Mga Trivia Tungkol kay Gat Andres “Supremo” Bonifacio
- Ipinangalan si Bonifacio sa isang santo. Ipinanganak ni Catalina de Castro ang isang batang lalaki noong Nobyembre 30, 1863. Katuwang ang kanyang asawang si Santiago Bonifacio, nagpasya silang pangalanan ang bata bilang “Andres” hango mula sa pangalan ni San Andres na nagdiriwang ng kapistahan sa parehong petsa.
- Si Andres Bonifacio ay paminsan-minsang gumaganap na aktor sa mga Moro-Moro.
- Bago mapangasawa ni Andres si Gregoria De Jesus ay may nauna na siyang asawa at sinasabing ito ay pumanaw dahil sa sakit na ketong.
- Posibleng hindi taga-Tondo si Bonifacio. Isiniwalat ni Ambeth Ocampo na, ayon kay Dr. Dan Doeppers ng University of Wisconsin, ang pangalan ni Bonifacio ay hindi makikita sa listahan ng mga residente at nagbabayad ng buwis sa Tondo. Kung totoo man ito, maaaring nakatira si Bonifacio sa ibang lungsod o hindi siya rehistradong residente ng Tondo.
- Si Bonifacio ay isang edukadong tao. Lingid sa kaalaman ng marami, si Bonifacio ay mahilig magbasa. Ang ama niya ay may sapat na kinikita bilang sastre upang ikuha siya ng isang pribadong guro. Mahilig din siyang magbasa ng mga librong mula sa Europa at naging kasapi ng mga Freemasons, na kinalaunan ay ginamit niya ang ilang mga ritwal nito sa Katipunan.
- Si Bonifacio ay may kakaibang gawi. Sa isang kolum mula sa Inquirer, isinalaysay ni Murphy sa ang minsan niyang makikipag-usap sa isang punong-guro ng paaralan sa Maragondon. Ibinahagi nito na iniihian ni Bonifacio ang paanan ng isang puno ng aksya sa tuwing papasok at lalabas siya sa kalapit na cell convento.
- Si Bonifacio at Emilio Jacinto ay matalik na magkaibigan. Ibinabahagi ni Bonifacio kay Jacinto ang kanyang mga kaalaman at sekreto. Sumali sila sa parehong kapatiran, lumahok sa mga talakayan, at nag-isip tungkol sa mga libro sa mga rebolusyon tulad ng “Kasaysayan ng Rebolusyong Pranses.” Ginamit rin ni Bonifacio ang bersyon ni Jacinto ng “Cartilla” dahil nakita niyang mas mahusay ito kaysa sa kanyang bersyon. Sa buong rebolusyon, inalagaan ni Bonifacio si Jacinto na parang nakatatandang kapatid, at pantay silang nagpaplano para sa Katipunan.
- Hindi sa lahat ng pagkakataon ay pulang pantalon at kamesa de tsino ang kasuotan ni Bonifacio. Minsang Nakita sa isang portrait na siya ay nakasuot ng amerikana.
- Naniniwala si Bonifacio sa Mahika. Ayon sa kolum na isinulat ni Ambet Ocampo. “Noong Rebolusyong Pilipino, si Andres Bonifacio ay namahagi ng mga piraso ng itim na tela na mula umano sa mga sutana na isinuot ng mga martir na paring Gomburza ngayon: Gomez, Burgos at Si Zamora, na pinatay sa pamamagitan ng garrote sa Bagumbayan noong 1872. Pinaniniwalaang kung sino man ang may dala ng kapirasong telang ito ay mapoprotektahan sa anumang kapahamakan at nagbibigay ng katapangan at pananampalataya.
- Sa Katipunan, “Supremo” ang kanyang titulo at di naglaon nang itinatag niya ang Pamahalang Mapaghimagsik ay tinawag siyang “Pangulo ng Haring Bayang Katagalugan”.