Pangungusap o Sentence
Ang Pangungusap ay ang kalipunan ng mga salitang nagsasaad ng isang buong diwa . Ito ay may patapos na himig sa dulo na nagsasaad ng diwa o kaisipang nais iparating.
Ang simuno o paksa ay ang pokus o pinag-uusapan sa pangungusap. Ito ay laging tinatadaan ng mga pantukoy na ang, ang mga, si at sina. Ito ay maaaring makita sa unahan, gitna o hulihan ng pangungusap. Payak na Simuno ay binubuo lamang ng isang paksa.
Panaguri/ Predicate. Ito ang bahagi ng pangungusap na nagsasabi tungkol sa simuno o paksa. Ito ay maaaring matagpuan sa unahan at hulihan ng pangungusap.
Payak ang panaguri kung ito ay ang/ang mga pandiwa, pang-uri, pangngalan o panghalip na nagsasabi tungkol sa simuno. Ang buong panaguri ay ang payak na panaguri kasama ang iba pang salita o panuring.
Ang paksang pangungusap o topic sentence ay nagpapakita ng pangunahing paksa ng isang buong talata. Matatawag din natin na kabuuang diwa ng buong talata ang paksang pangungusap. Maaaring matagpuan sa una, gitna o dulo ng isang talata.
Ang Langkapang Pangungusap o Compound Complex Sentence ay dalawa o higit pang sugnay na nakapag-iisa at isang sugnay na hindi nakapag-iisa ang bumubuo sa isang pandagdag na pangungusap. Ito ay madalas na nagsisimula sa isang tambalang salita upang gawing mas madali ang pagbuo ng isang pandagdag na pangungusap, pagkatapos ay nagdaragdag ng pariralang di nakapag-iisa o isang pantulong na sugnay sa dulo.
Halimbawa: Gumawa ng marangal at magbigay ng tulong sa mga kababayan na naapektuhan ng lindol dahil ito ang karapatdapat na gawain tuwing may kalamidad.
Tambalang Pangungusap o Compund Sentence
Ang salitang tambalan ay nangangahulugang dalawa o higit pa gaya ng dalawang simuno at dalawang panaguri.
Ito ay pangungusap na binubuo ng dalawang buong diwa o pangungusap o sugnay na makapag-iisa. Maaaring magkaugnay o magkasalungat ang dalawang diwa nito na pinag-uugnay ng pangatnig. Ang at, ngunit, subalit, datapwat, pero, samantala at habang ay ilan sa mga pangatnig na ginagamit sa tambalang pangungusap.
Halimbawa: Ang nanay niya ay isang guro at ang kanyang tatay ay isang doktor.
Hugnayang Pangungusap o Complex Sentence
Ito ay pangungusap na binubuo ng isang buong diwa o sugnay na makapag-iisa at isang hindi buong diwa o sugnay na di-makapag-iisa (lipon ng mga salitang may simuno at panaguri na hindi buo ang diwa dahil sa pangatnig sa unahan nito). Ang dahil, kasi, sapagkat, kung, kapag, pag, kaya, upang at para ay mga pangatnig na ginagamit sa hugnayang pangungusap.
Halimbawa: Umiyak ang bata dahil nadapa siya.
Payak na Pangungusap o SImple Sentence
Ito ay binubuo ng isang buong diwa o isang sugnay na makapag-iisa na binubuo ng:
Payak na simuno at payak na panaguri (PS-PP)
Halimbawa: Ang pamahalaan ay masigasig sa mabilisang pagsugpo ng kriminalidad sa bansa.
Payak na simuno at tambalang panaguri (PS-TP)
Halimbawa: Ang aming pangkat ay naglinis ng mga kalye at nagpinta ng mga pader sa paaralan.
Pangungusap na Pautos o Imperative Sentence
Ito ay uri ng pangungusap kung saan ay nakikiusap o nag uutos ito. Ito ay maaring magtapos sa tuldok (.) o tandang padamdam (!).
Halimbawa: Diligan mo ang mga halaman.
Pangungusap na Patanong o Interrogative Sentence
Ito ay pangungusap na ginagamit sa pagtatanong, at tandang pananong (?) ang bantas sa hulihan nito.
Halimbawa: Isinusulong pa ba ang pagbuo ng mga batas para sa pambansang pangkapayapaan?
Pangungusap na Padamdam o Exclamatory Sentence
Ito ay nagsasabi ng matinding damdamin gaya ng tuwa, pagkagulat, paghanga, panghihinayang at iba pa. Ito ay nagtatapos sa tandang padamdam (!).
Halimbawa: Kay ganda talagang mamasyal sa Davao!
Pasalaysay/ Paturol na Pangungusap o Declarative Sentence
Ito ay nagsasalaysay ng katotohanan, opinyon, pahayag, kaisipan o pwede ring pangyayari. Lagi itong nagtatapos sa tuldok (.).
Halimbawa: Unti-unting nakikilala ang mga pangkat-etniko sa ating bansa dahil sa kanilang mga katangian.