Talasalitaan:
- Huwad – kinopya
- Karalitaan – kahirapan
- Pangangamkam – pangunguha
- Pinasaringan – pinariringgan
- Ulirat-kamalayan
Pangunahing Tauhan sa Kabanata
- Crisostomo Ibarra
- Tiyente Guevarra
- Don Rafael Ibarra
Buod ng Kabanata 3: Erehe at Pilibustero/ Subersibo
Habang naglalakad sa plaza ng Binondo si Ibarra ay napansin niya na walang kaunlaran ang bayan. Palaisipan pa rin sa kanya ang sinapit ng kanyang ama, kaya’t sinun dan siya ng Tenyente upang magkwento.
Ang ama ni Crisostomo na si Don Rafael ay isa sa pinaka-mayaman sa bayan ng San Diego na matulungin kaya’t maraming nagmamahal dito.
Madami din ang naiinggit dito. Gaya ng mga pari, lalo na si Padre Damaso. Dahil dito, minabuti ni Don Rafael na wag na mangumpisal, na hindi nagustuhan ng mga pari.
May isang kastila noon na walang muwang, palaboy at binubulas, na ginawang kolektor ni Don Rafael. Isang araw ay di ito nakapagtimpi at sinaktan niya ang mga nambubulas.
Tumakbo ang mga bata at binato niya ng baton nang hindi na niya maabutan at may isang tinamaan.
Natumba ang bata at pinagtatadyak ng artilyero. Nang makita ni Don Rafael ay kaniyang tinulungan.
Ayon sa mga usap-usapan, ang bata ay sinaktan ni Don Rafael at ang ulo nito’y tumama sa malaking bato. Tinulungan niya ito ngunit sumuka ng dugo at namatay. Dahil dito ay nagimbestiga ang mga gwardya sibil at nakulong si Don Rafael. At lumitaw i ang mga lihim niyang kaaway.
Itinuro siya na isang pilibustero at erehe, pinagbintangan sa ilegal na pamamaraan, pagbasa ng mga i ipinagbabawal na babasahin gaya ng El Correo de Ultramar, pagtago ng mga larawan mula sa binitay na pari, pakikipag-ugnayan sa mga tulisan, at pagsusuot ng Barong Tagalog.
Tinalikuran siya ng kaniyang mga kaibigan, at dahil inakala ng taong bayan na nasisiraan ng bait si Tenyente Guevarra, tanging ito na lamang ang naging kakampi niya.
Pinakiusapan ni Don Rafael na ikuha siya ng abogado ni Tenyente Guevarra, at humanap sila ng Kastilang abugado. Ang kaso ay naging mahaba at masalimuot dahil na rin sa mga nagsilabasan na mga kaaway ni Don Rafael.
Bagaman di pa tapos ang paglilitis, ay na sa loob na ng rehas si Don Rafael, nagdudusa. Ito ay nag aing dahilan ng kaniyang pagkama gtay nang magkasakit siya rito. Nang mangyari iyon ay walang kapamilya , na dumalaw man lang sa kaniya.
Sipi ng Buong Kabanata 4: Erehe o Pilibustero
Karagdagang Kaalamamn: Alam mo ba?
Erehe: Isang Krsitiyanong sumusuway at ayaw manampalataya sa ilang mga kautusang pinag-uutos ng Simbahang Katoliko Romana
Pilibustero: Taong kalaban ng mga prayle o ng relihiyong katoliko romano. Ito rin ay Pilipinong may radikal na kaisipang hindi nagpapasakop sa pamamahalaang pinangungunahan ng relihiyon at hukbo.
Subersibo: naman ay ang taong lumalaban sa umiiral na Sistema ng pamahalaan.
Mensahe At Implikasyon:
- Namatay ang kanyang ama ng wala man lamang hustisya at sa kabila ng kabaitan ng kanyang ama marami pa ring nagtraydor sa kanya.
- Pagiging erehe at filibustero
- Sapagkat pinagbabawalan sila ng simbahan at maraming kaibigang nagtaksil kay Don Rafael.
- Sapagkat alam niyang mahihira pan silang kalabanin ang simbahan.
- Sinamahan niya ito sa bilangguan at ito lamang ang nagsilbing tanging kaibigan ng kanyang ama. Ito rin ang humanap ng abogado para sa ama ni Crisostomo.
- Si Don Rafael ay nasawi dahil sa kanyang matibay na pananalig at pagpapahalaga sa katarungan. Sa kabila ng kanyang pagiging matapat sa bayan at pagiging marangal na mamamayan ay pinaratangan siya ng pamahalaan bilang subersibo o taong lumalaban sa pamahalaan. Wala siyang nagawa upang ipaglaban ang kanyang karapatan at makamit ang katarungan sa paratang na ibinibintang sa kanya dahil siya’y nag-iisa at kontrolado ng pamahalaang Espanyol at ng simbahan ang hustisya at batas.