Panghalip | Pronoun
Ang panghalip ay mga salitang humahalili o pamalit sa ngalan o pangngalan na nagamit na sa parehong pangungusap o kasunod na pangungusap. Ang salitang panghalip ay nangangahulugang “panghalili” o “pamalit” kadalasan itong ginagamit sa mga talata,pangungusap at kuwento.
Panghalip Panao | Personal Pronoun
Ang panghalip na panao (mula sa salitang “tao”, kaya’t nagpapahiwatig na “para sa tao” o “pangtao”). Ito ay panghalili sa ngalan ng tao. Maaari itong gamitin bilang simuno at tagaganap.
Halimbawa: ako, ikaw, siya, tayo, natin atbp.
Panghalip Paari | Possessive Pronoun
Ito ay mga panghalip na pumapalit sa pangngalang nagpapakita ng pag-aari.
Halimbawa: akin, iyo, kanya, kanila atbp.
Panghalip Pamatlig | Demostrative Pronoun
Humahalili sa ngalan ng bagay, at iba pa na itinuturo o inihihimaton.
Halimbawa: ito, doon, diyan, iyan, hayan, ganyan atbp.
Panghalip Pananong | Interrogative Pronoun
Pamamalit sa pangngalan sa paraang patanong. Ito ay maaring isahan o maramihan. Ang salitang “pananong” ay mula sa salitang “tanong”, kaya’t may pakahulugang “pantanong”.
Halimbawa: sino, alin, kanino, ilan, gaano atbp.
Panghalip Pamanggit | Relative Pronoun
Ang panghalip pamanggit ay isang uri ng panghalip na ginagamit bilang tagapag-ugnay ng dalawang pananalita.
Halimbawa: na, -ng
Panghalip Panaklaw o Di-Tiyak | Indefinite Pronoun
Salitang ginagamit bilang panghalili o pamalit na sumasaklaw ng kaisahan, bilang, dami, o kalahatan ng pangngalang tinutukoy. Ang salitang “panaklaw” ay hango sa salitang “saklaw”, kaya’t may pahiwatig na “pangsaklaw” o “pangsakop”.
Halimbawa: sinuman, anuman, alinman, saanman
Panauhan ng Panghalip
Unang Panauhan | First Person Pronoun
Tumutukoy sa taong nagsasalita o kasama ang kanyang sarili.
Halimbawa: ako, akin, tayo, kami, ito, dito
Ikalawang Panauhan | Second Person Pronoun
Tumutukoy sa taong kausap o kinakausap.
Halimbawa: ikaw, iyo, kayo, inyo, iyan, diyan
Ikatlong Panauhan | Third Person Pronoun
Tumutukoy sa taong pinag-uusapan.
Halimbawa: siya, kanya, sila, kanila, iyon, doon
Kailanan ng Pangngalan/Panghalip | Number of Nouns/ Pronouns
Tumutukoy ito kung ilan ang pangngalan o panghalip; maaaring isahan, dalawahan o maramihan.
ISAHAN | DALAWAHAN | MARAMIHAN |
ama | mag-ama | mag-aama |
ina | mag-ina | mag-iina |
kaibigan | magkaibigan | magkakaibigan |