Fil. 7 Unang Markahan: Ang Tribo ng Blaan mula sa Mindanao

Ang tribong Blaan ay isa sa labingwalong etnikong grupong hindi kabilang sa pangkat ng mga Muslim na nanahanan sa Isla ng Mindanao. Ang Blaan ang itinuturing na pangatlo sa pinakamalaking pangkat.

Karaniwan silang nakatira sa mga matataas nabahagi sa mga bulubundukin ng North Cotabato, Davao, at Saranggani Islands. Naniniwala naman ang ibang antropologo na nanggaling sila sa Malaysia mula sa timog silangang asia sa pamamagitan ng “Borneo-Sulu Mindanao Bridge”. May mga grupo ding naniniwala sa teoryang sila ay mga Indonesian na lumipat sa Pilipinas mga 5,000 o 6,000 taon na ang nakararaan , gamit ang bangka bilang transportasyon.

Ang mga Blaan ay isang tribong pamayanan ng Timog Mindanao. Ang pangalan ng katutubong pangkat na ito ay nagmula sa mga salitang “Bla” at “An” ay nangangahulugang mga “manggagawang tao”. Ang mga Blaan ay kilala bilang “hospitable” o maaalahanin sa kanilang mga bisita kahit gaano pa ito kaabala sa kanilang mga trabaho o pamumuhay. Kadalasan ay binibigyan nila ito ng pagkain tulad ng tinapay o saging at kape. Nagsasagawa rin sila ng kanilang mga ritwal na mga awitin at sayaw sa mga bisita na ibig sabihin ay mainit o malugod nilang tinatanggap ang kanilang mga bisita.

Nakasanayan na rin bilang parte ng kultura ng mga Blaan ang pagbabarter o ang paggamit ng isang bagay upang ipagpalit sa bagay na iyong ninanais.

Ang buhay ng Blaan ay umuusbong sa kanilang pamilya na karaniwang nabubuhay sa loob ng isang pangkat na binubuo ng higit sa isang asawa at mga kamag-anak na magkasamang nakatira sa iisang bubong. Ginagawa nila ito upang maprotektahan ang kanilang pag-aari at maging ligtas mula sa panghihimasok ng ibang tao. Ang katangiang ito ng mga Blaan ay kagaya rin ng kaugalian ng mga Pilipino, binubuklod ang bawat pamilya upang magkaisa sa anumang hamon ng buhay

Paniniwala ng mga Blaan

  1. Melu – Ang kataastaasan at ang tagapaglikha.Mayroon syang putting balat at gintong ngipin.Siya ay may katulong na sina Fiuwe at Tasu Weh.
  2. Sawe – Kasama ni Melu para manirahan samundo.
  3. Fiuwe – Ang espiritung naninirahan sa kalangitan.
  4. Diwata – Ang espiritung kasama ni Fiuwe para namanirahan sa kalangitan.
  5. Tasu Weh – ang masamang espiritu.
  6. Fon Kayoo – Ang espiritu ng mga puno.

Panitikan ng mga Blaan

Kwentong Bayan

  • Si Samgulang at si Nga Datu To Sabeng

Alamat 

  • Taggutom (Akdaw Fule)
  • AngUsa (Sladang)
  • Alamat Ng Unggoy (Kagbot ye Ewas)
  • Tafe(Tafe)
  • Si Bnoleng (Bnoleng)

Mito

  • Ang Paglikha ng Tao(Akmo En Tao)

 Salaysayin

  • Ang Pag-ibig na Nabuo sa Snaal Kuhan (Kassiwal Be Snaal Kuhan)
  • Ang Matandang Lalaki (Tuha Loge)
  • Mang-aagaw na Matanda (Toha LogeMnagaw)
  • Ang Batang Ampon (Nga Fikit), 
  • Ang Pinuno (Bong Tao)
  • Bayanihan (Sanggan Amket Gene)
  • Si Taliley (Taliley)
  • Si Palaka (Fak)

Pabula

  • Si Paitan, Alimango, Dalag at Palaka (Faet,Klange, Alo na Fak)
  • Ang Kuhol at Palaka (So na Fak)
  • SinaBukaw at Tahaw (Bukaw na Tahaw)

Mga Paniniwala

Pagkukulay ng itim sa ngipin

Tradisyon ng mga B’laan ang pagkukulay ng itim sa kanilang ngipin. Para sa kanila simbolo ito ng kagandahan at kapangyarihan. 

Paniniwala na ang lupa ay buhay.

Ipinapakita ng konsepto ng pook ang kahalagahan ng lugar at kinaroroonan sa paghubog ng identidad. Sa kasaysayan ng maraming katutubo, ang komprontasyon ng magkakaibang pananaw tungkol sa lupa ay nagbunga sa pagtataboy sa mga katutubo sa kanilang katutubong lupain (Ashcroft et al., 2005).

Paghingi ng permisyo bago gamitin ang mga bagay-bagay

Hindi nila pwedeng hawakan o sirain ang anumang nilalang o bagay na walang permisyon sa pamamagitan ng mga ritwal. Sa mga ritwal na ito, gumagawa sila ng mga handog sa kanilang mga diyos para sa kanilang mga kahilingan na mga palatandaan upang malaman nila kung kailang panahon ang may pinakamagandang tamnan.

Kaugalian at Paniniwala

  • Pagsasaalang-alang sa bituin bilang hudyat ng pag- aani,
  • Paniniwala sa langit, paniniwala sa mga paraan upang makarating sa langit
  • Pagpapahalaga at pangangalaga sa nilikha D’wata, pagsasagawa ng kanduli
  • Paggamit ng dahon at halaman sa panggamot ng sakit

Pampamilya

  • Responsibilidad ng ama na buhayin ang kanyang pamilya
  • Pananatili ng anak na babae sa bahay upang isagawa ang mga gawaing bahay
  • Pagtulong ng anak na lalaki sa ama sa paghahanap ng makakain ng pamilya
  • Ginagampanan ng asawang babae ang pagluluto

Pagpapakasal at Pag-aasawa

  • Matanda o datu ang namumuno sa kasal
  • Paghingi ng pahintulot ng binata sa magulang ng dalagang nais na mapangasawa
  • Pagbibigayan ng sablag (dowry) ng pamilya ng binata at dalagang magpapakasal.

Sanggunian:

https://depedtambayan.net/filipino-7-unang-markahan-modyul-1-kuwentong-bayan-si-samgulang-at-si-nga-datu-to-sabeng/

https://www.scribd.com/presentation/426810443/Ang-Tribong-Blaan