Ito ay ang bahagi ng pananalita na nag-uugnay sa dalawang salita, sugnay, parirala, or pangungusap. Maari itong nagpapakita ng pagbubukod, pagsasalungat, o paglilinaw. Ang maayos na pag-uugnay ng mga salita, parirala, at pangungusap ay mahalagang sangkap para sa malinaw, lohikal at mabisang paglalahad. Sa pamamagitan ng paggamit ng iba’t ibang pang-ugnay ay higit na nabibigyang-diin ang layunin sa pagpapahayag.
Pananhi: Pang-ugnay na ginagamit sa pagbibigay ng sanhi at bunga. Nagbibigay ng sanhi o dahilan: sapagkat/pagkat, dahil/dahilan sa, palibhasa, at kasi/naging.
Halimbawa:
- Naawa ang mga tao sa ama sapagkat nakita nila na nagsisi ito sa kanyang nagawa.
- Pumanaw ang kanyang anak dahil sa kanyang kalupitan.
- Kinagigiliwan ng lahat si Mui-Mui palibhasa siya ay isang malambing na bata.
Pang-ugnay na nagpapakita ng bunga o resulta: kaya/ kaya naman, dahil dito, bunga nito, tuloy
Halimbawa:
Dahil sa malakas na paghalinghing ni Mui-Mui dahil sa pag-iyak kaya naman nasuntok siya ng kanyang ama. Dahil dito nawalan ng malay ang bata at kalaunan ay binawian ng buhay. Ang pagkamatay ni Mui-Mui ang naging dahilan kaya naman nagbago ang kanilang ama.
Pang-ugnay na ginagamit sa panghihikayat: Nagpapakita ng pagsang-ayon: totoo, mabuti, oo at siguro.
Halimbawa:
- Totoo ang mga balitang hinahatid ng 24 Oras.
- Oo, sumasang-ayon ako sa lahat ng panukala n gating mahal na tagapayo.
- Mabuti ang mga paying ibinibigay ng aking magulang.
Pang-ugnay na nagpapakita ng pagtutol: hindi, ngunit, subalit, datapwa’t at bagama’t
Halimbawa:
- Ang Anti-Terrorism Bill ay magandang panukala ngunit maaaring hindi ito makabuti para sa lahat.
- Maayos nang naplano ang proyekto at handa na ito upang ipatupad bagama’t may iba pang tao na hindi sang-ayon dito.
- Maligayang naninirahan ang mga tao sa lugar subalit dumating ang isang mapinsalang bagyo sa sumira sa Masaya nilang pamumuhay.
Pang-ugnay na ginagamit sa pagpapahayag ng damdamin: Ilan sa mga ito ay ang: sa palagay ko, hinuha ko, kapag, pag, kung gayon, sana at basta.
Halimbawa:
- Sa aking palagay mas mabuting unahin muna ang kapakanan ng mga Pilipino bago ang mga dayuhan sa ating bayan.
- Naglabas na ng anunsyon ang ating pamahalaan kung gayon wala na tayong magagawa kundi sundin ito.
- Magkaroon na sana ng bakuna na magbibigay lunas sa mga taong may COVID-19.
Pamukod: Ang uri nito ay mayroong pamimili, pagtatangi, pag-aalinlangan at karaniwag nilalagyan ng mga katagang ni, o, maging at man
Halimbawa:
- Ikaw man o ako ay hindi maghahangad na siya ay mabigo.
- Ni sermunan ni saktan ay hindi ko ginagawa sa aking anak.
- Ang ating magulang maging tayo ay kinakailangan.
Pandagdag: Nagsasaad ito ng pagpupuno o pagdaragdag at ginagamitan ng mga katagang at, saka, at pati.
Halimbawa:
- Kukuha muna ako ng pagkain at inumin.
- Wala na akong magagawa sa buhay mo pati sa mga mangyayari sa iyo sa hinaharap.
- Layunin niyang magkaroon ng pagbabago saka kaayusan sa lugar na kanyang kinalalagyan.
Panubali: Nagpapakita ng uri nito ng pagbabakasali o pag-aalinlangan. Ang mga katagang ginagamit ay kung, di, kundi, kapag, sana at sakali.
Halimbawa
- Kapag hindi kayo dumalo, hindi matutuloy ang pagpupulong.
- Sana lahat makapagtrabaho nang maayos.
- Maaaring mawala ang iyong pitaka kapag iniiwan mo ito kung saan-saan.
Panlinaw Ginagamit ito upang linawin o magbigay-linaw sa isang sitwasyon o paliwanag. Ang mga katagang ginagamit ay: anupa, kaya, samakatuwid, sa madaling salita at kung gayon.
Halimbawa:
- Malakas ang ulan kaya sinuspende muna ang mga klase sa elementary at sekondarya.
- Umuwi siya nang maaga kaya nabigla ang ama niya.
- Naglabas ang DOH ng bagong paalala tungkol sa bagong sakit na Monkey Fox kung gayon bilang mga mamamayan kailangang sumunod tayo sa mga paalalang ito.
Panapos ginagamit sa dulo o pagwawakas ng isang pahayag, kongklusyon o talata. Ang mga katagang ginagamit dito ay sa wakas, sa lahat ng ito, aking napagtanto.
Halimbawa:
- Sa wakas, natuwa ang ama dahil sa kabaitan ng anak.
- Sa lahat ng ito, napagtanto ng mga anak na sila’y mahal na mahal ng kanilang ama.