Noli Me Tangere Kabanata 59: Pagkamakabayan at Kapakanang Pansarili


Talasalitaan:

  • Mitra – Ang mataas na saklob sa ulo, may katangi-tanging ayos at hugis na nagtataglay ng sagisag ng kabanalan, kapangyarihang espiritwal, at kataasan sa pagkapinunò ng Katolisismo, opisyal na putong ng Obispo na hugis arko.
  • Maligalig – Mabalisa, mabahala, matigatig, magambala.
  • Pilibustero – Tao na mahabang magtalumpati, karaniwang dahil sa layuning binbinin ang pagpapasiyá tungkol sa isang kaso, kontrobersiya, o proyekto, at malimit na ginagawâ sa kumperensiya, hukuman, o batasan.
  • Mahimasmasan – Manumbalik ang málay ng isang táong nawalan ng málay o hinimatay; mapanumbalik ang hinahon.

Pangunahing Tauhan:

  • Kapitan Tinong
  • Kapitana Pitchang
  • Primitivo
  • Mga Mayayamang Tao sa Intramuros

Buod ng Kabanata 59:

Makikita sa diyaryo sa Maynila ang balita ukol sa paglusob na nangyari na may iba’t ibang paraan ng pagbabalita at dahil sa mga taong palihim na dumadalaw at nagpapanayam hinggil sa nangyari, naging maligalig ang mga tao sa kumbento.

Si Padre Salvi ay pinupuri at sinasabing karapat-dapat bigyan ng mitra at ang iba naman ay nag-uusap tungkol sa mga nag-aaral sa Ateneo na nagiging pilibustero.

Si Kapitan Tinong naman ay hindi mapakali dahil minsan itong nagpakita ng kabutihan kay Ibarra kaya naman panay ang sisi sa kaniya ng kaniyang asawang si Kapitana Pinchang. Dahil dito ay muntik nang magwala si Tinong nang dumating si Don Primitivo na kanilang pinsan. Ipinadala siya ni Pinchang upang makakuha ng payo dahil magaling itong mangatwiran.

Agad na sinabi ni Kapitana ang sitwasyon ni Tinong at ni Ibarra at sinagot ng Don na wala nang magagawa si Tinong kundi ang gumawa ng huling habilin. Nahimatay ang Kapitan nang marinig ang sinabi ng Don at pagkatapos mahimasmasan ay binigyan niya ito ng dalawang payo. Ang una ay ang pagbibigay nila ng regalo sa heneral at ang pangalawa ay ang pagsunog ng mga dokumentong makakapagpahamak kay Tinong na sinang-ayunan namang gawin ng mag-asawa.

Napag-usapan naman ang naganap na pag-aalsa sa pagtitipon sa Intramuros ng mga dalaga, asawa at anak ng kawani. Iba’t ibang puna ang narinig mula sa mga bibig ng mga dumalo para kay Ibarra. Nasama dito ang pagtatayo ng paaralan ni Ibarra bilang isang pakana lamang raw upang ipagtakip ang tunay na layunin ng binata. Bigla naman naisingit ang regalo ni Kapitana Pinchang sa heneral na singsing na puno ng brilyante. Makalipas ang ilang oras ay nakakuha ng inbitasyon ang ilang mga taga-tondo mula sa pamahalaan tungkol sa pagtulong ng ilang mamamayan at kilalang tao sa Fuerza de Santiago at isa sa mga nakatanggap nito ay ang Kapitan Tinong.

Mensahe at Implikasyon ng Akda
  • Sa kabanatang ito ay ipinakita ang mabilis na pagkalat ng balita sa pagkakadakip ni Crisostomo bilang pinuno sa nangyaring paglusob sa kwartel.
  • Ginamit itong panakot ng mga Espanyol sa mga Pilipino noon upang ipakita ang kanilang kapangyarihan at kaparusahan sa sino mang tataliwas sa kanilang pamamalakad na ginagawa.
  • Si Kapitan Tinong at Kapitana Tinchang ay sumisimbolo sa mga taong lumalapit lamang sa iba kung may maaari silang makuha rito pagkilala man, kapangyarihan o salapi. Mga uri ng taong hindi maaaring maging tunay na kaibigang kasama sa hirap at kasiyahan.
  • Hanggang sa kasalukuyan ay mayroon pa ring mga taong nakakikilala lamang tuwing may kailangan ngunit kapag nakuha na nila ito ay rila hindi ka na nila muling kilala o itinutring na kaibigan. Ang mga ganitong uri ng tao ay hindi dapat tularan sapagkat ang mga tunay na kaibigan ay maaari nating maasahan sa lahat ng panahon at pagkakataon sa kasiyahan man ito o kalungkutan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *