TALASALITAAN:
- Inanyayahan – inimbita, hinikayat na sumama
- Limos – abuloy
- Balingkinitan – mahagway ang katawan ; matangkad at patpatin
- Protomediko – isang propesyunal na nalilinya sa medidina
- Walng kurap – walang imik/ tinag/ kibo
PANGUNAHING TAUHAN SA KABANATA:
- Don Tiburcio
- Donya Victorina
- Kapitan Tiyago
- Tiya Isabel
- Linares
- Maria Clara
BUOD NG KABANATA:
Sa pamamahay ni Kapitan Tiyago ay kita ang dalagang Si Maria Clara na may sakit. Ang dalawang magpinsan na sina Tiya Isabel at Kapitan Tiyago ay nag-uusap kung ano ba ang krus na nararapat bigyan ng limos. Ang Banal na Krus ng Tunasan o ang Banal Krus ng Matahong, sa huli ay binigyan ng pamilya ang parehong krus.
Dumating na sina Doktor Tiburcio de Espadaña na inaanak ng kamag-anak ni Padre Damaso. Kasama nito ang kaniyang asawa na si Donya Victorina pati na rin si Linares.
Matapos ang pagpapakilala ng Donya kay Linares ay inanyayahan na ni Kapitan Tiyago ang mga ito sa kanilang silid.
Kuwarenta’y singko na si Donya Victorina, pero ipinagsasabi niyang trenta’y dos lamang siya. Sabi niya ay maganda siya nang kanyang kabataan at balingkinitan ang kanyang katawan. Lubha niyang hinangaan ang sarili. Gayon na lamang ang pagtanggi niya sa marami niyang tagahangang Pilipino. Ang pangarap niya’y makapag-asawa ng dayuhan. Tumanggi siyang ipagkaloob ang maputi niyang kamay sa sinumang lalaki, hindi dahil sa kawalan ng tiwala, pagkat madalas niyang ipagkaloob ang pinakamahal na hiyas sa di-mabilang na adbenturerong katutubo at banyaga.
Nais sanang umunlad ng Donya ngunit napangasawa nito si Don Tiburcio.
Siya’y si Tiburcio Espadaña. Gayong tatlumpu’t lima lamang ay mukhang matanda sa talagang edad, pero bata pa ring tingnan kaysa kay Donya Victorina na tatlumpu’t dalawang taong gulang lamang noon. Nagtungo siya sa Pilipinas bilang isang mababang opisyal ng customs. Sa kasamaang-palad, bukod sa nagkasakit siya sa barko at napilayan ay natanggal pa siya sa trabaho nang labinlimang araw na kararating niya sa Pilipinas, at nang ubos na ang kahuli-hulihan niyang sentimo.
Nang mapadpad si Don Tiburcio sa Pilipinas ay wala siyang kaalaman o kung ano man, tanging pagiging Kastila lamang ang kanyang pinanghahawakan.
Sa mga unang subok nito sa panggagamot sa mga indio ay mababa lamang ang bayad ngunit kalaunay tumaas na ito.
Hindi kalaunan ay isinumbong siya sa Protomediko de Manila ng mga tunay na mediko. Lahat ng miyembro ng Board ay mabubuting Kastila at napagkasunduan nilang ipagwalang-bahala ang mga nangyari. Nabalitaan din ito ng mga taong bayan kaya’t unti-unting nawalan ng pasyente si Don Tiburcio Espadaña, at halos namalimos na naman siyang muli. Nasa sa ganito siyang kalagayan nang malaman niya sa isang kaibigan na kaibigan din ni Donya Victorina ang problema niyon gayundin ang pagiging makabayan at ang kabutihan ng donya.
Umaliwalas ang langit ni Don Tiburcio at hiniling niya sa kaibigang ipakilala siya kay Donya Victorina.
Makaraan ang kalahating oras na pag-uusap ay nagkaunawaan sila at nagkasundong pakasal. Ang pinangarap niya ay isang Kastilang walang kapansanan, hindi pa rin nakakalbo at bungi na sa pagsasalita ay nagsasabog pa ng laway. Ninais niya ang isang Kastilang bantog at makisig, ngunit hindi siya niligawan ng gayong Kastila kahit kailan. Nagpakasal sina Donya Victorina at Don Tiburcio at sila’y nanirahan sa Sta. Ana.
