Buwan ng Panitikan

PROKLAMASYON

Alinsunod sa itinakdang Proklamasyon Blg. 968 na nilagdaan noong Pebrero 1O, 2015, na nagdedeklara sa buwan ng Abril bilang Buwaa ng Panitikang Pambansa o National Literature Month na nagbibigay halaga sa panitikan na nakalimbag sa iba’t ibang wika sa Pilipinas na itinuturing na pamanang pangkultura sa mga susunod na henerasyon.

TEMA

Ang tema ng Buwan ng Panitikang Pambansa 2o23 ay Kultura ng Pagkakaisa: Pagpapaalab ng Pagkakaisa sa Pamamagitan ng Palitikan.

MGA PATIMPALAK

Kaugnay nito, malugod kayong inaanyayahan na makilahok sa mga sumusunod na timpalak ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) bilang pakikiisa sa mahalagang gawaing ito:

  1. Talaang Ginto: Makata ng Taon 2023. lto ay isang patimpalak sa pagsulat ng tula na itinataguyod ng KWF na naglalayong pasiglahin at pataasin ang uri ng panulaang Filipino sa pamamagitan ng pagkilala sa mga batikan at baguhang talino at tinig sa sining ng tula.
    • Dedlayn: Pebrero 26,2023,5:OONH
  2. Timpalak sa Tulang Senyas 2023. Ang Timpalak sa Tulang Senyas ay kauna-unahang patimpaJak sa pagtula sa pasenyas na paraan. Itinataguyod ito ng KWF na naglalayong kilalanin at bigyang-puwang ang ‘di-matatawarang kakayahan at husay ng mga kababayang kabilang sa Deaf Community, at makapag-ambag sila sa panulaang Filipino ng kanilang obra sa pamamagitan ng pasenyas na pagtula.
    • Dedlayn: Pebrero 28, 2O23, 5:OO nh
  3. Dangal ng Panitikan 2023. lto ay ang mataas na pagkilala sa naiambag sa panitikang Pilipino o lifetime achievement award. Binibigyang-pagpupugay nito ang natatanging manunulat na nagpakita ng pagpapahalaga sa kultura, kaakuhan, at kayamanang pamana, bukod sa pambihirang pagkasangkapan sa Filipino at iba pang wikang panrehiyon o panlalawigan.
    • Dedlayn: Pebrero 26, 2023, 5:OO nh.

BASAHIN ANG KABUUANG MEMO