Skip to content
DepEd Resources
Panitikang Pambata
Obra Maestra
Mga Talambuhay
Aralin sa Filipino
Mga Bansa
Balarila | Gramatika
Mga Bansa sa Asya
Ang
Timog-Silangang Asya
ay isang subrehiyon ng kontinenteng Asya, na binubuo ng mga bansang heograpikal nasa timog ng Tsina, silangan ng Indiya, kanluran ng Bagong Guinea at hilaga ng Australya. Ang klima sa rehiyong ito ay karaniwang tropikal, mainit at mahalumigmig sa loob ng isang buong taon.
Ang
Mga Bansa sa Silangang Asya
ay maaaring tumukoy sa paraang heograpikal o kultural. Sa heograpiya, tinutukoy ito ang rehiyon na binubuo ng Republikang Popular ng Tsina (kabilang ang Hong Kong at Macau), Hilagang Korea, Timog Korea, Hapon, Mongolia at Taiwan.
Ang
Timog Asya
o
Katimugang Asya
ay ang katimugang rehiyon ng kontinenteng Asya na binubuo ng mga bansa sa timog ng Himalaya. Naghahanggan ang Timog Asya sa Karagatang Indiyano sa timog, at sa kalupaan, nang mga rehiyon ng Kanlurang Asya, Gitnang Asya, Silangang Asya at Timog-Silangang Asya.
Ang katawagang
Kanlurang Asya
ay kadalasang ginagamit sa mga kasulatan tungkol sa arkeolohiya ang huling bahagi ng prehistory ng rehiyon. Ang Kanlurang Asya ang rehiyong pinagtatagpuan ng hangganan ng tatlong mahahalagang kontinente sa daigdig—ang Africa, Asya, at Europa.
Exit mobile version