Makalipas ang ilang buwan ay ipinamalita niyang siyang naglilihi at dinagdagan din ng ‘de’ ang pangalan – ng Donya. Di natuloy ang pagbubuntis ng Donya kaya naman labis ang pagkadismaya nito.
Naisip ng Donya na magpalagay ng titulong medicina at cirugia.
Dumating si Padre Salvi noong miryenda. Magkakakilala na ang dalawa at si Linares nalamang ang pinakilala.
Agad namang dinalihan ng pamimintas ni Donya Victorina ang mga taga-lalawigan.
Di makapaniwala ang Donya sa nasabing pagbisita ng Kapitan Heneral kanila Kapitan Tiyago.
Tiningnan at sinabing mapapagaling ng Doktor si Maria. Ang inireseta niyang gamot ay liquen at gatas, Jarabe de altea at dalawang pildoras de Cinaglosa.
Saglit namang naputol sa walang kurap na pagkakatitig ni Linares sa dalaga ng sabihin ni Padre Salvi na dumating na si Padre Damaso.
ALAM MO BA?
- Napakalaki ng papel ng paglalarawan sa pagiging makatotohanan ng isang tauhan sa isang katha (fiction). Hindi lamang ang mga detalye ng panlabas na anyo ng tauhan ang nakalilikha ng imahe, kundi pati kilos, pananalita, at ugali nito. Kung “papasukin” pa ng may-akda ang kalooban at pag-iisip ng tauhan ng katha, magiging ganap na napakalinaw sa imahinasyon ng mga mambabasa ang nasabing tauhan.
- Sa mga paglalarawan din masusukat kung kapani paniwala ang mga gagawin ng tauhan at ang mga mangyayari rito sa mga aksyon ng katha. Kaya sa masinsing paghahabi ng panlabas na anyo’t kilos at pananalita, saka pagdedetalye ng mga nasa isip at kalooban nito, maiiwasan ang pagiging artipisyal na paglalarawan, ang pagiging karikatura ng mga tauhan ng katha.
- Parang isang sikolohikal na pag-aaral ang katangi-tanging paglalarawan ni Rizal kina Donya Victorina at Don Tiburcio. Dalawang magkaibang karakter na pinagtagpo sa isang paraang kapani-paniwala, kung ito man ay nagkaroon ng kalabisan sa paglalarawan. Ang paglalarawan sa maraming tauhan ang Noli Me Tangere ay isang puntos sa kasiningan ng akdang panlipunan na ito.
MENSAHE AT IMPLIKASYON NG KABANATA
- Sa unang bahagi ng kabanata ay ipinakita ang pagiging relihiyoso ni Tiya Isabel at Kapitan Tiyago. Isa sa mga impluwensya ng Espanyol sa ating mga Pilipino ay ang ating matibay na pananalig sa Diyos.
- May iba’t iba ring kasanayan ang mga Pilipino pagdating sa pananampalatay na lumutang sa akda.
- Dito rin ipinakilala ang nakaraan ng dalawang pinakakilalang tauhan ng nobela si Don Tiburcio at Donya Victorina.
- Si Don Tiburcio ay maaring sumalamin sa isang lalaking sunod- sunuran sa kanyang asawa. Ipinakita rin na tanging ang pagiging Kastila lamang ang pinanghahawakan n’ya nung siya ay dumating sa Pilipinas. Pero kung titingnan tila mas naging maunlad pa ang kanyang kalagayan kaysa sa maraming Pilipino nung panahong jyon.
- Si Donya Victorina naman ay maaring sumalamin sa isang babaeng may mataas na pangarap o paninindigan sa kung ano ang kanyang gustong makamit o maabot. Ipinakita na kahit na hindi si Don Tiburcio ang kanyang tipo, ito ay pinakasalan nya pa rin sapagkat ito ay isang Kastila.
NOLI ME TANGERE BUONG KABANATA 42: ANG MAG-ASAWANG DE ESPADAÑA