Tungkol sa Manunulat: Sino si Liu Heng?
Isang kilalang manunulat mula sa Tsina.
Ipinanganak noong Mayo 1954
Naging propesyunal na manunulat noong 1970
Ang mga itinatampok niya sa kanyang mga akda ay mga makatotohanang pangyayari sa lipunan.
Naging magsasaka, manggagawa sa isang pabrika at sundalo bago maging isang manunulat at ang mga karanasan niya rito ang nagsilbing inspirasyon niya sa mga isinusulat na akda.
Mga Talasalitaan:
- bisperas: gabi o araw bago ang mahalagang araw ng pagdiriwang
- crematorium: pook para sa pagsunog ng bangkay
- hepe: pinunò o kinikilalang pinunò ng anumang pangkat
- kakarag-karag: tunog ng mabigat na yabag
- panakanaka: paminsan-minsan, bihira
- naririmarim: nakapandidiri
- halinghing: daing ng taong nahihirapan
- gora: uri ng sombrero
- blusa: pambabaeng damit pang-itaas
- ladrilyo: hugis parihabâng tipak na gawâ mula sa pinatuyong lúad, karaniwang gamit sa pagpapader o pagpapatag ng daan
Mga Pangunahing Tauhan
- Li Hiquan: ang pangunahing tauhan sa akda, ang binatang bagong laya at nais magkaroon ng bagong buhay
- Tiya Luo: Ang mabuting tiyahin ni Li Hiquan na palaging sumusubaybay at sumusuporta sa kanya
- Hepeng Li: Nagbigay ng permiso kay Li Hiquan na makapagtinda
- Xiaofen: Ang kababata ni Li Hiquan at masasabing kanyang unang pag-ibig
Sipi ng Akda: Niyebeng itim ni liu heng
Maikling panunuri sa mensahe at nilalaman ng akda
- Ito ay isang uri ng maikling kwentong pang katutubong kulay at pangkatauhan. Katutubong kulay sapagkat mababasa sa akda ang mga tradisyon ng mga Tsino. Pang katauhan naman sapagkat ito ay umiikot sa kwento ng buhay ni Li Huiquan matapos siyang makalaya sa bilanguan.
- TAGPUAN: Beijing China
- PANAHON: Bago at pagkatapos ng Bagong Taon
- Ang isang taong nabilanggo ay maaari pa ring magkaroon ng pagkakataong magbago o ayusin ang kanyang buhay tulad na lamang ng ginawa ni Li Huiquan.
- Hindi madaling maging ulila, isang tao na walang maituturing na sariling pamilya ngunit ganoon pa man nagpapasalamat sa Li Huiquan sa kanyang Tiya Luo sa patuloy na sumuporta at gumabay sa kanya.
- Ang matinding suliranin na hinarap ni Li Huiqan ay kung paano siya titindig mag-isa, paano niya haharapin ang panibagong buhay kung saan kailan niyang humanap ng pagkakakitaan.
- Hinarap ni Li Hiuquan ang kanyang suliranin na may pag-asa na ito’y kanyang mapagtatagumpayan. Kaya naman siya ay nag-isip ng pagkakakitaan at ang napuntang negosyo sa kanya ay ang pagtitinda ng damit. Hindi man ito naging mabenta sa simula ngunit nang may ilang tumangkilik sa kanyang paninda siya ay nabigyang muli ng bagong pag-asa.
- Ang buhay ay puno ng pagsubok, nariyan na maaari kang mahusgahan dahil sa iyong nakaraan ngunit tulad ng ginawa ng tauhan hindi siya nagpadala dito at nagpatuloy pa rin sa kanyang buhay.
- Ang taong matiyaga sa buhay ang siyang nagtatagumpay. Ang taong hindi agad sumusuko sa kanyang sinimulan ay maaaring magkaroon ng magandang kinabukasan.
- Huwag nating hayaan na makulong tayo sa ating nakaraan magsumikap tayong magbago at ayusin ang anumang pagkakamali na ating nagawa nang sa ganun ay mapatunayan natin sa ating sarili sa mga taong humuhusga sa atin na kaya nating magbago at magkaroon ng disenteng pamumuhay.
- Gawing inspirasyon ang mga taong nagbababa sa iyong pagkatao at patunayan sa kanila na mali ang kanilang sinasabi.