsalita ang kanyang wikang gagamitin. Maraming kategorya sa Filipino ang kaantasan ng wika. Maaari itong mahati sa dalawang grupo ang Pormal at Di-pormal. Sa Pormal na antas ng wika kabilang ang Wikang Pambansa at Pampanitikan. Sa Di-pormal naman kabilang ang Lalawiganin, Kolokyal at Balbal.

Di-pormal:

Ito ang mga salitang karaniwan, palasak at pang-araw-araw na madalas nating gamitin sa pakikipag-usap at pakikipagtalastasan sa mga kakilala at kaibigan. Wikang ginagamit ng karamihang tao sa pang araw-araw.

Balbal – Wikang karaniwang ginagamit sa lansangan. Ito ang pinakamababang antas ng wika. Itinuturing na ang mga salitang ito ay karaniwang gawa-gawa o likha lamang. Ito ang pinakadinamikong wika kung saan ang bawat henerasyon ay gumagawa ng mga panibagong salita na maaring uso sa kasalukuyan at sa paglaon ng panahon ay lumupas na.

Paraan ng Pagkakabuo sa mga Salitang Balbal

  • Paghango sa mga Salitang Katutubo: gurang, buang at dako na pawang mga Bisayang salita.
  • Panghihiram sa Wikang Banyaga: busted, chicks, pikon, dedbol na mga salitang Ingles na maaaring magbago ang kahulugan ng mga salita.
  • Pagbibigay ng Bagong Kahulugan sa Salita: toyo (wala sa mood o mainit ang ulo), bato (ipinagbabawal na gamot), lagay (bayad upang hindi mahuli sa maling ginawa), luto (hindi patas ang laban o may dayaan)
  • Pagpapaikli: Muntinlupa (Munti), pare (pre), kaputol (utol o tol), Amerikano (Kano)
  • Pagbabaliktad ng Salita: atab (bata), lespu (pulis), astig (astig), tsikot (kotse), bokal (kalbo), petmalu (malupet)
  • Paggamit ng Akronym: ksp (kulang sa pansin), gg (galunggong), pg (patay-gutom)
  • Pagsasama ng Wika: anong say mo?, teka lang wait, do ko ma-take, para po sa side

Mga Halimbawang Pangungusap

  • Habang naghihintay, naisipan ko munang magbasa sa watpad at tumabi ako sa nakaupong lespu na abala sa kaniyang cp sa pgfag tetext.
  • Ang gurangers talaga nakikiuso ring manood kina Piolo at Sarah.

Kolokyal – Antas ng wika na ginagamit sa karaniwang usapan at ginagamit sa pang-araw-araw na pakikipag-usap. May kagaspangan ngunit mas repinado batay kung sino ang nagsasalita. Ito rin ay pagpapaikli ng mga salita.

  • Ewan (aywan), pista (piyesta), nasan, san (nasaan), sa’kin (sa akin), sa’yo (sa iyo), meron (mayroon), pa’no (paano)

Mga Halimbawa Pangungusap:

  • Magtutungo kami ng aking mga tropa sa pista bukas sa bayan.
  • San ko nga ba nailagay ang aking pitaka?

Lalawiganin o Diyalektal– Wikang ginagamit sa isang rehiyon o isang lalawigan. May pagkakataon o sitwasyon na hinihiram ang salitang lalawiganin na nagkakaroon ng ibang kahulugan. Kabilang sa uri o antas na ito ay ang mga salitain o diyalekto ng mga katutubo sa lalawigan o panlalawigang salita. Ang mga Cebuano, Iloko, Batangueno at iba pa ay may temang lalawiganin sa kanikaniyang dila. Isang matibay na indikasyon ng lalawiganing tema ay ang punto o accent at (hindi, O) ang paggamit ng mga salitang hindi banyaga at hindi rin naman Tagalog.

Sa antas na ito mapapansing ang mga salita ay pawang nakakulong lamang sa probinsiya o rehiyong pinanggalingan nito. may mga salitang hindi maituturing na standard sapagkat limitado pa rin ang saklaw ng pinaggagamitan nito

Mga Halimbawa:

Mga Salita sa Luzon na Ginagamit sa lbang Rehiyon/Lugar

  • kaunin (sunduin) – Batangas
  • mabanas (mainit ang panahon) – Laguna
  • abiarin (asikasuhin)- Quezon
  • balaw (alamang) – Aurora

Mga Salita sa Visayas na Ginagamit sa lbang Rehiyon/Lugar

  • bana – asawang lalaki
  • onse- labing-isa
  • sugba – ihaw
  • kadyot – sandali lang

Mga Salita sa Mindanao na Ginagamit sa lbang Rehiyon/Lugar

  • malong kasuotan ng mga kapatid na Muslim
  • kulintang- instrumentong pangmusika

Pormal:

Ito ang mga salitang istandard dahil kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng higit na nakararami lalo na ng mga nakapag-aral ng wika. 

Ito ang wikang ginagamit sa mga seryosong publikasyon, tulad ng mga aklat, mga panulat na akademiko o teknikal, at mga sanaysay sa mga paaralan. Ito ay impersonal, obhetibo, eksakto, at tiyak. Ito ay gumagamit ng bokabularyong mas komplikado kaysa sa ginagamit sa pang-araw-araw nausapan. Gumagamit din ito ng mga pangungusap na binubuo ayon sa mga panuntunang gramatikal.

Pambansa: Ito ang mga salitang karaniwang ginagamit sa mga aklat pangwika/pambalarila sa lahat ng mga paaralan. Ito rin ang wikang kadalasang ginagamit ng pamahalaan at itinuturo sa mga paaralan.

Mga Halimbawa

  • ama
  • ina
  • anak
  • pulis

Pampanitikan: Ito naman ang mga salitang gamitin ng mga manunulat sa kanilang mga akdang pampanitikan. Ito ang mga salitang karaniwang matatayog, malalalim, makulay at masining.

Mga Halimbawa

  • haligi ng tahanan
  • ilaw ng tahanan
  • bunga ng pagmamahalan
  • alagad ng batas

Teknikal– Ginagamit sa isang tiyak na disiplina o sitwasyon.

Mga Halimbawa:

Disiplina:

  • Information technology
  • Internet
  • Facebook
  • Instagram
  • Yahoo
  • Google
  • Basher
  • Mouse
  • Windows
  • Chat GPT

Ilang Salitang Ginagamit sa Bangko Kaugnay ng SitwasyongPag-iipon

  • Account
  • Current Savings
  • Checking
  • ATM Withdrawal